Chapter 13
YLLEZSTACY POV.
"Yes, of course you're not Yvette duhh, ang landi non, you're Yllezstacy na nagpapanggap na Yvette noon, hindi mo na naalala?" mahinang wika ng isang babae na ikinatulos ko sa kinatatayuan.
Ano? Anong ibig nilang sabihin?! Wala akong naiintindihan.
"Ha? Wala akong naiintindihan, ipatindi niyo nga, hindi ko nga kayo kilala baka nagkakamali lang kayo," may halong inis na usal ko dahil hindi na talaga nakakatuwa.
Napatulala ang dalawa sa akin at hinila ako ng dalawa papuntang guestroom kung saan sila nag occupy.
Nilock nila iyon at lumapit ang isa sa akin sabay lahad ng kamay at wika, "I am Alyanna Montessori," tinanggap ko naman iyon sabay tingin sa isa na seryusong nakatitig sa akin na parang pinag-aralan ang kabuuan ko.
"Call me Iyah Montessori, kami ang naging kaibigan mo nung nagpapanggap ka Yllezstacy, ano ba ang nangyari sayo? Akala ko okay na ang lahat, at nagulat kami ng magkasama kayo ni Kuya Zaldeo na ganyan ang ayos mo muntik ka na naming hindi makilala," wika ni Iyah.
Napahawak ako sa noo ko at napabuntong-hininga, kahit anong salita nila ay hindi pumapasok sa utak ko.
"Baka hindi ako ang Yllezstacy na kaibigan niyo noon," I firmly said.
"Bullshít, tumalikod ka!" naiinis na wika ni Alyanna at lumapit sa akin si Iyah at bigla nilang itinaas ang damit ko na ikinatili ko pero malakas nila akong hinawakan. Pero binitawan din ako ng mga ito.
"See may balat ka sa bewang, you're Yllezstacy," usal ni Iyah at nilalaro pa nito ang kuko nito na napakatulis parang nakakamatay ang tulis non.
Maganda ang mga ito at mayaman na mayaman ang dating.
"Can you explain it to me?" tanong ko dahil nalilito na talaga ako.
"Are you sure? Baka magsisisi ka." sarkastikong wika ni Alyanna. Nakaramdam ako ng kirot at takot sa maririnig ko. Paano kung magsisisi nga ako?
Tumango ako na parang gusto kong marinig ang lahat. Nang magsimula sila ay napapakunot ang noo ko dahil nakakagulat lang ang nalaman ko.
Hindi natapos ang pag-uusap namin ng may kumatok, kaya lumabas din kami. Papalabas na ako nang penthouse nang may humawak sa braso ko na ikinalingon ko sa taong iyon.
"May sinabi ba sila sayo?" Malamig na wika ni Zaldeo. Kinabahan ako sa awra nito ngayon. Parang galit o ano ba.
Umiiling ako, "Wala naman Sir, bakit po?" inocente kong wika. Tinitigan pa nito ang mga mata ko ng mariin na baka nagsisinungaling ako.
"Really?" he said.
"Y-Yes sir," sagot ko.
"Bakit po ba?"
"Nevermind, you can go." anito at binitawan na ako. Tumalikod na ito at napatingin ako sa likuran nito na papalayo at napatingin ako sa braso ko na namumula dahil sa paghawak nito.
Napahawak ako sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko banda. Biglang kumirot iyon. Ang totoo niyang nagsinunggaling ako kay Zaldeo na walang sinabi sa akin sila Alyanna at Iyah.
Habang naglalakad ay ina-alala ko yung kaunting nalaman ko na tungkol daw sa akin noon.
--
"Ayaw ni Yvette na nag-iisang anak ng mga Gustavano na babae na maikasal, hindi pa kasi nito nakikita ang lalaking ipakakasal sa kanya, may napupusuan itong iba, pero may araw na nakita ka niya na naglalakad sa gilid ng daan at saktong hindi mo soot ang glasses mo non, wag kang magtaka na alam namin dahil ex-bestfriend kami ni Yvette, kasama kami sa kotse niya sa araw na iyon, hindi rin namin alam na si Kuya Zaldeo pala ang ipakakasal sa kanya, ayon nga may kalokohang gustong gawin itong si Yvette na ikaw ang taya," paliwanag ni Iyah na ikinatango ni Alyanna.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Ceo Is A Mafia Boss [COMPLETED] ALPHA ONE
General FictionWARNING MATURED CONTENT‼️ Read. [UNEDITED]