CHAPTER 16: Freedom?

1.5K 52 0
                                    

Chapter 16


YLLEZSTACY POV.

Even those people you want to stay forever are permanent, nothings permanent.

Simula sa araw nang ni let go ako ni Zaldeo, ay naging tahimik parin naman ang araw ko, pero mas nagiging boring lang sa hindi ko malamang dahilan.

Minsan dinadalaw ko si Damien. Maayos naman ang pakikutungo namin sa isa't isa, at sa aming dalawa mukhang ako lang ang na awkward-an. Hindi pa naman kasi nito alam siguro na naka-alala na ako.

Nagpatuloy ako, ayoko muna sigurong pumasok sa isang relasyon na hindi ako sigurado, mas pipiliin ko na lang siguro na mag-isa. Siguro mas magiging mapayapa ako kung mag-isa ako.

I want to enjoy, gusto kong magpakalayo, iyong malayo sa gulo at kung ano. Malayo sa kanila, iyong walang nakakilala sa akin.

Kapag nakikita ko sila Damien at Zaldeo bumabalik lang iyong nangyari noon, I guess it's time to focus of what I wanted to myself.

Nakahanda na ang passport ko papunta sa hindi ko alam kung saan ako maihulog ng eroplano o kaya maibitag ng barko. Basta iyong malayong isla na masasabi ko na may kalayaan na ako.

Tama pala ang desisyon ko na magtipid ng pera dahil darating sa point na gusto ko pa lang magpakalayo.

At this point sasabihin ko kay Damien na naka-alala na ako. Para maayos na ang conflict na meron kami noon. At makapag-simula kami ulit. Alam kong may masasaktan pero na realized ko na walang nag-iba sa relasyon namin, walang nag gogrow.

Kaya for the first time, nakapagdesisyon ako sa kung ano ang gusto ko.

Kumatok ako sa pintuan ng room ni Damien sa Hospital. Alam kong gising ito. Pumasok ako at bumungad sa akin ang nakangiting Damien.

Walang nagbago, palagi paring nakangiti. Kaya ang bilis kong mapatawad ito dahil sobrang gaan ng pakiramdam ko sa lalaking ito. Na kahit ako ayokong saktan ito.

"Akala ko hindi ka na darating," anito.

Ngumiti ako rito at naglakad patungo sa kinahihigaan niya. "Sus, matitiis ba kita?"

He chuckled then laugh.

"Ano iyang dala mo?"

"Favorite mo, naalala ko kasi na tanghali na at alam ko na choosy ka sa ulam," pang-aasar ko rito na ikinapout nito.

"Inaasar mo na talaga ako, hindi mo na ako mahal," anito.

Napailing na lang ako at umupo sa couch na hindi naman kalayuan sa kinahihigaan niya, nakaupo siya ngayon at hinahalukay ang laman ng paper bag na dala ko.

"Thank you, Stacey." he said then smile genuinely that make me happy.

"You're always welcome, Damien." usal ko.

Biglang nag-iba ang reaksyon ni Damien. Nakakunot ang noo nitong nakatingin na sa akin. Wala narin ang ngiti ko sa labi. Hindi ba sinabi ni Zaldeo sa kanya na naka-alala na ako?

"Don't tell me," anito.

Napatango ako na ikinalaki ng mga mata nito.  "W-Wag kang magbiro, Stacey."

"I'm not Damien. Naka-alala na ako pero hindi lahat," seryusong wika ko.

"Kung ganun alam mo na kung ano ang meron tayo , noon?" napayuko ito at napapailing pa. Napabuntong-hininga at hindi makatingin sa akin.

"Yes" I reply.

Hindi ito nagsalita at nakatingin lang sa kabilang gilid. "Kailan pa?"

"Noong isang araw,"

The Ruthless Ceo Is A Mafia Boss [COMPLETED] ALPHA ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon