CHAPTER 9 : Final word

1.1K 36 9
                                        


Nang matapos akong mag-ayos ay dumiretso na kami sa baba para mag-almusal.

Habang naglalakad ay napansin kong nag-iba na naman ang awra ni Azriel. Parang kanina lang sa loob ng hotel room mukha siyang maamong pusa, tapos biglang nagbago paglabas namin ng kwarto.

'Ito ba ang ugaling kailangan kong tiisin kapag kinasal ako sa lalaking 'to?'

"Yhara! I've been calling you for almost 10 times in row now. Are you still thinking of a way on how you are going to escape from me?" Galit nitong sabi sa akin. Nakita ko naman na wala pang tao sa loob kaya nakahinga ako ng maluwag.

'hindi ko kailangang mapahiya ngayon.'

"Sorry I didn't hear you, what were you saying again?" Pagpapaulit ko sakanya dahil nadala ako masyado ng mga tanong na tumatakbo sa isipan ko.

"Of course! You f*cking didn't hear me, because you are always busy thinking about how you will be able to escape from me." Sabi ni Azriel habang masama parin ang tingin sakin.

Galit na talaga siya, lagi ko nalang pinapainit ang ulo niya. Kasalanan niya din naman e.

Hindi ko nalang siya pinansin at lumakad na papunta sa mga nakahaing pagkain sa gilid.

Buffet yung pagkakadisplay at sobrang daming pagpipiliang pagkain. May ibat-ibang klase ng juice, may tinapay, donuts, waffles, fruits, bacon, egg at kung ano-ano pang lutong bahay tuwing almusal. At dahil sa hindi ako nakakain kagabi ay sinulit ko na ang mga pagkain dito at kumuha nako ng madami.

"Asan kaya yung gatas dito?" Bulong kong tanong dahil hindi ko mahanap kung nasaan ang gatas.

"Here, I get one for you." Abot sa'kin ni Azriel ng isang basong gatas.

Nang makita ko iyon ay agad ko siyang binigyan ng 'saan mo yan nakuha' look. Agad niya naman itong naintindihan kaya tinuro niya ang maliit na ispasyo sa kabilang bahagi ng kwarto, kung saan nakahiwalay ang mga kape at gatas.

'Bakit hindi ko nakita 'yon?'

Kinuha ko naman ang gatas na nasa kamay niya bago nagtungo sa bakanteng upuan sa di kalayuan.

Nag-umpisa na akong kumain habang pilit na kinukumbinsi ang sarili ko na walang ibang tao roon bukod sa'kin, as in ako lang. Inalis ko yung mga hindi dapat kasama sa picture sa imagination ko at masayang sinulit ang mga pagkaing nasa harapan ko.

"Happy now?" Nakangiting sabi niya. Tumango-tango naman ako bilang sagot at hindi na nag-abala pang tumingin sakanya.

"Eat more, I will bring you to the rest house after this." Basag niya sa masaya kong pagkain.

"Hindi pwede, may pasok ako ngayon at kailangan kong pumasok." Ma-awtoridad kong sabi at muling itinuon ang atensyon sa pagkain.

"I have the final word here baby." Pagdidiin niya.

"I don't care. I am not a robot that will follow your orders and will obey you voluntarily. F*ck up Azriel." Lakas loob kong sabi.

Ramdam ko ang talim sa mga tingin niya ng marinig ang mga sinabi kong iyon, ngunit hindi ako nagtangkang harapin iyon at nanatiling nakatingin lang sa pagkain na nasa plato ko.

"What did you just say?" Tanong niya na nagpakilabot sa buong katawan ko.

'Dito na ba matatapos ang buhay ko? Susmaryosep.'

"I-i know you heard it clearly." Nanginginig ang boses kong tugon sakanya.

'F*ckkk bakit ako kinakabahan?!'

"Let's go." Walang emosyon niyang sabi bago tumayo at lumakad na papalabas.

Pinilit ko namang tumayo at sundan siya kahit gustong gusto ng bumigay ng tuhod ko dahil sa panlalambot.

Sinundan ko siya pabalik sa kwarto kung saan kami nag-stay kagabi. Nang bigla siyang tumigil sa may pinto bago ako bigyan ng masamang tingin.

"Pack your things, I'll give you 5 minutes to take all you belongings." Pag-uutos niya. Wala naman akong ibang magawa kundi sundin ang utos niya kung ayaw kong maiwan mag isa sa lugar na hindi ko alam kung saan.

Nang matapos na ako ay agad din kaming lumabas para tumungo sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan niya.

"Where are we going again?" Kunot-noo kong tanong sakanya. Nanatili lang siyang tahimik sa tanong ko kaya nanahimik nalang din ako.

'Suplado!'

Muli na naman akong napunta sa hindi pamilyar na lugar na tinatahak namin ngayon.

Para kaming nasa gubat dahil sa mga nagtataasang mga puno na nakapalibot sa daanan. Makuliblib ang daanang tinatahak namin kaya agad akong nakaramdam ng takot sa loob ko.

'Dito na ba ako mamamatay? Pinili niya bang dito sa gubat ako patayin para hindi mapaghinalaan na sya ang pumatay sakin?'

Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko dahil sa takot na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Bagamat natatakot ay pinilit ko paring itago ang emosyon na nararamdaman ko para hindi niya mabasa kung ano man ang iniisip ko. Ngunit ang taksil kong mga kamay ay ayaw tumigil sa panginginig kaya nahuli niya parin ako.

"We're going to my villa, so relax your hands and knees. It bothers me." Walang emosyon niyang sabi habang tuwid paring nakatingin sa kalsada.

"Oh." Sagot ko habang mahigpit na hinahawakan ang mga tuhod ko para tumigil sa panginginig.

'Bwesit bakit ba lagi nalang akong nanginginig kapag kasama siya. Nagmumukha tuloy akong mahina, kainis!'

Dominated by Azriel MiltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon