Chapter 5
YLLEZSTACY POV.
"T-Thank you Sir," usal ko habang nasa labas at gilid kung saan naka-open ang bintana ng kotse niya sa passenger seat.
Maayos na ang kasuotan ko ngayon. May binigay lang itong paper bag sa akin, na ewan ko rin kung bakit para sa akin. It means kung para sa akin iyon ay ako ang pinuntahan niya rito sa university? Asa Stacey! Maghunos-dili ka!
"Don't mentioned it.." he said.
Napatingin ako sa mga kamay ko na dala ang paper bag na may design na Louis Vuitton, pati paper bag mahal..mahal pa sa buhay ko.
"S-Sige Sir, pasok na po ako," I said.
"You must." anito.
--
Napaupo ako sa isang bench sa loob ng university. Napatingin ako sa oras at alam kong absent na ako sa subject ngayon kaya dito na lang muna ako. May last subject pa naman.
Tinanggal ko muna ang salamin ko sa mata at kinusot ang mga mata, nakaramdam kasi ako ng hapdi. Pinasadahan ko ng tingin ang soot ko ngayon. Isa itong dress na mahaba pero napaka-aesthetic at hindi ko alam kong bagay ba sa akin.
Pero isinoot ko na lang dahil wala na akong damit pa na maisosoot. Binuksan ko ang paper bag at nakita ko dito ang uniform, napaka-visible ng juice sa uniform.
May napansin akong isang papel sa loob. Maliit iyon at kahit nagtataka ay kinuha ko iyon, binalik ko muna sa gilid ko ang paper bag.
Napatingin pa ako sa paligid, at may nakita akong mga estudyante na nakaupo sa ibang bench, siguro free time nila.
Napatingin ulit ako sa may kanipisan na papel na hawak ko na kulay green. Tupi iyon kaya dapat pang buksan para makita ang nasa loob kung anong nakasulat dito.
'that's my gift, 'py birthday kitty.'
Napalabi ako at kalaunan ay napangiti dahil sa nabasa. Nakakalito talaga siya. Nakaramdam ako ng mabilis na naman na pagkabog sa puso ko.
Mabilis ko iyong ipinasok sa wallet ko. Remembrance na at mukhang hinding-hindi ko makakalimutan.
Napapikit ako habang ninamnam ang hangin na dumadampi sa mukha ko.
"Who are you?"
Napadilat ako at nagulat nang may malapit na mukha ang nasa harapan na ng mukha ko. Napa-atras ako, seryusong nakatingin sa akin si Czar.
Nababaliw na ba 'to?
Anong sino ako?
Na-amnesia lang?
Hindi ako makasagot at tinignan ito ng masama. As much as possible ayokong makipag-usap sa kanya. Ayoko ng may koneksyon sa kanya.
"Are you dead Ms.?" anito.
Nanatili naman itong nakatayo pero hindi ko ito pinansin. Ms? Tsk. Drama mo boy!
"You don't know me?" Natatawang wika nito. Napataas ang kilay ko at tinignan ang mga mata nito.
Ang mga matang minsan kong hinahangaan, pinaniwalaan, pero ang siyang sisira at dudurog sa akin.
Kung pwede lang ibalik ang nangyari noon ay hihilingin ko na wag siyang makasalamuha.
Napabuntong-hininga ako, "Umalis ka, Czar.."
Nakita ko ang gulat sa mga mata nito, matagal itong napatitig sa akin, tinignan ang kabuuan ko at umiiling.
"S-Stacey?"
Tulala itong nakatitig na talaga sa akin. Napakagwapo talaga nito, mabait naman talaga..kung hindi lang nila ako pinagpustahan noon.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Ceo Is A Mafia Boss [COMPLETED] ALPHA ONE
General FictionWARNING MATURED CONTENT‼️ Read. [UNEDITED]