Naging masaya ang pagtuturo samin ngayon dahil may bago kaming teacher na sumasabay din sa vibes namin. Malapit na kasing manganak yung dati naming prof kaya nag-apply muna sya ng leave.Nagtuloy tuloy lang ang masayang araw ko sa loob ng school hanggang sa tumunog na ang last bell, ang bell na ayaw kong marinig ngayon dahil alam kong paglabas ko ay makikita ko na naman sya..
Lumabas na kami ng mga kaibigan ko, handa ng pumara ng masasakyan nang sabihin ko sakanilang hindi ako makakasabay sakanila.
“Mukhang may hindi sinasabi sa atin itong kaibigan natin, ash.” Panunukso ni Akila sabay bahagyang tulak sa akin gamit ang braso nya.
“May dapat ka bang ipaliwanag samin, munting prinsesa? Gwapo ba?” Dugtong na pag-aasar pa ni Ash.
“Alam nyo, kayong dalawa talaga kung ano-ano nalang laging tumatakbo sa mga isip ninyo." Kunwaring naiinis kong sabi sakanila
“Pero seryoso anong meron ha? Ba’t hindi ka sasabay?” Seryosong tanong ni Ash na nagpaseryoso din sa‘ming dalawa ni Akila.
“Ganto kasi yun...” Pag-uumpisa ko ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa.
“Girls, mauna na kayo. Ikekwento ko nalang sainyo bukas.” Agad kong sabi sakanila ng makita kung sino ang tumawag. Hindi naman na sila nagpumilit at umalis din agad para makasakay sa jeep pagkatapos makapagpaalam sa‘kin.
“Hello?” Bungad kong sabi matapos pindutin ang answer button.
“Parking lot.” Maikling sabi nya.
Kahit naguguluhan ay pumunta parin ako sa likod ng school kung saan nakapark ang mga sasakyan na dala ng mga istudyante. Inilibot ko ang paningin sa parking lot at doon pumakaw sa aking paningin ang isang black ferrari na nakita ko kaninang umaga.
‘Mukhang alam ko na kung kanino ito.’
Agad akong lumakad papunta sa itim na Ferrari na nakaparada at binuksan ang pinto sa passenger seat bago sumakay. Pagpasok ko sa loob ay agad kong nakita si Azriel, nag-iba ang suot nya na parang kakagaling lang sa opisina.
As usual madilim na naman ang awra nya, pero iba ngayon, hindi ito katulad ng kaninang umaga nung mga oras na gusto nyang hawakan ang kamay ko, dahil mas madilim ang awrang nararamdaman ko ngayon.
“You're staying with me tonight.” Basag nya sa katahimikan namin sa loob ng sasakyan.
“Hindi pa‘ko nakakapagpaalam.” Pagrarason ko.
“I already told them.” Sagot niya, bago nag-umpisa nang magmaneho.
“Where are we going then?” Curious na tanong ko sakanya habang nakakunot padin ang noo. Tinititigan ko lang sya habang nagmamaneho at naghihintay ng sagot sa tanong ko.
“Clarke's Restaurant.” Sa wakas sumagot din sya.
“It sounds familiar.” Bulong kong sabi. Familiar talaga para sa akin ang restaurant na iyon kaya pinilit kong isipin kong saan ko iyon narinig.
“Ahh! It's Clarke's Hotel & Restaurant. I think I've been there before, when my friend celebrated her 18th birthday.” Sabi ko sakanya. Nakita ko naman na walang nagbago sa ekspresyon ng mukha niya kaya alam kong wala syang pake sa mga pinagsasabi ko dito.
Pagkatapos ng isang oras na byahe ay sa wakas nakarating na din kami sa restaurant na sinasabi niya.
Pangalawang beses ko na dito pero iisa at iisang ekspresyon lang talaga ang lumalabas sa mukha ko kapag nakikita ko ang dambuhalang chandelier na bumubungad sakin pagpasok ko sa loob.
