CHAPTER 23 : Glitters are not Gold

845 20 4
                                        

Nagising ako ng maaga dahil ganon naman talaga dapat kapag wala ka sa sarili mong bahay.

I am still in Azriel’s arm. Alam kong masakit na itong kamay niya at mamayang paggising niya ay hindi niya na ito mararamdaman kaya umaalis na ako sa dibdib niya.

Inayos ko ang pagkakalagay ng kamay niya sa gilid bago umayos ng higa at pinagmasdan ang gwapong mukha ng asawa ko.

Hindi ko maiwasang mapaisip kung magiging kamukha niya kaya ang magiging anak namin kung sakali? Sana sakanya magmana.

I carefully slide my forefinger to his nose and made a boop when I get at the end of it. That's when I suddenly saw his mouth gave a slight twitch.

“Gising ka na, alam ko.” Paniningkit ko sakanya.

Hindi niya naman napigilan ang tawa niya at agad akong niyakap sa bisig niya.

“You’re in a mood to play huh.” Ramdam kong nakangiting sabi niya sa taas ng ulo ko.

“Thank you for making my night so wonderful baby.” Ngiting turan niya sa'kin

"Hmm, okay." Balik ko namang sagot sakanya.

Hindi ko alam kung kailan natapos ang kaharutan ni Azriel kagabi pagtapos namin kumain, bigla-bigla nalang kasi siyang nangharot pero buti nalang at walang nangyari. Hindi ko ine-expect na baliw pala talaga siya, sa‘kin nga lang.

Ako lang ‘to, ano ba kayo.’

Agad naman na kaming bumangon at naligo para makapag-ayos—take note hindi kami sabay naligo.

Tinanong ako ni Azriel kung saan ko gustong kumain pagkatapos kong maligo, pero wala akong ibang maisip kaya sa The big year, big house ang bagsak namin. They are selling best lutong bahay, kaya mas masarap kumain dito and for sure first time lang dito ni Azriel.

“Azriel?” Pukaw ko sa atensyon niya na agad niya namang binaling sa akin.

“Hmm?”

“Pwede na ba akong bumalik sa school?” Kinakabahang tanong ko.

Matagal naman siyang nanahimik habang nakatingin parin sa‘kin.

Feeling ko binabasa niya ang nasa isip ko kaya agad akong nagbigay ng paawang ekspresyon.

At mukhang gumana naman iyon. “Just promise me that you won't leave me again.” Malamig niyang sagot bago muling binaling sa menu ang atensyon.

“I won't, not unless you said it yourself.” Panggagaya ko sa sinabi niya sa‘kin.

Agad niya naman akong pinatamaan ng masasamang tingin kaya napatawa nalang ako, ngunit bigla itong nagbago ng may biglang pumasok sa isip ko.

“What about my job? Bigla mo ‘kong kinidnap habang nagtatrabaho ako, hindi manlang ako nakapagpaalam sakanila.” Malungkot na sabi ko na may halong pang-aasar sa tono.

At muli, nandito na naman ang masamang tingin ni Azriel na para lang sa'kin.

Galit na naman siya.

“I didn't kidnapped you yhara, you are my wife and you're supposed to be by my side not in that fvcking bar. And no, you’re not going back there anymore.” Madiin niyang sabi habang pinagdidiinan sa akin ang tungkulin ko.

“Pero gusto kong magtrabaho don!”

Heto na naman siya, gumuguhit na naman siya ng boundary naming dalawa..

“We have enough money to support your studies, needs and your family baby, you don't need to work.” Walang emosyong paliwanag niya na hindi naman tumalab sa‘kin.

Dominated by Azriel MiltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon