PROLOGUE

3.2K 72 12
                                        

Yhara

Today is August 7‚ and tomorrow is my cousin's birthday.

It's her first birthday, so we are all excited about it. Her father is a seafarer and also a businesman, kaya alam namin na marami talagang bigating bisita ang pupunta.

"Yhara, tinawagan ka na ba ng Tita Sai mo? Sabi niya sa bahay nila gaganapin ang birthday ni kelley. Gusto niyang ikaw ang maglagay ng mga decorations." Sabi ni mama habang nakatayo sa pinto ng kusina suot ang apron niya.

Mukhang nagluluto si mama ng ulam nang tumawag si tita sakanya.

"Hindi pa po ma. Tatawag nalang po ako mamaya sakanila, may tinatapos lang po ako." Pasigaw kong sabi para marinig ako ni mama na kakabalik lang sa kusina.

As usual ako na naman ang mag-aayos ng decorations. Hindi naman ako part ng catering at hindi rin ako nagtatrabaho sa catering, pero ako lagi ang nag-aayos tuwing may mga okasyon ang pamilya namin. Sabi ng pinsan ko nasa kamay ko daw ang magagandang design na gusto nila para sa mga celebrations, kaya ako lagi ang pinagdedecorate.

'Sus, sabihin nalang nila nakakatipid sila kapag ako ang gumagawa.'

*****

"Tita Sai, nakabili na po ba kayo ng mga pangdecorate? Papunta na po ako sainyo, baka pwede kong isabay kung hindi pa po kayo nakakabili." Tanong ko kay Tita Sai na mama ng birthday girl na si kelley.

"Nakabili na'ko ng mga gagamitin mong pangdecorate, pero parang hindi ako nakabili ng foil curtain. Daanan mo nalang bago ka pumunta dito. "Kumandong utos nito.

"Sige po." Maikiling sagot ko at pinatay na ang tawag bago pa siya may maidugtong na hindi na naman maganda.

I'm fully aware that she didn't like me since then. She hates my hairstyle‚ which is a doubt for me. I've been in a short hair since I was young because I'm feeling comfortable with it. But since she don't like me having a short hair, I decided to stop going to salon to cut my hair, and just let it grow as she wants.

"Pabili po, may rose gold foil curtain po ba kayo dito?" Bungad kong sabi sa babaeng nasa counter nang makapasok ako sa tindahan ng balloons at decorations for birthday parties.

"Eto po ba ma'am?" Sabi niya sabay abot sakin ng foil curtain.

Tama naman ang kulay kaya tumango ako sakanya.

"Dalawa po nito, tsaka isa nung headband na may happy birthday." Turo ko sa maliit na headband na katabi ng mga accessories.

Inabot niya naman iyong tinuro ko bago ito inilagay sa paper bag at ini-abot sa akin.

"Thank you po." Ngiting sabi ko sa tindera bago umalis para makapagpara na ng masasakyan.

"Sa Weighland Ville po." Sabi ko ng makasakay na sa taxi na pinara ko.

Medyo malayo rin ang bahay nila mula sa amin at bihira ang jeep dito kaya wala kaming choice kundi ang magtaxi kapag pumupunta sakanila.

"Nandito na ho." Sabi ng taxi driver kaya nagbayad na ako bago bumaba.

Masyado ng mahigpit pagdating sa guardhouse kaya hindi na nakakapasok ang mga taxi.

Kakailanganin ko pang sumakay ng shuttle para diretso nang makapunta sa bahay nila.

*****

"Tao po?" Katok ko sa pinto ng makarating na ako, iniba ko pa ang boses ko para hindi nila isiping ako ang kumakatok.

Nakapasok ako agad sa gate pero pagdating sa pinto ay huminto muna ako para hintayin kung sino ang magbubukas.

"Bulaga!" Pag gulat ko sa pinsan kong si Keysie ng bukas niya ang pinto.

Napa atras naman siya dahil sa pagkagulat habang nakahawak sa dibdib na tila aatakihin sa puso.

"Ate Yhara! gusto mo ba akong patayin sa gulat?" Pagrereklamo nito na pawang galit dahil sa ginawa ko.

Ilang sigundo muna kaming nagtitigang dalawa bago sabay na tumawa.

'Mga baliw, hayss...'

"Ikaw talagang bata ka, namiss mo 'ko ano?" Tumango tango naman siya bilang sagot.

Agad ko naman siyang hinila papalapit sa akin bago niyakap ng mahigpit.

Pwede akong pumunta sa bahay nila kahit anong oras ko gustuhin pero dahil sa higpit ng schedule ko ay hindi ko talaga magawang makapunta.

"Magdedecorate ka po sa backyard?" Tanong niya. Nakangiti naman akong tumango sakanya.

"I would be glad to be your assistant again, Ms.Yhara." Saad nito bago sumaludo sa akin na parang sundalo.

"Okay! My Assistant Keysie, put this things inside and prepare all we need." Kumandong utos ko sakanya na agad niya namang sinunod.

Dominated by Azriel MiltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon