Chapter 29
YLLEZSTACY POV.
"Kakalabanin namin siya Acey" seryusong wika ni Solaira sa akin. Napatingin ako sa kanila, at nakikita ko na hindi nagbibiro ang mga ito. Nalilito ako.
"Alam namin ang namamagitan sa inyo, maaari mo kaming kalabanin pero magiging kalaban mo kami" usal ni Cirrus na may kulay na pulang buhok.
"Nalilito na ako, gusto kong marinig ang side niya," nanghihina kong wika. Nagbabakasakali na marinig na hindi siya ang puno't dulo ng lahat ng ito.
Napatango si Ate Solaira, "Ikaw bahala, nandito lang kami palagi pero sa ngayon ititigil muna namin ang pagbabantay sayo," malungkot na sabi nito.
"Hinihiling ko na sana mahaba pa ang buhay mo, mahal na mahal ka namin Yllezstacy. Kapatid ka na namin. Pero rerespetuhin namin ang desisyon mo hindi sa iyon ang hiniling ni Tatay kundi iyon talaga ang kagustuhan namin" pahabol ni Ate Solaira.
Nagpipigil ako ng luha at napatango ng may tapang rito. She's the coolest sister I met.
Gusto kong malaman ang side ni Zaldeo. Narinig ko na ang side nila ate solaira. Ayokong padalos-dalos. Baka pagsisihan ko ito sa huli.
--
Dumating ang araw kung saan sinabi ni Zaldeo na uuwi na siya. It's been 2 weeks I guess. Pero palagi itong nag-update sa akin.
Kung hindi nagbibiro sila Kuya Cirrus na nasa Drefuz Island si Zaldeo kung saan... Pinatay ang pamilya ni Tatay. Katabi lang ng islang iyon ang isla na binigay sa akin ni Tatay.Hinihiling ko na sana magsabi sa akin si Zaldeo ng totoo. Masakit para sa akin ang gagawin ko dahil parang pinaghihinalaan ko siya pero hindi ko mapigilan.
Nilagay ko ang salad sa mesa na iyon na lang ang kulang sa mga ginawa ko. Punong-puno ang mesa, parang fiesta.
Nanginginig at natatakot ako sa kinalalabasan ng gagawin ko. Tatanungin ko lang naman siya pero bakit buwis buhay na ang gagawin ko.
Habang pumapatak ang oras ay hindi ako mapakali. It's been 6:23 PM, kahit may handa sa harapan ko hindi ako nakaramdam ng gutom. Hinihintay ko si Zaldeo.
At may narinig akong mahinang katok at isang malamig at kalmang boses ang narinig ko sa labas. "Kitty,"
Napatayo ako at inayos ang buhok, baka haggard na kasi ako at lumapit sa pintuan para pagbuksan iyon at tumambad sa akin si Zaldeo na naka all black at may tumutubo naring balbas sa mukha nito. Ilang weeks lang naman kaming hindi nagkita ah.
Napatingin pa ako sa labas dahil parang may napansin akong mga anino pero mabilis na hinawakan ni Zaldeo ang baba ko at halik sa labi ko na ikinagulat ko.
Pero napahawak na lang ako sa balikat nito dahil mas pinailaliman nito ang halik. Naramdaman ko ang habol na paghinga nang natapos ang halikan naming dalawa.
Niyakap ako nito sabay hapit ng bewang ko. Nakikiliti ako sa balbas nito na katutubo pa lang dahil nasa leeg ko na ang mukha nito. Parang batang ilang years akong hindi nakita dahil sa sobrang higpit ng yakap.
"I miss you so much" anito.
"I miss you too" sensiro kong wika. At niyakap din ito. Naramdaman ko ang init ng yakap nito na namimiss ko talaga.
"Really? Then can I kiss you again?"
"K-Kumain muna tayo," namumula kong wika I can see his faint smile. He licked his lips then bite it afterwards habang nakatitig sa akin. "Alright. Then I'll eat you afterwards,"
"Baliw, umayos ka nga, sumunod ka na lang sa akin" naiinis ko pang wika kahit kinikilig na ako.
Hinila ko ito sa loob at nang makita na may pagkain ay napangiti ito at mabilis akong pinaghila ng upuan. At umupo narin ito.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Ceo Is A Mafia Boss [COMPLETED] ALPHA ONE
Algemene fictieWARNING MATURED CONTENT‼️ Read. [UNEDITED]