Nakatayo parin siya sa harap ng mga ka-business partner niya habang nakatingin sa‘kin.
Nang maka-alis na si Ate Yesha sa tabi ko ay agad na lumapit si Azriel sa kinaroroonan ko.
“What’s wrong?” Kunot-noong tanong niya.
“Where did you bring my things?” Tanong ko ng may masamang tingin sakanya.
“In our house.” Tipid niya namang sagot.
“Our house?” Naguguluhang tanong ko.
“Of course, we're already married. You will be living with me now. Hinanda ko na lahat ng kailangan mo sa magiging bahay natin kaya hindi mo na kakailanganin pang umalis.” Ngising turan niya.
Ang tinutukoy niya bang bahay ay ang Villa niya? Pero bakit wala roon ang mga gamit ko? At isa pa hindi ko kayang mabuhay sa Villa niya na napapalibutan ng sandamakmak na katulong at guwardya. Para akong bilanggo.
“W-wait, so you mean I'll be living in your Villa?” Pagturo ko sa sarili gamit ang hintuturong daliri. “No way! Over my dead body!” Galit kong sabi.
Ramdam ko na dumidilim na naman ang tingin niya sa‘kin dahil sa inasta ko. Agad niyang hinawakan ang kamay ko bago hinila sa gilid kung saan nakapwesto ang assistant niya.
“Tell them we're leaving.” Utos niya sabay hila sa akin patungo sa exit door. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, hindi pa ako nakakapagpaalam sa pamilya ko kaya nagpumiglas ako sa hawak niya ngunit mas hinihigpitan niya lang iyon rason para makaladkad ako, ngunit parang wala lang sa kanya at tuloy parin sa paghila sakin.
Agad na nanlamig ang buong katawan ko ng makalabas na kami ng venue. Gabi na kaya naman grabe ang lamig sa labas tapos ang nipis pa ng suot ko dahil nagbihis ako ng bridal dress bago kami pumunta sa reception.
Dumiretso na kami sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. Nang makita na namin ang sasakyan niya na nasa pangatlong hilera ay agad akong tumakbo roon para makapasok na dahil nanginginig na talaga ako sa lamig.
“Can’t wait to go home and have our honeymoon, baby?” Taas kilay niyang sabi sakin habang nakangisi.
Hindi niya ba nakikitang nangangatog na ‘ko sa lamig?!
Sinamaan ko naman siya ng tingin bago itinuon ang atensyon sa nilalamig kong katawan. Niyakap kong maigi ang sarili ko para mabawasan ang lamig na nararamdaman ko, ngunit hindi parin ito nawawala kahit anong gawin ko.
Dahil sa tagal ng naging byahe namin ay ‘di ko namalayang nakatulog na pala ako. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita kong may kumot ng nakabalot sa‘kin habang ang katawan ko naman ay nakapatong sa isang malambot na higaan.
Agad kong inilibot ang paningin ko sa loob ng hindi pamilyar na kwartong kinalalagyan ko.
Walang kahit sino man ang nandito, tanging ako at ang mga unan lang na nakapalibot sa‘kin at ang lamp shade na bukas lang ang makikita mo dito.
Mga ilang saglit pa ang lumipas ng dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang lalaking may hawak ng tray. Medyo madilim sa loob kaya hindi ko masyadong maaninag kong sino iyon, ngunit nang makalapit na siya ay naamoy ko agad ang pamilyar na amoy niya. It's Azriel, holding a tray, with a bowl of porridge with it.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang tray sa side table ng kama at kinuha ang lugaw na nandodoon. Marahan niyang itinapat ang isang kutsara ng lugaw sa labi ko ng maihipan niya na ito. Nakatingin lang siya sa‘kin habang hinihintay na tanggapin iyon ng bibig ko.
“Careful, it's still hot.” Pagpapa-alala niya.
Marahan ko namang ibinuka ang bibig ko para tanggapin ang kutsara ng lugaw.
"Hindi ako nakapagpaalam sa mga magulang ko." Mahinang sabi ko na sapat lang para marinig niya.
“You have gotten a fever, did you get it when we got out of the venue?” Mahinahong tanong niya habang sumasandok ng lugaw at iniihipan ito bago isubo sa akin. “I’m so sorry for not noticing it earlier.”
'Hindi niya pinansin yung sinabi ko.'
Marahan niyang hinaplos ang noo ko na may koolfever patch, pinapakiramdaman kung bumaba na ba ang lagnat ko.
“Drink this. I'll put your medicines beside the bed, remember to drink 1 tablet every after 4 hours. Just 4 times in 24 hours. I have a flight tonight. I already ask Mary to take care of you while I'm away.” Kumandong sabi niya habang inaayos ang mga gamot sa side table.
Napangiti naman ako sa ginawa nyang paghihiwa-hiwalay ng mga gamot sa lagayan at nilagyan niya pa ito ng oras kung kailan ko dapat inumin.
Bakit parang ibang Azriel Milton ang nasa harapan ko ngayon? dahil sa nakikita kong pag-aalala sa mga mata nya, ibang iba talaga...
“Where are you going?” Tanong ko sakanya.
“U.S. I'll be away for a month.” Sagot niya nang matapos na siya sa paglalagay ng mga gamot sa lagayan.
“A month? Only a month?” Sarkastikong sabi ko sakanya. Agad namang kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
“Only? Hey, angel. This one whole month is like a decade to me. We've just gotten married and now I need to leave you for a fvcking long time for this fvcking business, aren't you mad or even sad about it?” Kunot-noong tanong nito na tila hindi makapaniwalang mas gugustuhin ko pa siyang mawala ng matagal.
‘Well, gusto ko naman talaga, wala na ‘kong maloloko dito. Tsaka sino ba namang gugustuhing makasama ang isang halimaw na tulad niya.’
“No? Why would I?” Inosenteng tanong ko sakanya. Agad namang naningkit ang mga mata niyang nakatingin sa‘kin bago muling ini-angat ang kamay niya sa noo ko para I-check ang temperature ko.
“Looks like you're already fine Yhara, wanna continue our honeymoon?” Pang-aasar nito bago dahan-dahang lumapit sakin.
“Mahahawaan kita, may flight ka pa diba? Hindi kita pwedeng mahawaan, baka hindi ka pa makaalis. Hindi pwedeng mangyari ‘yon.” Sabi ko na may paghawak pa sa balikat niya para pigilan ang paglapit niya bago tinapik-tapik iyon.
“You little vixen, I'll gonna punish you for this when I come back.” Pananakot niya.
‘Sinong tinakot mo? Kala mo naman matatakot mo‘ko hmp!'
Hindi rin siya nagtagal sa loob ng kwarto. Pagkatapos niya ‘kong pahigain ay binigyan niya muna ako ng isang matagal na halik sa noo bago kinuha ang maleta niya at lumabas na.
‘Hindi ko alam kung dapat ba ‘kong matuwa o malungkot dahil sa pag-alis niya at maiiwan na naman akong mag isa. Hindi manlang ako makatakas dahil sa higpit ng security niya, for sure sinigurado niyang hindi ako makaka-alis sa impyernong to.'
BINABASA MO ANG
Dominated by Azriel Milton
RomanceWARNING: Matured content | 🔞 [UNEDITED] An unknown man who suddenly appears from nowhere‚ trying something different or maybe 'too matured' movement to the girl who stole his attention. Will he going to succeed in capturing the female leads heart o...
