Chapter 15
YLLEZSTACY POV.
Papalayo na ang ambulansya kung saan sakay si Damien, mabilis ko namang inalis ang mga luha ko sa mga mata. Namghihina ako sa nalaman, lahat ng ala-ala na meron siya na kasama ko, ang ala-ala noon, ngayon ay nakakalito.
Napakagat ako ng pang-ibabang labi habang naaawa sa kalagayan ngayon ni Damien. Dahan-dahan akong pumunta sa bahay nila, may mga tao parin na nandoon, nakiki-usyuso.
Nakita ko sa terrace, malapit sa gilid ng pintuan, sa labas ng pintuan, nakaupo si Tito Damian, nakayuko ito at hawak ang gilid ng noo sa mga kamay. Nakita ko si Tita kanina na sumama sa ambulansya.
Nasa gilid lang ang mga barkada ni Tito na tahimik lang din, hinahayaan si Tito Damian mapag-isa. Nakatingin lang ako rito, at habang patagal ng patagal ang titig ko ay biglang yumugyug ang balikat nito na ikina-iwas ko at ng nakakita.
Naramdaman ko ang luha ko na gusto na namang lumabas, narinig ko ang mahinang hikbi ni Tito na masakit sa pandinig. Ang sakit talaga makakita ng lalaking umiiyak.
Ayokong istorbohin si Tito kaya. Kaya pala may ambulansya kanina dahil akala nila patay na si Kuya Damien pero bigla raw itong nagkapulso kaya mabilis silang nagtawag ng ambulansya.
Kaya napahinga ako ng malalim, maluwag sa nalaman. Sana nasa maayos lang na kalagayan si Damien, gusto kong malaman ang totoo sa bibig niya. Gusto ko pang makasama siya, kahit bilang magkaibigan man lang dahil may pinag-samahan naman kaming dalawa.
Bumalik muna ako sa boarding house, nawala narin ang mga tao sa bahay nila Damien nang malaman na tumibok na ang puso nito. Masaya ako sa nalaman at napaiyak pa ako sa nalaman.
Alam kong malakas si Damien. Hindi niya kami madaling iwan.
Ilang araw ng nanatili si Damien sa Hospital, hindi naman ako makakapunta dahil busy ako at sakto lang ang pera ko ipambayad sa bus o kaya jeep at trysickle na sasakyan ko.
Kontento na ako sa nalaman ko na humihinga na ito at ngumingiti pa. Saka nag vc din kami, nakangiti pa ito sa call na parang hindi nag-aagaw buhay, pinipigilan ko lang ang mga luha ko habang kausap siya at makita ang maamong mukha nito.
Sabi ng Tatay nito ay wala pang kasigurodihan kung kailan ilalabas si Kuya Damien sa Hospital, dahil sa kalagayan ng puso nito.
Habang ako ay hindi muna pumunta sa penthouse, tapos na ang final midterm namin, kaya maghahanap ako ng trabaho.
Maayos na ang trabaho ko kay Zaldeo pero nang dahil sa nalaman ko kahit hindi pa naman buo talaga ay gusto ko ng lumayo sa kanya.
Mas mabuti na ito, para wala na kaming interaction pa, tatahimik na iyong buhay ko, balik sa dati, ghinost ko ang trabaho ko.
Saka hindi ako nangangamba na hanapin nito dahil sino ba naman ako para hanapin diba? Napatigil ako sa pagliligpit ng mga gamit ko sa aparador na may narealized.
Napakunot ang noo kong nakatingin sa kawalan, so alam ni Zaldeo na may nagpapanggap na Yvette noon? At alam nito na ako iyon? Bigla akong nanlamig at hindi alam ang gagawin.
Paano kung naghihigante ito? Pero bakit? Dahil ba na niloko namin siya ni Yvette? Eh nandoon na si Yvette, tinanggap na ang kasal na inalok pero sabi ni Yvette hinindian daw siya ni Zaldeo kaya nagalit sa akin si Yvette.
Bakit?
Dahil ba wala na si Yvette kaya sa akin siya naghihigante? Pero sabi nila Iyah at Alyanna na buhay pa ito.
Gusto ko ng maalala lahat. Anong nangyari dahil hindi naman pala buong kuwento ang naalala ko.
Sinong nagtulong sa akin pagkatapos ng aksidente?
BINABASA MO ANG
The Ruthless Ceo Is A Mafia Boss [COMPLETED] ALPHA ONE
Algemene fictieWARNING MATURED CONTENT‼️ Read. [UNEDITED]