CHAPTER 4 : Convincing me, to be with him

1.2K 39 4
                                        


Natapos din ang mahabang gabi ng kasiyahan.

1:30am na nang makita kong wala ng kahit isang bisita sa backyard kaya umakyat na ako sa kwarto ni Keysie para makapagpahinga na.

Nang makapasok ako sa loob ay nakita kong mahimbing ng natutulog si Keysie sa gilid ng kama niya, kaya dahan dahan ang mga hakbang ko habang papunta ng cr. Nag-iingat na hindi makagawa ng ingay na gigising sakanya.

Pagkatapos ko makalabas ng cr ay dumiretso na din ako sa kama at humiga sa space na iniwan ni Keysie para sakin.

Habang nakahiga sa kama ay nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto, malalim na iniisip kung ano ba talaga ang dapat kong gawin.

Baka nga tama si Tita Sai na si Azriel na ang sagot sa problema namin, pero paano kung hindi?’

‘Paano kung mas gumawa pa siya ng gulo sa pamilya namin?’

Sa dami ng tumatakbo sa isipan ko ay diko na namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising nalang ako dahil sa katok na nagmumula sa pinto. Pagkatapos ng ilang katok ay bumukas din ito at nakita kong pumasok si Ate Yesha.

“Nakatulog ka ba ng maayos?” Tanong niya sakin ng makaupo na ito sa paanan ng kama.

Tumango naman ako habang bahagya paring nakapikit dahil sa silaw ng liwanag na pumapasok mula sa bintana.

“May sinabi sa akin si Tito Terri kagabi. Sabi niya willing daw mag-invest sa company ni Tito Terri si Mr. Milton at pagawan ng sariling shop si papa para sa gusto niyang clothing boutique. Pero may kapalit siyang hinihingi Yhara..." Sabi ni Ate Yesha habang marahang hinahaplos ang likod ng palad ko gamit ang mga kamay niya.

“At ikaw ‘yon Yhara. Ikaw ang gusto niyang kapalit.” Dugtong niya na tuluyang nagpagising sa natutulog kong diwa.

“Ayaw naming isipin mong binebenta o binibigay kalang namin sakanya kapalit ng mga kayamanang ibibigay niya sa pamilya natin. Kilala siya si Tito Terri at sabi niya mabait na tao si Mr. Milton at mapapabuti ka kung sakanya namin ipagkakatiwala ang future mo.”

“Yhara, gusto lang namin na mas mapabuti ka. Alam mong maliit lang ang sahod ni papa para tustusan ang pag-aaral mo at pang araw-araw na gastusin natin.” Pagpapaliwanag niya.

Nangingilid na ang mga luha naming pareho.

Ramdam ko ang dahan dahang pagpisil ni Ate Yesha sa kamay ko habang pinipigilang pumatak ang mga luha niya.

Alam kong nahihirapan talaga kami financially ngayon, at magandang kapalit iyong mga sinabi ni Azriel. Lalo na ngayon na buntis si ate at kailangan niya ng magpakasal.

Pero bakit kailangang ako yung sumugal? Bakit kailangang ako yung maging kapalit?

“Paano kung... h-hindi ako pumayag?” Tanong ko sakanya habang pinipilit na hindi umiyak sa harapan niya.

“Narinig ko yung usapan niyo ni Tita Sai kahapon sa sala. Kahit ayokong gawin ‘to, alam mong wala tayong magagawa Yhara. Ayokong maghirap tayo ng husto hanggang sa pati sila mama at papa sumuko na.”

Ngayon ay hindi na talaga nagpapigil ang mga luha kong gusto ng kumawala sa mga mata ko kanina pa.

Hinayaan ko lang itong umagos, nagbabakasakali na may magawa ang pag iyak ko para masolusyunan lahat ng problema ko ngayon.

Nagbabakasakali na panaginip lang lahat ng ito at pagpunas ko ng mga luha ko ay magising ako sa tunay kong mundo, kung saan wala siya...

Malinaw naman sakin na walang magagawa ang bawat butil ng luhang dumadaloy sa mga pisngi ko para takasan ang reyalidad na kailangan namin ng tulong nila.

“Mag ayos ka muna bago ka bumaba, naghihintay na sila.” Walang magawang sabi ni ate Yesha bago lumabas ng kwarto habang pinupunasan ang mga luha niya.

Ilang minuto ang ginugol ko sa loob ng cr. Iyak dito, tuloy-tuloy na agos ng luha doon, pupunasan ko pero tuloy parin sa pag-agos.

Kahit anong gawin ko hindi ko parin maalis ang bigat na nararamdaman ko.

Natigil lang ako sa pag-iyak ng marinig kong kumakatok sa pinto si Keysie.

Mabilis kong inayos ang sarili ko bago naghilamos at nag-apply ng manipis na make-up para hindi halata ang namamaga kong mga mata.

“Good morning, My little assistant. How's your sleep?” Ngiting bungad ko sakanya pagbukas ko ng pinto.

“It's good po. Ate Yhara are you going home now?" Malungkot na tanong niya, halatang ayaw pa akong paalisin.

“Yup, but I'll gonna visit you sometimes when I have free time. We will go watch movies again 'till morning. I know you like that, right?” Sabi ko sakanya bago siya hinila papalapit sa akin para yakapin.

Nabawasan ng onti yung bigat na nararamdaman ko dahil sa yakap na ‘to.

Ito yung pinaka kailan ko ngayon...

Minsan naiisip ko na sana totoong kapatid ko nalang si Keysie. Mas naiintindihan niya pa yung nararamdaman ko, mas alam niya na may problema ako at higit sa lahat, mas mahal niya ako.

“Alright, that's a promise then. Pinky swear.” Saad niya bago tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko para sa pinky promise.

Inabot ko naman iyon bago muli siyang niyakap ng mahigpit. Pagkatapos non ay bumaba narin kami para harapin ang reyalidad na naghihintay para sakin.

“Good morning girls.” Bati sa amin ni Tito Terri pagkababa namin mula sa taas.

Pagkapasok namin sa dinning room ay naramdaman ko agad na may gusto silang sabihin kaya umupo na ako at hinintay sila na magsalita.

Yesterday was 08.08. Which is August 8, it should be my lucky day but it turns out to be my worst day and biggest nightmare.

“Mukha namang mabait na tao si Mr. Milton, anak.” Sabi pa ni papa ng makaupo na silang lahat.

“Mukha lang po.” Bulong ko sa sarili.

“Subukan mo muna ng wala kang pagsisihan sa bandang huli.” Singit naman ni Tita Sai habang kinukuha ang plato ng bacon na malapit sakanya.

“Alam naman nating lahat na mayaman si Mr. Milton, at kaya niyang suportahan ang pamilya niyo at ang pag-aaral mo. Wag mo ng sayangin pa ang pagkakataon Yhara.” Dugtong niya pa.

Ganon na ba talaga kababa ang tingin niyo sa amin, na kailangan namin kumapit sa iba para makaahon sa hirap?

Base on what's happening right now and what they're saying, I can tell that all of them are only into his money, right?

Hindi ko na alam kung parte pa ba ako ng pamilyang to e or maybe I am, if I finally get married into that f*cking rich man.’

“Susubukan ko po.” Pagsuko ko sa pamimilit nila dahil alam kong wala naman akong karapatang piliin ang kalayaan ko dahil sa angkan na meron ako.







**********

This chapter is kinda boring, I know Hahaha. But thank you for reading this chapter, pls don't forget to vote, comment and share(⁠≧⁠▽⁠≦⁠)

Dominated by Azriel MiltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon