Tanghali na nang magising ako, dahil siguro sa pagod at marami ding kaganapan ang nangyari kahapon, bukod pa na nilagnat ako.
Dahil sa surprise wedding ni Azriel ay hindi ako nakapag-invite ng mga kakilala ko or kaibigan manlang. Sigurado akong magagalit sila Ash at Akila kapag nalaman nilang ikinasal na ‘ko at hindi sila imbitado, nangako pa naman akong sasabihin ko sakanila lahat ng nangyari pero hindi na'ko nakapasok sa school ulit.
Pagbangon ko ay naisipan kong tawagan agad silang dalawa para ipaalam ang nangyari kahapon at ikwento na sakanila lahat ng nangyari sa amin ni Azriel.
“Girl! Sa dami ng nangyari sayo, ngayon mo lang talaga ‘to sinabi sa‘min?! Pagkatapos naming mag-alala sayo ng ilang araw?!” Sigaw na tanong ni Akila.
“I didn't mean too. I’m so sorry girls.” Paawa ko.
“Yhara wag na wag mong ipapakita sa akin yang damuhong na ‘yan, talagang kakalbuhin ko siya sinasabi ko sainyo!!” Gigil na sabi ni Ash na halatang gusto ng ibato ang cellphone niya dahil sa pagka-inis.
Natawa naman ako sa mga tinuran nila habang kinekwento ko kung paano kami nag-umpisa ni Azriel, at nahahalata kona sakanila na ayaw talaga nila kay Azriel. Ako din naman.
Pagkatapos ng call naming tatlo ay parang biglang tumahimik ang mundo ko.
Wala na kami sa mansion kaya naisipan ko nalang na usisain ang kwartong ito ng bigla kong makita ang mga regalong nakakalat katabi ng sofa.
“Marami din palang nagbigay ng regalo kahapon.” Walang ganang sabi ko bago lumakad papalapit sa mga regalo.
Sa sobrang daming regalo ay hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko sa mga ito. Inisa-isa ko ang mga nakakalat na regalo ng biglang may pumukaw ng atensyon ko, isang malaking triangle shape na regalo. Sa lahat ng nandito ay iyon lang ang bukod tanging triangle ang shape, kaya agad ko na itong kinuha para buksan.
Nang mabuksan ko na ang regalo ay agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ano ang nasa loob nito.
“Dildo?! A s*x toy? Sino naman kaya ang makakaisip magregalo ng ganito? Hindi ba sila nahihiya.” Natatawa-tawang sabi ko habang pinagmamasdan ang malaking dildo na hawak ko.
Mukha namang naligaw lang ang isang ito kaya muli akong nagbukas ng iba pang regalo.
“Oh gosh, what are these gifts?! Is this really meant for us or am I just dreaming?” Gulat kong sabi pagkabukas ko ng iba pang regalo. Hindi ko inakalang puro lingerie, couple shirts, mugs, blindfolds, more on s*x toys, at kung ano-ano pa ang magiging laman ng mga regalong ‘to.
Nang mapagtipon-tipon ko na lahat ng regalo ay agad kong kinuha ang cellphone ko para i-chat ang damuhong na ‘yon.
“I opened all the gifts.” Pagsend ko ng message kay Azriel.
“Hmm, what are the gifts then?” Sagot niya.
“Hulaan mo, kapag tumama ka itatago ko ang mga ito. Pero kapag mali ka, itatapon ko.” Pakikipaglaro ko sakanya.
‘Kahit ano namang isagot mo ay itatapon ko parin ang mga ‘to, mamaya gamitin mo pa sakin.’
“Mugs? Cash? S*x toys?” Mabilis na reply nito. Nagulat naman ako dahil sa mabilis na reply niya, at sa tamang sagot na ibinigay niya.
“Did you install a cctv in this room?!” Sigaw kong tanong ng sagutin niya ang tawag ko.
“Nope, I know you will be mad if I recorded us making love in that room.” Pabirong sabi nito sa kabilang linya.
“Then how?!,” Malakas kong sabi. “Did you know the gifts...” Dugtong ko na halos pabulong na.
“Base on the way you ask me in the text, you said you'll gonna throw it away, it's obvious that you didn't like the gifts.” Paliwanag niya.
“Even though you've guess it right. it's still useless ‘cause I'm still throwing it out.” Sabi ko sakanya na para bang ako pa din ang nanalo dahil malayo siya at wala siyang magagawa.
“Okay then, find leo then give it to him. He will throw it outside for you. Remember not to go outside baby. I'll go now, bye." Nagmamadaling sabi niya bago pinatay ang tawag.
“Pero paano ako papasok sa school kung hindi ako pwedeng lumabas?” Kunot-noong tanong ko sa sarili bago bumugtong hininga. “Wala naman siyang magagawa dahil nasa malayo siya.”
Inilagay ko na lahat ng ‘regalong hindi ko naman kailangan’ sa garbage bag na nahanap ko, bago nagtungo na sa baba bitbit ang mga ito.
“Good morning Mrs. Milton.” Bati sa‘kin ng isang katulong.
‘Parang namumukaan ko sya. Isa ba siya sa mga katulong sa mansion?’
“Good morning." Bati kong pabalik. “Sabi ni Azriel ibigay ko daw ang mga ito kay Leo, pwede ko bang malaman ko nasa’n siya?” Tanong ko.
“Sa front door po siya nagbabantay Ma'am Yhara, makikita niyo po siya pagbukas niyo ng pinto.” Pagturo niya sa front door. Agad din naman akong nagtungo don ng bigla akong mapatigil.
“Ahm, excuse me. May I know your name?” Paglingon ko sakanya.
“Mary po, ma'am.” Magalang na sagot nito bago ngumiti sakin. Ngumiti din naman ako pabalik bago tuluyan ng nagtungo sa front door ng bahay kung saan tinuro ni Mary ang kinaroroon ni Leo.
Pagpunta ko sa pinto ay may sumalubong agad sa akin na lalaking may dalang mga box ng donuts.
“Magandang umaga.” Bati nito. Ngumiti naman ako.
“Good morning. Ikaw ba si Leo?” Hindi siguradong tanong ko.
“Yes ma'am.” Agad na sagot niya.
“Nice! ahm, pwede mo ba ‘tong itapon sa labas? Sa malayong-malayo, yung hindi na makakabalik dito at hindi na makikita ni Azriel pagbalik niya.” Paghingi ko ng pabor habang nakangiting inaabot ang garbage bag na hawak ko sakanya.
Wala akong nakuhang sagot mula sakanya, basta kinuha niya nalang ang supot na nasa kamay ko at pinalitan iyon ng box ng donuts na hawak niya kanina bago umalis.
“Thank you." Saad ko kahit nakaalis na siya bago ako lumakad pabalik sa loob.
“Mary, binigay ‘to sakin ni Leo.” Pag-angat ko sa bitibit na box ng donut bago dalhin kay Mary. Lumingon din naman siya bago lumapit sa akin at kinuha iyon.
“Dumating na po pala, maupo na ho kayo Mrs. Milton. Ihahanda ko lang itong almusal ninyo.” Ngiting sabi niya.
Pinanuod ko naman siyang ihanda iyon at naghintay sa kinauupuan ko.
BINABASA MO ANG
Dominated by Azriel Milton
Roman d'amourWARNING: Matured content | 🔞 [UNEDITED] An unknown man who suddenly appears from nowhere‚ trying something different or maybe 'too matured' movement to the girl who stole his attention. Will he going to succeed in capturing the female leads heart o...
