Buong gabi kaming nag-inom, sumayaw at kumanta sa loob ng apartment ni Camille. Hindi kami tumigil sa kakainom hangga‘t hindi kami bumabagsak dahil sa kalasingan.
Mag-uumaga na ng makaramdam kami ng hilo dahil sa sobrang kalasingan, kaya hindi ko na namalayang bumagsak na pala ako kung saan.
*****
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko ng maramdamang may sinag na tumatama sa akin. Bukas na pala ang malaking bintana dito sa sala.
‘Pero sino ang nagbukas noon? Sarado ito kagabi bago kami mag-umpisa ni Camille.’
“Good morning, gising ka na pala.” Bungad na sabi sa akin ng isang lalaking ngayon ko lang nakita.
Agad naman akong napabangon sa sahig na kinahihigaan ko bago blangkong umupo habang nakatingin sakanya.
Masakit pa talaga ang ulo ko kaya hindi ko alam kung paano ako magrereact sakanya.
“Oh I forgot! I'm Julius, Camille’s boyfriend.” Pagsapo niya sa noo bago inilahad ang kamay.
Dahan-dahan ko naman iyong inabot para makipagkamay sana, kaso pagka-abot ko ng kamay ko ay agad niya akong hinila para makatayo.
“Thanks, by the way I'm Yhara. Camille’s new friend, we just met yesterday.” Pagpapakilala ko.
Sa mga puntong ito naman ay nag-uunat na si Camille, hudyat na gising na ang prinsesa.
Sabay kaming dalawa ni Julius na napatingin sakanya habang hinihintay siyang tuluyang magising.
“Good morning.” Ngiting bati ni Camille sa amin bago bumangon. Tinulungan naman siya ni Julius para makatayo.
Pagkatapos naming mahimasmasan ni Camille ay nilinis na din namin ang mga kalat na ginawa naming dalawa kagabi. Mabuti nalang at mabait itong si Julius, dahil imbes na sermonan kami ay tumulong pa siya sa paglilinis at ipinagluto pa kami ng hangover soup.
“Ang swerte mo kay Julius, pareho kayong swerte sa isa't-isa.” Ngiting sabi ko kay Camille habang nandito sa sala at nakikitang naghahanda ng hapag-kainan si Julius.
“Bumabawi lang ‘yan dahil sa mga nagawa niya.” Walang ganang sabi ni Camille.
“Nag-away ba kayo?” Tanong ko sakanya.
‘Minsan talaga hindi gumagana ‘tong utak ko, malamang may nangyari kaya nga bumabawi eh.’
“Mahabang kwento.” Kibit-balikat niyang sabi.
“Ayy, Yhara, baka pwede kitang ipasok sa pinagtatrabahuhan ko. Gusto mo bang subukan?” Interesadong tanong sakin ni Camille.
Naghahanap din naman ako ng trabaho kaya ba’t ko pa tatanggihan ang opportunity na nasa harapan ko na.
“Sure. Pero anong trabaho ba yan? Baka hindi ko kayanin, lalo na kapag puyatan.” Saad ko sakanya. Agad naman siyang napangiwi bago muling ngumiti.
“Ano kasi... Resto bar siya, so gabi talaga tayo magtrabaho hanggang mag-umaga. Pero kung hindi mo talaga kayang magpuyat okay lang naman. Kaso wala na akong ibang alam na trabaho na ma-i-ooffer sayo.” Babang kilay na sabi niya.
Feeling ko tuloy ang sama-sama ko na kapag tinanggihan ko pa si Camille ngayon. Nagmamagandang loob lang naman yung tao.
Pero kakayanin ko kaya yun? Duda pa rin ako sa sarili ko.
“Sige, susubukan ko. Tsaka kasama naman kita, alam kong hindi mo ‘ko papabayaan.” Ngiting sagot ko sakanya. Pero deep inside kinakabahan na ako dahil hindi ko alam kung kakayanin ko ba talaga.
“Yes! Pumayag ka din. Maghanda na tayo ngayon para masamahan na kita sa resto. Baka pwede ka ng makapag-umpisa mamayang gabi kapag nag-apply ka ngayong umaga. Mabait naman si boss kaya sigurado akong tatanggapin ka no’n agad.” Pagmamadali niya sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko at hila-hila papunta sa kusina.
“Kumain na muna kayo para mawala na yang mga hangover ninyo. Hindi niyo manlang ako tinawagan para makasama sainyo kagabi.” Aktong pagtatampong ni Julius. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Camille bago muling bumalik sa pagkain.
‘Mukhang malala nga ang pinag-awayan nilang dalawa.’
“Hindi ko alam kung kakasya sa iyo itong damit ko, pero mukhang magkasing katawan lang naman tayo. Try mo nalang muna.” Sabi ni Camille bago ibinigay sa akin ang mga damit na susuotin ko.
Wala akong dalang kahit ano nung tumakas ako sa bahay ni Azriel kaya kakailanganin kong mag-umpisa ulit sa simula.
Wala din sila mama para tulungan ako dahil ayokong madamay pa sila, tanging sarili ko lang at ang tulong ni Camille ang inaasahan ko ngayon. Kailangan kong tiisin ang lahat ng ito sa ngayon kung ayaw kong mahuli muli ni Azriel at gawing preso sa sarili kong buhay.
“Whoa nagkasya nga! Hindi ako nagkamali. At dahil d’yan, pwede mo ng isuot ang kahit anong gusto mo sa damitan ko.” Ngiting sabi niya pagkalabas ko ng cr bago sinuri ang suot ko na bumagay naman talaga sa akin.
“Thank you Camille.” Malambing kong sabi sakanya bago siya biglang niyakap.
Mukha namang nagulat siya sa ginawa ko dahil ilang sigundo din siyang di kumibo bago ako yakapin pabalik.
“You can always rely on me, we are sisters now.” Rinig kong malumanay niyang sabi habang hinahaplos ang ulo kong nakasandal sa balikat niya.
‘Simula ngayon, isa ka na sa pamilya ko, Camille.’
“We’re sisters from now on.” Ngiting sabi ko bago humiwalay sa pagkakayakap sakanya.
“Yes, we're sisters.” Pag-uulit niya pa.
Bigla naman kaming nagkatinginan bago sabay na natawa ng mapagtantong may nanunuod pala sa amin mula sa pinto ng kwarto.
“And I am the house cleaner who will only come here to clean up your messes.” Pilit ngiting sabi ni Julius habang nakasandal sa pinto.
“Well, at least you're still in the picture.” Pang-aasar ko sakanya. Muli namang natawa si Camille ngunit ngayon ay mas malala na.
“She’s right,” Ani ni Camille habang patuloy pa rin sa pagtawa.
********************
Boring chapter, yeah I know. But still thank you for making time reading it mwa. Don't forget to vote, comment and share (≧▽≦)
BINABASA MO ANG
Dominated by Azriel Milton
RomanceWARNING: Matured content | 🔞 [UNEDITED] An unknown man who suddenly appears from nowhere‚ trying something different or maybe 'too matured' movement to the girl who stole his attention. Will he going to succeed in capturing the female leads heart o...
