CHAPTER 1: First Meet

1.9K 59 3
                                        


Pumasok na kaming dalawa sa loob ng bahay nila.

Gano’n parin naman. Walang pinagbago, malaki at maaliwalas na parang mansyon.

Alam kong hindi ko matatapos agad ang pagdedecorate sa buong backyard dahil sa laki nito at dahil nadin sa hapon na ako nakarating sakanila. 5pm na kaya baka bukas ng umaga ko nalang ituloy kapag hindi natapos ngayon.

“Are you going to sleep here tonight, Ate Yhara?” Tanong ni Keysie sakin.

She’s already 15 years old, sobrang lambing at bait na bata, ni hindi manlang nagtatago ng sikreto sa akin.

I really love her way of trusting me and feeling safe saying her secrets to me.

Sa dami naming magpipinsan ako lang ang pinagkakatiwalaan niya, kaya hanggang sa makakaya ko ay ipinaparamdam ko sakanya na nandito lang ako palagi para sakanya.

“Yup, what plans do you have for tonight?” Tanong ko sakanya habang kinakabit sa stand ang mga lobong nabombahan na namin.

“We’re gonna watch Netflix and eat all the snacks I buy earlier! I bought a lot because I know you'll be staying here.” Masayang turan niya na tumalon talon pa na parang maliit na bata.

“Aba! Plinano mo na pala ang lahat bago pa ‘ko makapunta dito ha?” Sabi ko habang dahan-dahang humahakbang para makalapit sakanya at kilitiin siya. Pero bago paman ako makalapit ay tumakbo na siya kaagad.

'She clearly knows what’s on my mind.'

*****

Hindi ko ineexpect na matatapos pala namin ang decoration ngayong gabi.
Tables and chairs nalang ang aasikasuhin bukas, yung pwesto at magiging cover nila pero sabi ni tita catering na daw ang bahala, kaya tumango tango nalang ako sakanya biglang sagot.

Pagkatapos naming kumain ni Keysie ay umakyat nadin kami sa taas.

Sa kwarto ni Keysie ako matutulog ngayon at hindi sa guest room dahil sa plano niya na magnetflix and chills ngayong gabi.

“Okay, time check. It’s already 10:30pm. We still have 3 hours and 30 minutes to chill tonight.” She said while holding a bunch of chips in her arms.

“Only 1 hour and 30 minutes sweetie, hindi tayo pwedeng magpuyat ng sobra. Kailangan nating magsave ng maraming energy for tomorrow's event.” Pagpapa-alala ko sakanya.

“Oookaaay...” Malungkot niyang turan bago umupo sa tabi ko para makapag-umpisa na.

“Ate Yhara tomorrow is 8. It's your lucky number right? also your lucky day. Sa tingin mo, anong magandang mangyayari sayo bukas?” Sunod sunod niyang tanong sakin habang patuloy parin sa pagsubo ng chichirya sa bibig niya.

Agad naman akong napaisip dahil sa biglaan niyang tanong. “Hmm... hindi ko din alam. Baka makapulot ako ng bag na maraming pera?” Pagbibiro ko sakanya sabay tawa.

Hindi niya pa nakakalimutan na lucky number ko ang 8 at sa tuwing darating ang araw na ‘yun ay sineswerte ako.

'This child knows me best.'

Nang matapos na ang movie na pinapanood namin ay naghanda nadin kami para matulog. Mabilis na bumigay ang mga talukap ko pagkapikit na pagkapikit ko, dahil narin siguro sa sobrang pagod, sinabayan pa ng pagpupuyat ko recently dahil sa homeworks ko.

*****

“Keysie? Yhara?” Rinig kong tawag samin ni Ate Felly (their housemaid) mula labas ng pinto.

Marahan niya itong binuksan, pagbukas niya ng pinto ay agad na lumiwanag ang paligid.

Maaga na pala, mukhang napagod kami ni Keysie kagabi kakadecorate kaya napasarap ang tulog namin.

“Good morning po.” Ngiting bati ko sakanya bago umupo sa kama. Ngumiti naman siya bago sumenyas sa akin na bumaba na.

Nakita kong tulog pa si Keysie kaya dahan dahan akong bumaba sa kama at pumunta ng cr para mag ayos at mauna ng bumaba nang makapag almusal na.

“Good morning.” Ngiting bati ni Tito Terri ng makita niya akong pababa ng hagdanan.

Mukhang ineenjoy ni Tito Terri ang umaga dahil sa blooming look nito habang nagkakape at nakaupo sa rocking chair.

“Magandang umaga din po Tito Terri.” Balik kong bati sakanya ng nakangiti.

“Si Tita mo ba ang hinahanap mo? Nasa backyard sila kasama si kelley kung hinahanap mo sila.” Agad niyang sabi nang mapansing may hinahanap ako sa paligid.

Ngumiti naman ako sakanya bago lumakad na papunta sa backyard ng bahay.

“Morning baby kelley, our birthday girl.” Bungad ko sakanila ng makita kong nag-iikot-ikot si tita habang buhat si kelley.

“Hindi na masama.” Sabi ni tita, tinutukoy ang decoration sa buong backyard.

Ngumiti naman ako sakanya.

Hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap kay Tita Sai ng hindi umiinit ang dugo ko, kaya nanatili nalang akong tahimik habang tumitingin tingin sa paligid kagaya ng ginagawa niya.

Ilang oras din ang lumipas bago dumating ang catering at inayos ang mga dala nila dito sa backyard.

Gising nadin pala si Keysie at dumating na rin sila mama kasama sila papa at Ate Yesha.

Saktong 3pm ng mag-umpisa ang party. Imbes na maging kiddie party ay mas naging reunion at business party ang nangyari dahil ang mga nagpunta ay ang mga kamag-anak namin (side nila Tita at Papathey are siblings’) at mga kaibigan ni Tito Terri na mula sa iba't ibang kompanya. Dumating din ang mga kasamahan niya sa barko.

“Ate Yhara,” Bulong sakin ni Keysie.

‘While wearing that weird look on her face.’

“Yes po?” Tanong ko sakanya.

“I think that guy over there... Keeps looking at you.” Sabi niya sabay turo sa lalaking kausap ni tito Terri gamit ang baba (chin) niya.

Tumingin naman ako sa direksyon na tinuturo niya.

Simpleng business talk lang ang nakikita kong nangyayari sa pwestong tinuro niya kung saan may mga lalaking alam kong may matataas na ranggo sa barko at kompanya.

“Ikaw talagang bata ka, kakapanood mo yan ng mga drama e. Naghahallucinate ka na tuloy.” Sabi ko sakanya sabay marahang hinapas ang balikat niya.

“But I clearly saw that guy looking at you with a strange look on his face. He looks like a bad guy, look Ate Yhara.” Muling sabi niya.

Hindi ko naman maiwasang balewalain lang ang sinabi niya kaya muli akong tumingin sa direksyon nila.

At sa pagkakataong ito ay nakita kong nakatingin na sa akin ang isang lalaki na kaharap ni tito.

May hawak siyang baso habang pinapaikot-ikot ang alak na naroon.

Nagkatitigan kami saglit ngunit agad rin akong bumaling sa ibang lugar at nagpanggap na hindi siya nakita.

“Is he a pervert? or a maniac? What a creep.” Mahinang sabi ko sa isip ko na hindi ko namalayang nasabi ko na pala ng malakas dahil bigla kong narinig ang sagot ni Keysie.

“I’m thinking the same thing, Ate Yhara.” Bulong niya sa akin na may umaayon na ekspresyon sa buong mukha habang mahinang tinapik tapik ang balikat ko at tumango-tango.

‘Ito talagang batang ‘to... haynako.’

Dominated by Azriel MiltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon