TULALA si Zaldeo na nakatingin sa batang babae na nakatingala sa kanya. Napaka-inocente ng mga mata nito. He remembered his son Amadeos of this two kids.
"Boss!"
Napawi ang tingin niya sa mga bata nang may tumawag sa kanya. One of the architect. Napatingin siya saglit sa mga bata, at sa batang lalaki na nakakunot ang noo na nakatingin sa kanya.
Nilagpasan na lamang niya ang mga iyon. He is here because of the work. Kausap niya ang architect habang naglakad sila papunta sa lugar kung saan ipapatayo ang mga lalagyan ng mga makina.
Nang makarating doon sa lugar ay pinakita ng engineer ang dapat nitong gawin. Kasama nito ang architect kaya mas napadali ang plano.
Wala namang problema sa kanya dahil nagustuhan niya ang lugar. He likes it because it feels a kind of nostalgia. Parang nasa sikretong probinsya sila.
The air was so relaxing because of its cold breeze. Mainit ngunit hindi iyon alintana ni Zaldeo. Kahit gusto ng payungan ng Butler ang lalaki pero hindi nito magawa dahil ito ang masusunod.
"Kumain muna kayo mga Sir! May bibingka at biko rito, luto ng Misis ko!" Sigaw ng Mason nila.
Napatingin sila doon, at natatakam dahil sa sobrang init nakaramdam narin sila ng gutom. Mabait naman si Zaldeo wag lang talagang galitin. Malaki ang pasahod nito kung consistent ka sa trabaho mo.
"Aba'y ang pogi mo naman po Sir." Nakangiti at parang kinikilig na wika ng asawa ng Mason.
Napangiti si Zaldeo nang mukhang nagseselos ang trabahador niya dahil sa sinabi ng asawa nito. Napailing na lang siya dahil sa kantyawan ng mga kasama.
Hindi naman siya maarte, at parang maraming nag-iba sa kanya ng nawala si Yllezstacy. Hindi na gaanong cold, parang mas lumawak at pinapahalagahan niya ang nararamdaman ngayon ng mga tao.
Kagat ang biko na nasa kutsara ay nakangiti siyang nakipag-usap sa mga kalalakihan. Pero napatingin siya sa banda kung saan nakikita niya kanina ang mga bata. Magdidilim narin at wala na siyang nakita roon.
Binilin niya na lang sa mga head kung ano ang dapat gawin. Dahil mukhang hindi siya makakapunta rito bukas dahil sa schedule niya, marami rin siyang pupuntahan na meetings sa ibang bansa.
"Sige sir! Mag-iingat po kayo!"
"Sige kayo rin," aniya at tinapik ang balikat ni Eng. Glendon.
At nang makasakay sa kotse niya ay pinaharurot na niya iyon papalayo sa lugar. Sobrang dilim, buti kotse ang dala niya. Habang nagdadrive ay tinanggal niya ang tatlong butones sa pulo niya.
Puno siya ng pawis dahil siguro sa sobrang init at sa ginawa kanina. Hindi sana siya magtatagal pero nakaligtaan niya dahil nagustuhan niya ang lugar.
Naalala niya ang birthday ni Wade. Tapos na kaya? Siguro, hindi kasi nakahiligan ng mga Montgomery na magtagal ang isang selebrasyon, dahil din sa mga katungkulan ng mga ito sa mga organisasyon.
Napatingin siya sa gilid dahil napadaan siya sa isang mataas na bahagi ng daan, na kapag pababa ay kitang-kita ang dagat at mga kabahayan, mga kakahuyan, ang madilim na kalangitan na puno naman ng mga bituin, kahit walang buwan.
Nakaramdam ulit siya ng kalungkutan. Pero napatikhim para makalimutan iyon. Naging malamig ang paningin niya. Naalala niya ang dalawang bata kanina. Magaan ang loob niya sa mga ito. Siguro may kahawig talaga sa ex-fiance niya.
Nag-vibrate ang cellphone niya at sabay tunog ng earpiece na maliit na nasa tenga niya.
Emergency.
Pinindot niya ang red button. Napakunot ang noo niya nang hindi maintindihan ang kausap sa kabila.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Ceo Is A Mafia Boss [COMPLETED] ALPHA ONE
Ficción GeneralWARNING MATURED CONTENT‼️ Read. [UNEDITED]