Chapter 10
YLLEZSTACY POV.
Pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak pa. Huling beses na iyong lag-iyak ko na nakita ni Zaldeo. Pero ang ginawa ko ngayon ay labag sa pangako ko. Hinayaan ko na naman ang sarili ko na umiyak na naman sa harapan niya.
Dalawang beses na pinapahiya ko ang sarili ko. Pero sa nakikita ko ay wala naman para rito ang ginagawa sa akin, I mean hindi ko kasi nakikita na hindi bukal sa loob niya ang ginagawa.
I feel safe with I'm with him. Sa totoo lang malaki nga ang pasasalamat ko kay Zaldeo dahil ang dami na nitong ginagawa para sa akin, pati sa emosyonal kong nararamdaman sumali pa ito.
Nung una ay natatakot ako rito, nakakaba naman kasi dahil napaka-rude nito. Pero habang tumatagal na kasama ko siya at ng anak niya ay hindi naman pala ito rude talaga.
Minsan lang ito magsalita, malamig ang pakikitungo, at nakakalito pero ramdam ko ang kabaitan sa puso nito. The way he make me feel safe and calm. Ang pagpapatahan niya sa akin na para sa kanya ay tumutulong lang.
Alam kong tumutulong lang ito, walang ibang rason. At ayoko rin bigyan ng ibang rason dahil madali ako mag-assume katulad ng ginagawa ko kay Czar noon na ako lang din pala ang magdadala sa sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon.
Alam ko namang imposible talaga na magkagusto ito sa akin, dahil malayong-malayo ako kay Alumina. Sobrang labo pero nagpapadala ako sa puso ko.
Kung pwede lang maturuan ang puso na wag umibig at mapatigil ang pag-ibig ay ginawa ko na pero ayaw talaga eh.
"I-I'm sorry sir, n-nabasa ko tuloy ang suit na soot mo," nauutal kong wika at napapahiya dahil ang kapal ng mukha ko na mabasa ang soot nito.
"It's okay, are you okay?" anito na hinawakan ang pisngi ko kaya nagtagpo ang paningin namin sa isa't isa. Napatango ako.
"Yes po," sagot ko.
"Hintayin mo na lang ako sa kotse, pupunta na tayo sa pupuntahan natin, here..nandoon lang sa parking lot ang kotse ko, babalik muna ako sa loob saglit.." anito.
Napatango ako rito, at tinanggap ang susi na bigay nito. "Don't fall in love with someone who can't reciprocate your feelings," anito.
Hindi na ako nakasagot pa dahil tumalikod na ito at naglakad ulit papasok sa exit hanggang sa hindi ko na nakita pa ang pigura nito.
Napatingin ako sa kamay ko kung nasaan ang susi, napahawak ako sa dibdib ko kung saan banda ang puso ko. Ang bilis ng tibok non, bakit ganun? Hindi ako nasasaktan para pa ngang nagdiwang ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan.
Naglakad na ako papunta sa parking lot at tumunog naman ang kotse nito sa pagpindot ko sa susing hawak ko pagkarating. Pumasok ako roon, at sa pagpasok ko sumampal sa pagmumukha ko ang amoy ni Sir Zaldeo. Nakakarelax. Kaya napapikit ako. Tinanggal ko ang salamin ko sa mata at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan na lang ako nang parang may naramdaman ako nakatitig sa akin. Hindi ko mawari kung nagagalit ba o ano, basta parang malapit lang ito at tinitigan ako.
Kaya dumilat ako at nakita ko si Sir Zaldeo na seryusong nakatingin sa akin habang nakahalukipkip ang braso na nasa loob narin ng kotse.
Napa-ayos ako ng upo at napangiwi nang marinig ko ang buto ko sa leeg na parang nagcrack, napalingon ako sa paligid at napanganga ako nang nasa harapan lang naman namin ang sobrang habasng building na may nakatatak na "Star Hotel".
"Good that you're awake, fix yourself, we'll entering now," malamig na wika ni Sir Zaldeo.
"Ginising niyo na lang po sana ako," wika ko habang hinalukay ang shoulder bag na dala na may mga lamang ibang gamit sa painting.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Ceo Is A Mafia Boss [COMPLETED] ALPHA ONE
Ficción GeneralWARNING MATURED CONTENT‼️ Read. [UNEDITED]