Chapter 11
YLLEZSTACY POV.
"Y-Yvette, anak?" naluluhang wika ng babae..
Ha? Hindi ako si Yvette! Ano ba ang mga tao ngayon? May sapí ba?
"E-Ehh hindi po ako si Yvette si Yllezstacy po ako," awkward kong wika sabay ngiti at mabilis na kinuha ang salamin na nasa papag sabay soot.
Napatitig lang ang ginang sa akin at pinapasadahan ang mukha ko. Mabilis nitong pinahid ang luha sa pisngi at ngumiti sa akin ng genuine.
"Pasensya ka na Iha, namamalikmata lang siguro ako, n-namimiss ko na talaga kasi ang anak kong iyon eh," garalgal na wika ng ginang habang may namumulang mata.
Napatango ako rito at nalulungkot din para rito. Kahit wala akong pamilya, na appreciate ko ang pangungulila nito sa anak na babae.
--
Sa nakalipas na mga araw ay nasanay na ako sa ginagawa ko. Pero hindi parin mawala sa utak ko kung sino si Yvette? Bakit tinawag akong Yvette nung ginang? Bakit tinawag din akong Yvette ni Sir Zaldeo noong una pa lang? Magkamukha ba talaga kami? Gusto kong makita ang mukha nito.
Kaya napagdesisyunan ko kahit ikapapahamak ko ang gagawin ko ay papasukin ko ang kwarto ni Sir Zaldeo. Baka may mahanap akong mukha ni Yvette sa kwarto nito.
Oo nakapasok na ako roon pero sa furnitures lang ako nakatutok hindi sa mga kagamitan. Ngayon ay alam kong wala si Sir Zaldeo dahil nakita ko pa ito kanina na umalis kasunod ng butler nito. Nasa kwarto naman si Deos natutulog.
Nanginginig man ay isinawalang bahala ko iyon dahil sa kuryusidad ko sa katawan. Nananalaytay, dugo ko na itong pagiging kuryuso sa bagay-bagay.
Nasa harapan na ako ng kwarto ni Sir Zaldeo at ipinihit ito at naka-lock. Nag-kibit balikat na lang ako dahil baka hindi pa talaga oras para makita ko ang mukha ng Yvette na iyon.
Ayokong ikukumpara ako kung kanino. Iba ako. Bumaba na lang ako.
--
"Alam niyo na ang gagawin sa Event na gaganapin bukas, kung saan kayo naka-assign doon kayo dahil may magbabantay na officers bawat station, maliwanag ba?"
"Yes Pres." sabay na sagot namin at tumayo na para pumasok ulit sa room dahil may pasok pa kami, it's 3:34 PM pa kasi, mamayang 5 pa ang uwian.Walang night shift sa amin halos on day ang klase dahil siguro marami ng rooms. At mga chairs.
"Kamusta na si Kuya Damien, Stace?" tanong ni Mercedes sa akin, kasabay ko kasi siyang naglakad dahil tabi lang ang room namin.
"Ayon masigla na, kahapon nga pinagpatuloy ko ang pagpinta sa kanya," sagot ko.
"Good to know that, because you know I'm so sad of Kuya Damien, kung hindi lang sana ito niloko ni Yvette, maayos pa sana ang kalagayan nito eh!" anito na naaasar pa.
Napatigil ako sa narinig kaya tumigil din ito. Ayokong mag-isip ng kung ano pero ang Yvette ba na ibig sabihin nito ay...
"Sinong Yvette, Cedss?" tanong ko at kinabahan bigla.
"Hindi mo kilala? Gosh! Si Yvette Nihle Gustavano, pero patay na kasi ito," anito sa mahinang paraan.
Nagulat ako dahil konektado ang Yvette na iyon kay Sir Zaldeo at Kuya Damien. Nalilito na talaga ako. Sino ba talaga si Yvette?
"M-May relasyon ba si Kuya Damien at Yvette, Ceds?"
"Sa pagkaka-alam ko, mas naunang naging jowa ni Yvette si Kuya Damien kesa kay Mr. Montessori.." anito.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Ceo Is A Mafia Boss [COMPLETED] ALPHA ONE
Genel KurguWARNING MATURED CONTENT‼️ Read. [UNEDITED]