CHAPTER 42: Jealous

2.5K 95 7
                                    


LOVE often begins with a spontaneous feeling or attraction towards someone, it is the choices we make that sustain and nurture that love over time.

Hindi ko mapigilan na maiyak habang nakikitang magkasundo na si Zaldeo at ang mga anak namin kahit sa isang araw lang.

Alam ng mga anak ko kung sino ang Tatay nila dahil sinabi at pinakita ko yung pictures.
Sa kadahilanang sinabi ko iyon sa pag-aakalang mawawala na ako sa mundo, makilala man lang ng mga anak ko ang ama nila.

Pagdating namin sa bahay ay nawala na raw ang sakit ng tiyan ni Amanda. Na kahit naglakad pa ako ng malayo ay hindi ko na iniinda basta nasa mabuting kalagayan ang anak ko.

Nakokonsensya ako sa isang anak ko. Na iniwan ko. Kamusta na kaya siya. Alam kong malaki na ito, galit parin kaya ito sa akin? Gusto kong magka-ayos kami.

At sa mga oras na ito ay pinapangako ko na hindi na ako tatakbo pa. Hindi naman matapos-tapos ang kalbaryo ko sa buhay pero ganyan naman talaga ang buhay. Challenging kumbaga.

Hindi ako gaanong makatingin kay Zaldeo dahil sa sinabi nito kanina na gusto parin ako nitong pakasalan. Sinong hindi kakabahan non. Ngayon na nga lang nagkita, kasal agad ang hinihiling.

Kahit sinaktan ko na ito. Nasaktan kaming dalawa. Pero mabuting tao parin si Zaldeo. Alam ko ang ginawa ni Yvette na ikinagalit ko rito, pero nalungkot din dahil nabalíw pala ito.

Ang pamilya ko na hindi ako tinuring na pamilya. Hindi ko na alam kung saan sila ngayon. Hihilingin ko na lamang na nasa mabuting kalagayan ang mga ito.

Gusto man ni Zaldeo na iuwi kami sa kanila pero nasanay na ako rito, mas gugustuhin ko ang malayo sa city na bahay. Iyong maraming puno at may lawa sa unahan.

Na sa paggising ko ay ang huni ng mga ibon, sampal ng araw at ang tunog ng mga dahon sa mga kahoy ang maririnig ko sa bawat araw. Nakakawala kasi para sa akin ito ng stress. Gusto ko na lang mamuhay na focus sa pamilya ko.

Nagkasundo naman kami ni Zaldeo sa gusto ko. Nagulat nga ako nang gusto rin nito dito. Marami kaming napag-usapang dalawa. Maraming nangyari. Lahat sinabi ko at sinabi niya. Sinabi na niya ang side niya at ang side ko. Kaya naging mabuti rin ang relasyon namin. Sadyang magiging okay lang sana ng maaga kung hindi ako tumakbo. Kung nakinig lang ako. Pero nananaig ang utak ko na takbuhan lahat.

"Ayos na kayo?" Tanong ni Kurt sa akin habang nag-usap kami through sa cellphone. Nag vc kami.

Wala si Zaldeo dahil may trabaho din ito at boss pa. Pero kung uuwi ito ay dito siya uuwi sa bahay ko. Ewan ko ron, nandito na nga ang mga damit niya. Maliit nga lang yung bahay namin pero tama na sa amin.

"I think so," sagot ko.

Napakunot ang noo ni Kurt, nakita ko pa ang pagtingala nito na parang nakatitig sa taong nakatingin sa kanya. Nakita ko pa ang pag-iba ng reaksyon ng mga mata nito.

Parang nang-aasar sa kung sino. Nalaman ko lang nang magsalita ito. "Am I too handsome, Ygan?"

Napailing na lang ako nang nawala na ito sa kabilang linya, dahil parang pinatay nito ang huli kong nakita may hinila ito.

Tumayo ako para kunin ang natapos kong pag-ayos ng cartoon na maliit iyong lalagyan pa ng tali, na ilalagay sa mga prutas. Na sa bawat 100 na cartoon ay may 10 pesos ka.

Ito ang naging trabaho ko. Madali lang naman kahit ang tagal ng proseso. Nabubuhay naman kami ng mga anak ko rito. Saka tinutulungan din ako nila Damien.

Nasa ibang bansa si Damien at ang asawa nito. Minsan nakikipag-interact kami through Zoom. Narinig ko ang ingay ng aso sa labas. May aso ako, isa. Half Aspin.

The Ruthless Ceo Is A Mafia Boss [COMPLETED] ALPHA ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon