CHAPTER 25 : Who is she

737 20 5
                                        

Nang matapos na kaming dalawa maligo ay agad na kaming nagtungo sa walking closet namin para maghanap ng damit na masusuot.

"Wear this." Abot sa'kin ni Azriel ng puting long sleeve na galing sa damitan niya.

Blangko akong tumingin sakanya at sa hawak niyang damit dahil hindi ko maintindihan kung ba't kailangan kong suotin ang damit niya, e may damit naman ako.

"Just wear it little girl, I want my scent to stick on you." Sabi niya sabay taas ng dalawang kamay ko bago iyon isinuot sa akin.

"Whatever, I'm sleepy, let's sleep." Walang gana kong sabi bago dire-diretsong nagtungo sa kama at doon pabagsak na humiga.

'Ugh fvck, this blood and this mood swings.'

"Sleep well, my cute little handy." Bulong niya sa tenga ko ng maka-akyat na din siya sa kama.

Agad akong lumingon sakanya dahil sa narinig, at paglingon ko ay agad na bumungad sa akin ang nakangisi niyang labi na halatang nang-aasar.

Sinamaan ko naman siya ng tingin bago nagsuklob sa malaking kumot.

'Kasalanan ko ba na masyadong malaki ang alaga niya kaya nagmukhang maliit ang kamay ko?! Ang kapal niya, siya na nga itong tinulungan siya pa ang may ganang mang-asar. Kainis!'

Maya-maya pa ay naramdaman kong may nag-aangat ng ulo ko kaya nagkusa na ako at ini-angat iyon para mailagay niya ang braso niya sa ilalim ng ulo ko upang maging unan. Kasunod noon ay ang pagyakap niya ng mahigpit sa bewang ko.

Hindi na 'ko magpupumiglas ngayon dahil tulad nga ng sabi ko, susubukan ko. Kahit na naiinis ako sa pang-aasar niya.

Nakatulog kaming dalawa sa pwestong iyon, hanggang sa sumikat na ang araw.

Tumatagos ang sikat ng araw sa kurtinang may kaunting awang, kaya agad akong naalimpungatan ng maramdaman ang init na tumatama sa mukha ko.

Pagdilat ko ng mata ay nakita kong nakayakap parin ang mga kamay ni Azriel sa akin. Nasa ilalim na ng leeg ko ang braso niyang kagabi ay ginawa kong unan.

'Sigurado akong hindi niya na mararamdaman ang kamay niyang ito mamaya.'

Dahan-dahan akong umikot para humarap sakanya, at nang makaharap na ako ay agad kong pinagmasdan ang natutulog niyang mukha.

Napaka-amo at perpekto na parang anghel. Kung hindi lang tayo nagkakilala sa maling paraan ay gugustuhin ko talagang mabaliw sa mukhang ito. Yung buhok niya na nagulo dahil sa pagkakatulog ay ginawa siyang mas hot isabay mo pa ang dibdib niyang walang saplot na nakabulgar sa mga mata ko.

Umagang-umaga inaakit agad ako ng lalaking 'to.

Marahan kong hinila ang kamay ko na naka-ipit sa pagitan namin at ma-ingat na ini-angat iyon para sundan ang guhit ng matangos niyang ilong.

Nang makababa na ang daliri ko sa labi niya ay laking gulat ko ng bigla niya iyong kagatin at hawakan gamit ang kanang kamay niya.

"Aray! Azriel, yung daliri ko!" Inis kong sabi sakanya habang hinihila ang daliri kong kagat-kagat niya.

"Let me taste it for a second." Pagnamnam niya sa daliri ko habang nakapikit.

"It's not a food, let me go! Hindi ka pa nga nagtotoothbrush e!" Galit na talaga ako sa puntong ito dahil sinisipsip niya na ang daliri ko.

"Oh, so you're telling me that I have a bad breath?" Taas kilay niyang sabi ng bitawan na ang daliri ko at naniningkit na nakatingin sa akin.

Hindi ko naman siya sinagot at patuloy lang na nilalabanan ang mga titig niya.

"Have a taste of it then." Rinig kong sabi niya bago ako higitin para sa isang malalim na halik.

Marahas niyang dinilaan ang labi ko bago agresibong hinalikan. Pilit na naglalaban ang mga dila namin na parang sumusugod sa gyera. Habang patuloy siya sa paghalik ay nag-uumpisa ng maglakbay ang mga kamay niya sa likuran ko at agad na tinanggal ang hook ng bra ko.

"F*CK AZRIEL MILTON! YOU GUYS ARE DOING P*RN EARLY IN THE MORNING?! G*DDAMN IT! MY INNOCENT EYES!!" Rinig naming sigaw ng isang babae ng bigla niyang buksan ang pinto ng kwarto. Agad naman akong napayakap at nagtago sa leeg ni Azriel.

'Bakit hindi iyon nakalock! Masyadong nagpapakampante 'tong lalaking 'to dahil bahay niya ito!'

"F*ck you Lyna! Get out of here!" Sigaw pabalik ni Azriel habang hawak ang ulo ko at masamang tinitingnan si Lyna na nakangising nakasandal sa may pinto- halatang inaasar si Azriel.

Lumabas naman agad si Lyna bago isinara ang pinto kaya humiwalay na ako kay Azriel.

"S-she's the woman in the reception, right? She can easily go to your house and come to your room without knocking." Walang emosyong sabi ko kay Azriel ng bumangon na 'ko.

Wala naman akong narinig na sagot mula sakanya kaya agad akong lumingon sa pwesto niya.

"Tell me, who is she? Your mistress? Your first girlfriend? Your ex? What?! Speak, Mr. Milton!" Inis kong sabi dahil patuloy lang siyang nakatingin sa akin habang nakangiti.

"Are you jealous?" Tanong niya habang hindi parin inaalis ang nakalolokong ngiti sa labi.

"No! Of course not." Agad na sagot ko.

"Then why are you so mad when you're just asking who is she?" Pang-aasar nito bago tumayo at lumapit sa akin.

"Sa reception. S-sa reception palang ng kasal natin kitang-kita na ang closeness niyong dalawa. Kung hindi mo pa nga ako pinakilala bilang asawa mo, iisipin ng iba na siya ang pinakasalan mo at hindi ako." Sa wakas nalabas ko na din ang hinanaing ko nung kasal palang namin.

"Because she's my cousin, angel. We grew up together. She's like a sister to me, so don't be jealous about her, hmm?" Paglapit niya sa akin sabay yakap sa likod ko habang marahang nagtatanim ng mga halik sa leeg ko pababa sa balikat.

"You are my one and only, Yhara. And I would never allow myself to fall in love again if it's not you." Sabi niya habang nakapatong ang ulo sa balikat ko.

Mahigpit ko siyang niyakap pabalik matapos kong marinig iyon. Hindi ako makapaniwala na kaya palang mainlove ng isang bruskong matipuno at ubod ng kasamaang lalakeng 'to sa isang katulad ko. And correction, he's not just in love, he's crazy in love.

"Why didn't you tell me at the reception then?" Tanong ko.

"Because you're keeping your distance away from me." Paghiwalay niya sa yakap namin. "I didn't know you are jealous of her." Panunukso muli nito.

'Natutuwa ka pa ha, makakatikim ka talaga sakin ng isang linggong walang pansinan, makikita mo!'

Hindi na rin naman kami nagtagal sa kwarto dahil naghihitay na sa baba si Lyna, kaya agad na kaming nag-ayos at nagbihis para makababa na.






********************

Whaaaa ano bang nangyayari sakin, pabored na ng pabored yung kada chapter pag binabasa ko huhu. Ba't ganon, nawawalan lang ba ako ng inpirasyon o nawawalan nako ng gana?

I can't actually think straight right now, but I will try my best to finish this one, that's how much you mean to me guys loveyahhh!!

Don't forget to vote, comment and share (⁠≧⁠▽⁠≦⁠)

Dominated by Azriel MiltonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon