Nang matapos na si Mary ay inilapag niya na rin ang almusal ko sa lamesa.
“Pwede mo ba'kong sabayan? Dalawa lang naman tayo dito, tsaka hindi ko mauubos lahat ng ito.” Pag-aaya ko sakanya.
Agad naman niyang ini-angat ang kamay niya para sumenyas ng 'hindi na po' pero dahil mapilit ako ay mabilis akong tumayo para pumunta sakanya at paupuin siya sa kaharap kong upuan.
“Naku Miss Yhara, papagalitan po ako ni Mr. Milton kapag sinabayan ko po kayo.” Natatakot na sabi niya.
“Wala naman siya dito kaya wala kang dapat ikabahala.” Pampalubag loob ko namang sabi sakanya.
“Sigurado po akong malalaman niya kapag chineck niya po ang cctv at nagreport na kaming dalawa ni Mila.” Nakayukong sabi niya na tila nakagawa ng kasalanan.
Bigla namang kumunot ang noo ko ng marinig ang sinabi niya.
“Mila?” Tanong ko. Agad naman siyang tumingin sakin bago nagsalita.
“Kambal ko po, kaming dalawa lang ang katulong na nandito sa bahay ni Mr. Milton. Nagtatrabaho dati yung papa namin sa warehouse ng mga Milton, pero dahil sa aksidente ay naulila kami ni Mila. Wala kaming ibang mapuntahan dahil wala na din kaming mga kamag-anak kaya naisipan kaming kupkupin ni Mr. Milton.” Pagkekwento niya na masinsin kong pinakinggan.
Napatigil naman ako sa pagsubo ng donut ng bigla kong maalala yung sinearch ko tungkol kay Azriel.
Totoo pala yung sunog na nangyari dati.
Matagal akong nadala sa iniisip ko kaya hindi ko namalayang kanina pa pala nakatingin sa‘kin si Mary.
“A-ahm sorry, hindi ko lang inexpect na may mabuting part pa din pala sa puso ni Azriel.” Malumanay kong sabi sakanya bago bahagyang ngumiti.
“Hindi niyo lang po siguro napapansin Miss Yhara. Lagi po kasi kayong tulog kapag ginagawa niya ho iyon, este mabuti po talaga ang loob ni Mr. Milton, hindi niya lang po lubos na naipapakita.” Pagsasabi niya pa bago awkward na ngumiti.
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Totoo namang tulog ako lagi dahil lagi din akong pinapatulog ni Azriel. At pansin ko din na tuwing gigising ako ay biglang nasa kumportableng posisyon na ako.
'Siguro nga may parte pa'kong hindi nakikita sakaniya. Pero hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang makita yun.'
“Siguro nga. Pero alam mo, kumain na muna tayo. Kailangan ko na ring magmadali dahil baka malate pa‘ko sa first subject namin.” Sabi ko sakanya bago nagpatuloy ng muli sa pagkain.
Nang matapos na kaming kumain ay muli na ‘kong bumalik sa taas para maligo at makapaghanda para pumasok.
“Mary, saan dito yung sakayan?” Tanong ko kay Mary ng makababa na ‘ko matapos makapag-ayos.
“Miss Yhara ang sabi po sa amin ni Mr. Milton ay may dadating daw pong tutor para magturo sainyo. Mahigpit niya din pong bilin sa amin na wag kayong papalabasin.” Inosente at tila nag-aalangang sabi ni Mary. Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
'Naguguluhan ako, bakit hindi ako pwedeng lumabas? At para saan yung tutor?'
Agad-agad ko namang kinuha ang cellphone ko para tawagan si Azriel.
BINABASA MO ANG
Dominated by Azriel Milton
RomanceWARNING: Matured content | 🔞 [UNEDITED] An unknown man who suddenly appears from nowhere‚ trying something different or maybe 'too matured' movement to the girl who stole his attention. Will he going to succeed in capturing the female leads heart o...
