Yhara
I am now walking down the aisle, slightly looking around obviously didn't know why I am here and what am I suppose to do.
When I look around, I saw my mom, dad, my sister and some of my relatives, but most of them looks unfamiliar to me.
It's a garden style church, every wall are made out of glass, it also has a glass tiled stage in the aisle while the both sides are full of flowers, it is especially decorated for weddings.
Itinigil ko na ang palilibot-libot ng paningin ko at itinuon na ito sa harapan kung nasaan si Azriel.
Habang dahan-dahan akong lumalakad papunta sa altar, sa kinaroroonan ni Azriel, rinig ko ang mga bulong-bulungan patungkol sa groom pati narin sakin.
“Bagay na bagay talaga sila, parehas maganda at gwapo.”
“Ang swerte naman ni Yhara ang gwapo ng mapapangasawa niya, at ang yaman pa!”
“She’s really a lucky girl.”
At marami pang-iba.
Bigla naman akong nalungkot sa loob-looban ko dahil sa mga narinig kong papuri nila tungkol sa aming dalawa.
‘Kung alam ba nilang pinilit lang ako para magpakasal sakanya, na hindi manlang ako makatakbo papalabas ng simbahang ‘to dahil ayokong mapahiya ang mga magulang ko, may magbabago kaya sa mga sinasabi nila? Kung alam lang nila yung takot ko sa tuwing kasama ko siya...’
'Tinanggalan nila ako ng karapatan.'
*****
“Azriel Milton, do you take Yhara Castillo to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?” Tanong ng Pari kay Azriel.
“Yes, I do.” Agad na sagot ni Azriel habang diretso nakatingin sakin.
Pagkatapos non ay bumaling naman ang Pari sa akin bago nagsalita. “Yhara Castillo, do you take Azriel Milton to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?”
I was speechless, I don't know what to say. I keep quiet while looking at him.
This time I really don't know what to do with a lot of eyes looking at me, waiting for my answer. I don't want to promise anything in front of God, lalo na kung hindi totoo at hindi galing sa puso ko.
Naguguluhan parin ako sa mga nangyayari, ni hindi ko nga alam kung bakit ako kinakasal ngayon. Ang engagement party na pagkakaalam ko ay isa palang wedding ceremony.
‘Ginagago mo ba‘ko Azriel? Laro lang ba talaga ang lahat para sakanya?’
Matagal akong nanahimik. Nag-uumpisa na naman ang mga bulong-bulungan sa paligid namin. Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko at tumingin sa mga mata ng lalaking nasa harapan ko.
Kita ko ang pangamba sa mga mata niya at ang pagkasabik na marinig na ang sagot ko.
I can see from his eyes that he wants me to say ‘yes’ right now.
Ramdam ko ang dahan-dahang pagpisil niya sa kamay ko, habang tumatagal ay padiin ito ng padiin. Alam kong wala na skong takas kung nasaan man ako ngayon, pero hindi ako papayag na lagi nalang akong mawalan ng pag-asa. Kaya kong baguhin ang tadhana ko gaya ng pagbago niya sa buhay ko.
“Yes, I do.” Sambit ko bago matamis na ngumiti sakanya.
Agad niya namang niluwagan ang pagkakahawak sa kamay ko. Ramdam ko ang pahinga niya ng maluwag ng magsalita na ‘ko. Agad siyang ngumiti sakin bago ako muling tinignan sa mga mata.
‘Nag-uumpisa palang ang lahat Azriel...’
“Then you can now, kiss the bride.” Masayang sabi ni father habang nakatingin saming dalawa.
Agad na humarap sakin si Azriel para iangat ang veil ko. Nang mai-angat niya na ito ay dahan-dahan kong ini-angat ang ulo ko para tumingin sa mga mata niya.
‘There's a hint of something I can't read in his eyes. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o nagpapanggap lang, hindi ko alam.’
He slowly come closer to me, tilted his head and then kiss me. He kissed me passionately. I can feel the gentleness in his lips while kissing me.
Nang humiwalay na siya sa‘kin ay nanatili parin ang kanang kamay niya sa pisngi ko, marahan niya itong hinahaplos gamit ang hinlalaki niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Finally! We are done with this damn wedding ceremony. We can have some rest for a while and then after that is the after-party.
Naging mabilis ang takbo ng oras sa araw na ito dahil parang isang iglap lang ay gabi na agad at nandito na ako sa gitna habang binabati ng bawat bisita.
“Congratulations, Mrs. Milton. You can now take Azriel under your control.” Pagbibiro ng isang babaeng halos limang taon lang ang tanda sa‘kin. Sabay naman kaming natawa sa sinabi niyang nyang iyon.
“She can't do that Lyna, but maybe I, can make her under me in bed.” Mapang-asar na sabi ni Azriel sabay tingin sakin habang kagat ang ibabang labi niya.
‘That cheeky look on his face. Argh! I want to bite him in his shoulder right now! At hindi ako bibitaw hangga’t wala akong nakikitang dugo!’
I look at them quietly. Azriel and Lyna looks so close when they are talking. Kung hindi ako kilala ng mga bisita ay iisipin nilang si Lyna ang bride ni Azriel at hindi ako.
“Yhara.” Mahinang tawag sakin ni Ate Yesha bago sumenyas sakin na lumapit sakanya.
“Ate Yesha?” Tanong ko sakanya ng makalapit na‘ko.
“Kilala mo ‘yong kausap ni Mr. Milton?” Tanong niya sa akin.
“Ahh, si Lyna. Mukhang kaibigan siya ni Azriel, hindi niya nasabi sa akin kung anong relasyon nila dahil biglang dumating si Mr. Castro.” Pagpapaliwanag ko sakanya.
“Okay kalang ba?” Pagbabago niya ng usapan.
Binigyan ko naman siya ng mapait na ngiti bago tumango ng bahagya.
“Pumunta si Mr. Milton sa bahay noong araw bago ka niya sunduin galing sa school. May kasama siyang mga body guard para kunin ang mga gamit mo, kinausap niya sila mama tungkol sa balak niyang gawin nalang ang engagement party niyo sa Villa na pagmamay-ari niya. Pero kagabi bigla siyang tumawag para ipaalam samin ang venue ng kasal, nagulat kaming lahat dahil ang akala namin ay engagement party ang mangyayari.” Pagpapaliwanag niya sa‘kin ng mga nangyari.
Kahit ako ay naguguluhan din at nagulat sa mga nangyari, hindi niya manlang ako tinanong sa mga desisyon na ginawa niya.
Pero wait lang, kung pumunta si Azriel sa bahay namin nung araw na‘yun, bakit hindi ko nakita ang mga gamit ko sa Villa o kahit sa loob ng kotse niya?
Agad naman akong napatingin sa kinaroroonan ni Azriel dahil sa bigla kong naisip na pwede nyang gawin sa mga gamit ko.
Mabilis na tumibok ang puso ko ng malamang nakatingin din pala siya sa akin.
Sigundo ang lumilipas habang nakatitig parin kami sa isa‘t-isa na pawang nag-uusap gamit ang mga mata namin.
‘Ano ba talagang binabalak mo Azriel?’
BINABASA MO ANG
Dominated by Azriel Milton
RomanceWARNING: Matured content | 🔞 [UNEDITED] An unknown man who suddenly appears from nowhere‚ trying something different or maybe 'too matured' movement to the girl who stole his attention. Will he going to succeed in capturing the female leads heart o...