Mula sa high ceiling, chandeliers, at mala palasyong disenyo nito na may hagdan din sa gitna na papunta sa second floor. May elevator din na malapit sa entrance para sa mga nagbook ng rooms dito. Red, gold and black ang theme ng lugar, sobrang simple lang ng ayos ng mga upuan at lamesa pero mafefeel mo ang garbo ng paligid.
“Have a sit.” Alok nya nang mahila na ang upuan na uupuan ko.
‘Stop acting so sweet Azriel Milton, I already know your true color.’
Agad naman akong umupo at muling inilibot ang paningin sa loob ng magarbong restaurant na pinasukan namin. Dedma sa pagpapanggap mo Azriel, tch.
“Let’s make an order, what do you want?” Agad na sabi nya nang iabot na sa amin ng waitress ang menu.
“Ahm, just one of this and a glass of pineapple juice.” Pagturo ko ng order ko sa menu dahil hindi ko talaga kayang basahin ang mga nakasulat doon.
‘Ano kayang alien language ang ginamit nila para mabuo ang mga pangalan na iyon.’
Pagkakuha nya ng order ko ay agad syang lumipat sa kabilang side, which is sa side ni Azriel para kuhain naman ang order nya.
“Cuisine of the day.” Maikling sabi ni Azriel bago isinara ang booklet at iniabot sa waitress. Inabot naman agad ito ng waitress na nag-aassist sa‘min.
Kitang kita ang malaking ngiti sa mata ng waitress nang aksidente nyang mahawakan ang kamay ni Azriel habang iniaabot ang booklet pabalik sakanya.
‘Mukhang hindi aksidente ‘yon.’
“What's wrong?” Kunot-noong tanong ni Azriel dahil kanina pa ako nakatingin sa pwesto ng waitress na ngayon ay nakaalis na para asikasuhin ang order namin.
“I think that waitress has a crush on you. Much better siguro kung icoconsider mo yung feelings nya kesa ipilit yung sarili mo sa taong hindi ka naman mahal?” Pagsasabi ko sakanya ‘in sarcasm way’ na feeling ko hindi nya nagustuhan dahil agad na nandilim ang pagtingin nya sa akin.
“We’re here to talk about our engagement, not about bullsh!t things, Yhara.” Saad nito na hindi parin inaalis ang masamang tingin sa akin.
“Can you just please tell me. Why me? and why should I get engaged with you? I mean, I have nothing. I am not as perfect as you rich people are looking for. So would you mind explaining this mess you've done to me?” Gulong gulo kong tanong sakanya dahil gulong-gulo na rin talaga ako. Hindi ko malaman kung ano ba talaga ang motibo ng lalaking ‘to sa paglapit sa‘kin at sa buong pamilya ko.
“Here’s your order, ma'am, sir.” Sabi ng isang lalaking may hawak ng mga order namin bago ito ilatag sa lamesa.
“Tell me.” Muling sabi ko nang makaalis na ang waiter na nagseserve sa amin.
“Maybe because you caught my attention?” Mahinahong sabi niya. Kita ko naman na tumaas ang gilid ng labi niya,
‘He just smirks at me!’
“We are here to talk about our engagement, even though I didn't agree to this. But then here you are smirking like a b*stard, not even giving a d*mn care in this conversation! You know what? I really don't want to get engaged nor get married to a demon like you! F*ck!” Galit kong turan sabay tayo para makaalis na sa lugar na ‘to, lalo na sa harapan niya.
Narinig ko naman syang tinawag ang waitress para sa bill at agad ding tumayo para maglakad papunta sa direksyon ko.
‘Bahala na kung anong mangyari ngayong gabi. Basta gagawin ko lahat para makalayo sakanya.’
![](https://img.wattpad.com/cover/350953852-288-k260974.jpg)
BINABASA MO ANG
Dominated by Azriel Milton
RomansaWARNING: Matured content | 🔞 [UNEDITED] An unknown man who suddenly shown up from nowhere‚ trying something different or maybe 'too matured' movement with the girl who stole his attention. Will he going to succeed in capturing the female leads hear...