CHAPTER 3 : Acting normal in front of everyone

1K 35 5
                                    

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon dahil wala akong magawa. Feeling ko sa mga oras na ito ay ang hina hina ko, at wala akong kakampi.

Pilit kong inayos ang sarili ko at ibinalik ang postura na nakita nila Ate Yesha kanina bago sila umalis.

Ayokong makahalata sila na may nangyari nung umalis sila.

Alam kong mas lalong lalaki ang gulo kung sakali mang mahalata ni Ate Yesha ang nangyari at tanungin ako.

Nang makabalik na sila Ate Yesha at Keysie sa sasakyan ay agad nadin kaming umalis.

Nakabalik na kami sa bahay nila Keysie dala ang mga pinamili nila sa grocery store.

Pagkalapag ng mga dala namin ay agad akong umalis para magpunta sa kwarto ni Keysie. Hindi para umiyak o ano man dahil sa nangyari sa loob kotse kanina, umakyat ako para mag-open ng laptop at isearch ang pangalan na “Azriel Milton” sa search bar.

Hindi ako pwedeng lumusob sa gyera ng hindi ako handa.

Maraming article ang lumabas patungkol sakanya, isa na rito ay ang yaman at kapangyarihan na meron siya.

Isa lang naman siyang piloto na tagapagmana din ng kompanya ng tatay niya.

Isang sikat na model ang nanay niya at kilala naman sa buong mundo ang tatay niya dahil sa husay nitong magpatakbo ng kumpanya niyang nakapalibot sa limang bansa.

Nagscroll pa ako pababa para magbasa ng iilan pang article tungkol kay Azriel. Hanggang sa huminto ang kamay ko sa isang article tungkol sa tatay niya.

Namatay ang tatay niya sa isang sunog noong 12 years old pa lamang siya.

Sabi dito ay pumunta sa isa sa mga wearhouse nila si Senior Milton (his dad) para icheck ang mga bagong dating na bags ng company nila. Nang biglang sumiklab ang malaking sunog sa kalapit na wearhouse na kinaroroonan ni Senior Milton.

Mabilis na kumalat ang apoy kaya't hindi agad nakalabas ang mga biktima na nasa loob ng wearhouse kabilang na si Senior Milton na nasa loob din.

“I'm about to pitied you, but from what you did to me in the car earlier? It serves you right Azriel! What a monster! A devil from hell!” Pagsusumpa ko sakanya habang galit na galit na tinuturo ang article na binabasa.

But there's something inside me that's telling me he has reasons why his doing this. But Azriel, your way of expressing it is not the proper way to express your concealed feelings’

“Ate Yhara?” Tawag sakin ni Keysie habang nakadungaw ang ulo sa pinto ng kwarto.

“Yes?” Gulat na tanong ko ng hindi ko mamalayang nakabukas na pala ang pinto.

Agad naman akong tumayo para lumakad papunta sa pinto kung nasaan siya.

“Dad ask me to call you to go downstair. I think we have a problem.” Ani niya.

Halata sa ekspresyon ng mukha niya na may malaking problema akong kakaharapin pagdating ko sa baba.

“What problem?” Kunot-noo kong tanong sakanya.

Nang hindi siya sumagot ay hinila ko na siya palabas ng kwarto para bumaba ng hagdan.

Mga ilang sigundo lang ay nakababa narin kami kung saan nakita ko sila na nasa sala.

Si Tito Terri, Tita Sai at si Azriel?

Anong ginagawa niya dito?’

“Come here Yhara.” Tawag sakin ni Tito Terri kaya agad naman akong lumapit.

“Napakilala ko na sayo si Mr. Milton kanina.” Pag-uumpisa ni Tito Terri.

Tumango naman ako bilang sagot.

Pansin ko na biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Tito na tila may mali ako ginawa. “What's with that attitude Yhara? Mr. Milton just want to know you, but then you're accusing him of harassing you?” Sabi ni Tito Terri na umeco sa loob ng sala.

Nanatili lang akong nakatayo habang blangkong nakatingin sakanila.

Diko mawari kung anong emosyon ang ilalabas ko ngayon dahil sa sinasabi ni Tito Terri na accusations na binabato ko kay Mr. Milton?

It's not even an accusation. It's the truth! Did that pervert wants sympathy from my family and relatives?!

“W-wala naman po akong sinasabing ganon Tito, b-baka misunderstanding lang po yung nangyari.” Pagpapaliwanag ko.

Agad naman akong napatingin sa direksyon ni Azriel kung saan kalmado lang siyang nakatingin sa akin.

“You know why? Because one snap of my finger can make his world also your family's world, turns upside down.” Mga katagang muling bumalik sa isipan ko ng mapagtanto kong kagagawan niya lahat ng ito.

“If it's just a misunderstanding then you should apologize to Mr. Milton.” Seryosong sabi ni Tito Terri.

Ako yung biktima dito! Pero bakit parang nabaliktad ang pangyayari at ako bigla ang naging mali...

Dahan dahan naman akong bumaling sa direksyon ni Azriel, “I’m sorry for accusing you. It won't happen again.” Nakayukong sabi ko habang pinipilit na patatagin ang sarili dahil wala akong kakampi dito.

“I don't think apologizing is enough. Why don't you take me to a restaurant tomorrow? Only in that way I would know that you're sincere.” Ngiting sabi nito habang diretsong nakatingin sakin na tila nang aasar pa.

“Sorry, but I have classes tomorrow.” Mabilis na pagpapalusot ko.

“Maybe some other day, when you already have time.” Mahinahong sabi nito. “You don't need to rush yourself, I can wait.”

Napabaling naman ang tingin ko kay Tita Sai na masama na ang tingin sa akin.

“I-i'll make time for it.” Pilit ang ngiti kong sabi sakanya bago sinulyapan si Tita Sai na ngayon ay kalmado na ang mukha.

Pumayag din naman sila bago nagsitayuan na para bumalik sa labas at asikasuhin ang mga bisitang kadarating lang.

“Halatang may gusto sayo iyong pilotong yun.” Biglang sabi ni Tita Sai paglapit nito sa akin.

“Tita Sai, alam niyo naman pong kailangan ko munang unahin iyong pag-aaral ko para po makapaghanap ako agad ng trabaho.” Nakababa ang kilay kong paliwanag sakanya.

“Yhara, nasaan ba ang utak mo? Siya na ang sagot sa kahirapan niyo. Mayaman na si Mr. Milton, hindi mo na kakailanganin pang magtrabaho kapag nakuha mo na siya! ” Galit na sabi ni Tita Sai.

Dinaig niya pa mga nangbubugaw na nanay sa labas kung makatulak sa akin sa lalaking yon, kung alam niya lang ang kabastusan ng lalaking iyon.

Pera nalang ba talaga ang halaga ng pagmamahal ngayon.

Dominated by Azriel MiltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon