CHAPTER 22 : I love you

835 27 7
                                        

Yhara

Nagising ako ng maramdamang may nakadagan na kung ano sa tiyan ko, kaya agad akong napatingin kung ano iyon.

Isang malaking bunny pala na kulay gray, medyo may kabigatan din siya at aakalain mong buhay dahil sa balahibo at timbang niya.

“Good morning.” Sabi ng boses na nanggagaling sa pinto.

Kilala ko kung kanino iyon galing dahil sa malalim na tono nito kaya hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino iyon.

“I know you're still mad, but I did it just to warn you baby." Mahinahon niyang paliwanag habang lumalakad papalapit sa‘kin.

“Do you like it?” Tanong niya, pagtutukoy sa bunny na hawak ko.

Inangat ko naman ang tingin ko sakanya mula sa bunny.

Agad na namuo ang mga luha sa mga mata ko ng makita ko ang mukha niya. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko maiwasang hindi matakot at isipin ang kaligtasan ko, pero wala akong magawa dahil nasa kamay niya na ang buhay ko ngayon. Kaya niyang gawin lahat, kaya niyang pasunudin ang lahat kaya ano pang magagawa ko?

“Sshhh, stop crying baby. I don't know what to do anymore if you continue shredding tears.”

“Yhara, please.” Pagmamakaawa niya habang hawak ang mga kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nasa pisnge ko.

Ayokong tanggapin na talo ako, natalo na naman ako sa laban na ‘to.

Wala naba ako ibang magagawa kundi tanggapin ang kapalaran ko?

Mabilis kong tinanggal ang kamay ko na hawak niya at agad iyong pinulupot iyon sa balikat niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at doon muling umiyak. Ramdam kong marahan niyang hinahaplos ang buhok ko pababa sa likod ko.

Ngayon ko lang napagtanto na ang sarap pala sa pakiramdam ng yakap niya. Panatag ako sa bisig niya pero sa kabilang banda ay natatakot din ako.

‘Kailangan ko lang magpakatotoo, iyon ang dapat kong gawin at tigilan na ang pagtakas ko na parang bata. Kailangan ko ng harapin ng matapang ang problema ko.’

“How are you feeling right now baby?” Malumanay na tanong niya habang bahagya akong inaalis sa bisig niya para tingnan ako sa mata.

Ngayon nakikita ko na yung sinasabi ni Mary. At ngayon ko lang din napansin yung epekto ng mga endearment na tinatawag niya sa'kin.

Ilang minuto ko pa siya tinitigan sa mga mata niya, ngayon ko lang nagawang titigan ang magaganda niyang mga mata ng ganito, wala akong ibang emosyong nararamdaman, hinahayaan ko lang na dalhin ako ng damdamin ko kung san man ako nararapat ngayon.

“Can you kiss me?” Agad namang nagpakita ng pagkagulat ang mukha niya.

“Kiss you? You're hearing yourself right now honey, didn't you?” Tanong niya na halata ang pagtataka sa mukha. Marahan naman akong tumango bilang sagot.

Ilang saglit niya pa akong tinitigan pagkasabi ko no’n—sinisigurado na tama siya ng pagkakarinig bago dahan-dahang lumapit sa akin, hanggang sa maramdaman ko na ang mga labi niyang nakalapat sa labi ko.

Dominated by Azriel MiltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon