CHAPTER 5 : I have my ways🔞

1.3K 40 9
                                        


Nasa bahay na kami ngayon. Umuwi kami pagkatapos naming mag-almusal sa bahay nila Tita.

“Ma, papasok na po ako.” Paalam ko kay mama habang nakatayo malapit sa pinto ng bahay. Ngumiti naman siya bago tumango kaya umalis na ‘ko.

Dumiretso na si papa sa pabrika ng pagawaan ng bag pagka-alis namin kila Tita. Si Ate Yesha naman pumunta kila Kuya Ken (Fiancé niya) para asikasuhin yung mga kailangan para sa pagpaplano nila ng kasal, kaya si mama lang ang naiwang mag-isa sa bahay.

Paglabas ko ng subdivision ay bumungad agad sa akin ang black ferrari na nakapark malapit sa guard house. Hindi ko alam kung kaninong sasakyan ‘yon pero sigurado akong mayaman ang may-ari ng sasakyang iyon dahil sa sobrang ganda ng itsura nito.

Hindi ko na iyon pinansin pa dahil alam ko namang hindi ako magkakaron non kaya dumiretso nalang ako sa paglalakad para pumara ng jeep na pwede kong masakyan papunta sa school.

Nang akmang sasakay na ‘ko sa jeep ay biglang may humila sa braso ko. Hindi ko alam kung sino ang maaaring humila sa ‘kin sa mga puntong ito kaya agad akong humarap sa taong humila sa braso ko.

“A-anong ginagawa mo dito?” Gulat na tanong ko ng makita ko kung sino ang taong humila sa akin.

“Picking you up. I’ll give you a ride, get in the car.” Utos niya na agad ko namang sinunod dahil maraming tao ang nandito sa labas at ayokong magsimula ng iskandalo.

“Paano mo nalaman—” Putol niya sa sasabihin ko ng mabilis niya akong bigyan ng sagot na tila nababasa niya ang nasa utak ko.

“I have my ways, honey.” Mayabang na ani nito.

Napakunot naman ang noo ko ng ibaling ko ang tingin sakanya at di sinasadyang mapagmasdan ang  perfect side profile ng mukha niya.

Mula rito ay kitang kita ko ang perfect jawline niya, ang makakapal niyang kilay na dinaig pa ang kakaahit ko palang na kilay. His slim pointed nose, and those thin kissable lips that has the same color of an apple. And the corner of his lips that showing a guileful look when his smiling...

‘Arghh! F*ck! What's happening to me?! I'm fantasizing him right now? No, no! Yhara focus. He's your biggest nightmare, the devil in your life, remember?’

Nang magising ako sa katotohanan ay agad akong umiwas ng tingin sakanya at ibinaling nalang ang tingin sa daan.

“Saan tayo pupunt—” Pagtatanong ko na bigla niya na namang pinutol dahil sa pagsagot niya kaagad.

“Your school.” Sagot niya na may seryosong ekspresyon sa mukha.

Much better siguro kung manahimik nalang ako kesa maputol ulit yung dapat na sasabihin ko.

“Give me your hand.” Mahinahong sabi niya habang nakalahad ang naghihintay niyang kanang kamay sa hand break ng sasakyan.

Nanatili naman akong walang imik sa passenger seat at nagbingi bingihan sa sinabi niya.

“Now!” Malakas na sabi niya nya na gumulat sa akin

Ramdam ko ang kumukulong dugo niya habang hinihintay ako na hawakan ang kamay niya. Pero hanggang ngayon ay hindi parin ako nagpatinag sa nararamdaman kong tensyon at takot sa loob ng sasakyan at nanatiling nakatingin lang sa labas.

Bigla namang nanindig ang balahibo ko ng bigla niyang ihinto ang kotse sa gilid at agad na tinanggal ang seatbelt na nakalock sa gilid ng bewang ko.

“I told you to give me your hand, right? Wanna get your punishment again, baby girl?” He huskily said while looking straight into my eyes.

Dominated by Azriel MiltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon