Hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon. Buong araw nakong naglalakad at wala akong makitang masasakyan dahil puro bahay at puno lang ang nakapaligid sa lugar na 'to.
Sobrang tahimik ng kalsada, halatang walang dadaan para tulungan ako.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may makita akong bahay na bukas ang pinto, medyo may kalayuan sa bahay ni Azriel.
Dahan-dahan akong lumapit roon at sumulyap-sulyap sa paligid para siguraduhing walang makakahuli sa'kin. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit sa bahay na 'yon ay nagulat ako ng may biglang lumabas na lalaki mula roon, may kausap siya sa cellphone habang nagmamadaling kumilos papalabas.
"Yes, Sir! Hahanapin namin siya kaagad." Rinig kong sabi ng lalaking kakalabas lang doon sa kausap niya sa cellphone.
Agad naman akong napatago sa likod ng dingding ng marinig ko ang sagot niyang iyon sa telepono.
'Sigurado akong ako ang hinahanap niya at si Azriel ang nag-utos noon sa kabilang linya.'
"Lahat ba ng bahay na nakapalibot malapit sa bahay ni Azriel ay ang tinutuluyan ng mga bodyguard niya? Gaano ba kadelikado ang lalaking 'to at kailangan niya ng ganito karaming security?" Bulong kong tanong sa sarili ko habang nakatago pa rin sa likod ng dingding.
Hindi ako pwedeng manatili ng matagal dito sa pwesto kong ito dahil sigurado akong mahahanap nila ako agad, sa dami ba naman nila, lugi ako.
Naisip kong tawagan sila Ash at Akila para humingi ng tulong, pero ayokong madamay pa sila sa gulo.
Nagpatuloy akong muli sa paghahanap ng masasakyan ng bigla akong mapadpad sa kalsada na dinadaan ng mga sasakyan.
Noong una ay nagdadalawang-isip pa ako kung papara ba ako ng kotse para makahingi ng tulong o hindi dahil baka isa sa mga bodyguard ni Azriel ang nakasakay roon.
'Pero kung hindi ako papara at hihingi ng tulong, paano ako makakaalis sa lugar na 'to?'
Bagama't nagdadalawang-isip ay itinuloy ko parin ang plano kong pumara ng kotse.
Paswertihan nalang ang mangyayari ngayon, kung bodyguard man ni Azriel ang mapara ko ay hindi talaga para sa akin ang pagtakas. Pero kung hindi, baka nga dapat na talaga akong magpakalayo-layo sa lugar na 'to at sa taong 'yon.
Naglakad-lakad pa ako ng unti habang naghihintay ng sasakyan na dadaan, ngunit wala parin talaga. Feeling ko ay last na iyong dalawang dumaan kanina. Nauubusan na 'ko ng pag-asa.
"May makakatulong pa kaya sa 'kin?" Nakatungo kong sabi habang nilalaro ang pagod na pagod ko ng mga paa.
'Beeppp!' Busina ng kotse.
Agad naman akong napatingala at tumingin sa kinaroroonan ng ingay na iyon. Parang biglang lumawag ang paghinga ko ng makita ang isang puting kotse na tumigil sa gilid malapit sa akin.
"Miss, nawawala ka ba?" Tanong ng isang babaeng driver ng ibaba niya ang bintana ng kotse. Agad naman akong ngumiti sakanya bago marahang tumango.
"Ahm, mukhang wala ng ibang sasakyang dadating, gusto mo bang sumakay? Ihahatid nalang kita sa pupuntahan mo." Pag-aalok niya. Hindi ko naman pinalampas ang pagkakataong ito bago pumasok na sa loob ng kotse.
"I think I'm the lucky girl today. May nakilala ako bigla na magandang babae na naglalakad sa sidewalk. By the way I'm Camille, how about you?" Pagpapakilala niya matapos akong pangitiin sa matatamis niyang salita.
"I'm also the lucky one here kasi dumating ka hahaha, I'm Yhara, and thank you so much Camille." Ngiting sabi ko sakanya habang nakababa ang mga kilay na parang aso na nanghihingi ng tulong.
Umiling-iling naman siya bago sumagot. "Nah, it's fine. Dito din naman talaga ako dumadaan." Walang anumang sabi niya.
Natahimik na kaming dalawa kaya muli kong naalala na wala nga pala akong mapupuntahan.
"Paano ka nga pala napunta dito?" Hindi ko inaasahang tanong niya na biglang nagpalungkot sa ekspresyon ng mukha ko.
"A-ah nagbakasyon kasi kami dito ng pamilya ko, tapos mag-eexplore lang sana ako. Kaso mukhang napasobra ata yung pag-explore ko." Natatawa-tawang paliwanag ko sakanya.
"Ooh... saan pala kita ihahatid Yhara? Naaalala mo ba yung pangalan ng lugar na tinutuluyan niyo ngayon?" Tanong niya sa akin.
"Actually hindi ko alam yung pangalan ng lugar namin, masyado din siguro akong na-excite kaya nakalimutan kong itanong." Pagsisinungaling kong muli habang iniiwas ang tingin sakanya.
"W-wait, so anong plano mo ngayon? May matutuluyan ka ba? Or may spot kang natatandaan na malapit sainyo? Like landmark? May cellphone ka ba? Baka pwede mo silang matawagan." Dire-diretso niyang tanong habang palingon-lingon ng tingin sakin dahil nagdadrive siya.
"I don't have one, hindi ko rin maalala kung saan yung lugar na pinagtuluyan namin. Baka pumunta nalang ako sa terminal dito, babalik nalang ako sa manila." Sabi ko sakanya habang malungkot na kinukulikot ang kamay ko na parang batang nawawala.
Nasa bag ko nga pala yung cellphone ko at sa sobrang galit ko ay nakalimutan kong dalhin yung mga kailangan ko. Wala ako kahit ni singkong duling.
"Baka pwede ka muna sa sa amin? Boyfriend ko lang naman yung kasama ko sa apartment, pero bihira lang siyang pumunta don dahil sa trabaho niya. Pwede kang mag-stay don habang hinahanap ang pamilya mo." Pag-aalok niya sakin.
Iyon naman talaga ang balak ko, nahihiya lang akong magsabi. Pero buti nalang at malambot ang puso ng babaeng nakatulong sa akin.
"Pwede ba? Pasensya ka na Camille, naabala pa kita." Nahihiyang sabi ko sakanya habang baba pa rin ang mga kilay.
'Kailangan ko ng kapalan ang pagmumukha ko dahil wala nakong ibang pagpipilian pa.'
"Ano ka ba Yhara, magiging magkaibigan din naman tayo. Isipin mo nalang na dito mag-uumpisa ang pag-eexplore mo, pero may kasama ka na at ako 'yon." Sabi niya bilang pampalubag loob sa 'kin.
Bilib din ako sa tiwalang binigay ni Camille sa 'kin kaagad. May malalang trust issues ako kaya hindi ko kayang magtiwala kaagad kagaya ni Camille.
Nahihiya pa rin ako sakanya dahil hindi niya pa nga ako ganon kalubos na kilala pero hinayaan niya na agad akong pumasok sa buhay niya.
"Maraming salamat talaga Camille, kung hindi ka dumating hindi ko na talaga alam ang gagawin ko."
"Walang anuman, tsaka kahit sino naman siguro kung may ganon silang makita ay tutulungan din nila." Sabi niya naman.
Grabe naman ang pagtitiwala ng niya. Pero medyo duda ako kung sa iba nangyari ang ganito, syempre hindi nila ako kilala at bihira nalang sa panahon ngayon ang may mabuting kalooban.
'Pero sana maging ganyan ka pa din kabait sa akin Camille, kahit na malaman mong kasinungalingan lang lahat ng sinabi ko sayo.'
********************
Grabe iba talaga ang nagagawa ng pangangailangan, pero kung ikaw yung nasa posisyon ni yhara handa ka bang mag-stay sa side ni Azriel kahit alam mong mawawalan ka ng kalayaan at karapatan sa sarili mo?
Don't be shy to share your thoughts cuties. pls do vote, comment and share(≧▽≦)
BINABASA MO ANG
Dominated by Azriel Milton
RomansaWARNING: Matured content | 🔞 [UNEDITED] An unknown man who suddenly appears from nowhere‚ trying something different or maybe 'too matured' movement to the girl who stole his attention. Will he going to succeed in capturing the female leads heart o...
