CHAPTER 19 : You're hired!

613 21 7
                                    

Matapos ang mga kaganapan sa apartment ni Camille kanina ay agad na din kaming umalis para magtungo sa pinagtatrabahuhan nyang resto bar para makapag-apply na ako.

Medyo may kalayuan din ang pinagtatrabahuhan niya dahil kakailanganin pa naming sumakay ng bus para makarating roon.

“Are you always like this everytime you go there?” Bigla kong tanong sakanya.

Agad naman syang napatingin sa akin na may takang ekspresyon sa mukha.

“I mean, sumasakay sa bus. Hindi ka ba hinahatid ni Julius?” Muling sabi ko. Normal lang naman na ihatid siya ng boyfriend niya hindi ba? At tsaka may motor naman si Julius, mas mapapadali ang pagbyahe niya kung ihahatid siya.

Mukha namang nalinawan na siya kaya agad syang ngumiti. “Minsan niya lang ako ihatid, dipende sa mood ko.” Natatawa-tawang ani niya.

“Huh? Nakadipende sa mood swings mo?” Natatawang tanong ko naman.

“Oo, kasi minsan kapag late na late na ako ayokong nagpapahatid sakanya dahil sesermonan niya lang ako buong byahe tungkol sa pagiging mabagal kong kumilos.” Nakabusangot na turan niya.

Napangiti naman ako sa sagot niya dahil ganon din kami minsan kapag hinahatid ako ni ate Yesha sa school.

Namiss ko naman sila bigla. Pero siguro may rason din kung bakit ko nakilala si Camille noong panahong tumakas ako.

Baka ito na yung time para matuto akong mag-isa, magkaroon ako ng kalayaan para sa sarili kong desisyon. Ang sarap palang maging malaya kagaya nito na walang pumipigil sa desisyon ko at malaya kong napipili kung ano ang gusto ko.

“Malapit na tayo.” Bulong ni Camille ng bahagya syang sumandal sa akin. Agad naman akong napatingin sa labas ng bintana para makita kung nasaan na kami.

Nang malapit na kami ay agad din namang huminto ang bus kaya bumaba na kami.

Maraming shop ang nakapalibot sa lugar na ito, karamihan ay restaurant at night bar.

Nagsimula ng maglakad si Camille papunta sa isang resto bar na katapat ng isang japanese restaurant.

Bigla naman akong nakaramdam ng takot nang makalapit na kami sa resto bar na pinagtatrabahuhan ni Camille. Feeling ko may hindi magandang mangyayari sa akin dito.

“Tara na.” Pagyaya niya sa akin na pumasok sa loob.

Agad din naman akong sumunod at pumasok na sa loob.

Isang malaking disco ball ang bumungad sa akin pagpasok ko sa loob. Maraming upuan ang nakapalibot sa gilid at sandamakmak na alak naman ang makikita pagpunta sa counter.

“Camille!” Tawag ng kung sino habang papalapit sa amin.

“Aga mo ah, anong meron?” Tanong ng babaeng lumapit sa min.

“May kasama ako, sasamahan ko sanang mag-apply. Nandyan ba si boss?” Tanong ni Camille sa babae.

“Oo nasa office niya, kararating lang din. Sino pala ‘tong.. kasama mo.” Turo sa akin ng babaeng kausap ni Camille gamit ang nguso niya.

“Ahh, kapatid ko. Si Yhara.” Ngiting sabi niya bago tumingin sa ‘kin. Napangiti din naman ako dahil pinakilala niya ako bilang kapatid niya.

“Sige na Sarah, mauna na kami.” Paalam ni Camille bago kami dumiretso sa office ng boss nila.

“Okay kalang?” Tanong ni Camille nang mapansing nakayuko lang ako habang naglalakad. Pansin ko kasing maraming mata ang nakatingin sa akin kaya hindi ko magawang maiangat ang ulo ko.

“H-ha? A-ah oo. Medyo naninibago lang ako.” Ngiting sabi ko bago patakbong lumakad papalapit sakanya.

Patuloy lang kaming naglakad hanggang sa makaabot kami dito sa pintuang may nakalagay na karatulang “Knock before entering!”

‘Normal lang namang kumatok muna bago pumasok diba, lalo na kapag office ang papasukan mo. Jusmeyo utak nito nasa talampakan.’

At ayun na nga, nang makapasok na kami sa loob ay pansin ko agad ang dilim ng buong paligid at tanging ang side lamp lang sa may bintana ang nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto. Wala kaming nakitang tao roon at tanging ang swivel chair at ang lamesa lang.

“What’s the matter?” Rinig kong sabi ng isang malaking boses mula sa di kalayuan.

Agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na ‘yon at doon nakita ko ang isang matipunong lalaki na kakalabas lang ng cr.

“Sir Yohan.” Bati ni Camille. “Sinamahan ko po yung kapatid kong mag-apply.”

Pagkasabing iyon ni Camille ay agad akong pinasadahan ng tingin ni “Yohan” mula ulo hanggang paa.

‘Pasado naba? Wagas makatingin ha.’

“You’re hired.” Tipid na sabi nito bago nagtungo sa swivel chair na nakita namin kanina.

“Thank you sir.” Ngiting pasalamat ni Camille bago ako hinila palabas.

Bigla naman akong naguluhan sa mabilis na pangyayaring naganap.

Ang akala ko ay kakailanganin ko pa ng matinding lakas ng loob para sagutin ang mga tanong na dapat ay itatanong sa akin, ngunit kabaliktaran ang nangyari dahil isang tingin lang ay natanggap akong agad.

“A-anong nangyari?” Naguguluhan kong tanong kay Camille paglabas namin ng opisina. Nginitian naman ako ni Camille bago nagpatuloy muli sa paglalakad.

“Itsura at hubog ng katawan kasi ang tinitingnan ni Mr. Yohan kapag nagtatanggap siya ng mga empleyado. Resto bar itong pinagtatrabahuhan natin Yhara kaya mahalaga ang dalawang bagay na iyon.” Pagpapaliwag pa niya.

“E bakit hindi nalang din magtrabaho dito sa counter si Mr. Yohan. Sa itsura niya palang siguradong mapupuno na agad itong bar niya.” Bulong kong sabi sa sarili.

Agad namang napalingon sa akin si Camille. “May sinasabi ka ba? Sorry hindi kita masyadong marinig dahil sa ingay.” Ani ni Camille bago inilapit ang tenga para ipaulit ang kaninang sinabi ko.

“Kaya pala natanggap ka agad, kasi ang ganda mo na, ang sexy mo pa.” Bulong ko sakanya, pag-iiba ng kaninang sinabi ko.

Totoo naman kasing dudumugin itong Resto kapag lumabas iyong boss nila. Para syang si Azriel, pero mas makisig lang ng unti si Azriel at mas matangkad.

‘Wait, what?! No... no, girl. Iniisip mo na naman siya!’

“Pwede ka ng mag-umpisa mamaya. 3pm na din kaya sa staff room nalang muna tayo maghintay. Mga 5pm nagsstart magprepare nang mga gagamitin kaya marami pa tayong time para magpahinga.” Paliwanag ni Camille. Sabagay malayo rin ito sa apartment na tinitirahan ni Camille kaya't mag-aaksaya lang kami ng oras kung uuwi kami at babalik ulit mamayang gabi.

Dominated by Azriel MiltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon