YLLEZSTACY POV.
"You don't want to be my Mrs. Montessori?" he said huskily and sexily na ikinapula ng buong mukha ko at ikinabilis ng tibok ng puso ko.
"S-Syempre gusto.. Teka nga maligo ka nga muna!" usal ko dahil sa kaba at tinulak pa siya ng mahina.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "Paliguan mo ako mahal," anito sa may paglalambing na tono.
Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya at alam kong namumula na ang pisngi ko.
"Zaldeo ha" wika ko at napakibot sa labi. Napahawak naman ito sa likod ng ulo at napailing habang pailalim akong tinignan. Napakagwapo talaga.
"Alright, pag gusto mong magluto, patulong ka sa kanila, pag may hinahanap ka magsabi ka sa kanila" anito.
Napatango ako at napapikit pa dahil hinalikan ako nito sa noo. Bago ito umalis ay ito na rin ang nagsabi sa dapat gagawin ng mga maids nito. Ako na lang ang nahihiya sa ginagawa nito. Parang ayaw na nga ako nitong pahawakin ng kahit na ano, kung hindi ko lang pinatigil at pinapaligo.
"Ma'am nadurog ko na po yung pinapadurug niyo" wika ni Luvasta isang maid na may edad na.
"Ilagay niyo lang po diyan, ako na ang bahala rito, maraming salamat po sa tulong niyo" usal ko at nginitian sila.
Yumuko lamang ang mga ito at nagpatuloy din sila sa mga ginagawa. Pagkatapos ay inilagay ko sa oven ang cookies para ma cooked iyon.
Lumabas muna ako ng kitchen habang pinupunasan ang kamay na basa sa isang towel. Sobrang lawak talaga ng mansion. Nakakapagod tumingin sa kahit saan.
Marami ring mamahalin na gamit na nakakahiyang hawakan at tapakan, iyong hagdan na sobrang haba ay pwede ng maging salamin sa sobrang kintab.
Hindi ako sanay sa mararangyang bagay. Napangiti ako nang makita si Deos na nasa couches kung saan nakalagay ang mga tv at iba pa na mga gamit na antique a kind of antiques.
May mga libro sa harapan nito, at soot ulit ang salamin na binili ko noong isang araw, dahil napapansin ko na mahilig ito sa mga eye glasses na walang grade. Bagay din naman dito, nagmumukha itong matured.
Inayos ko ang buhok ko, mukha kasing tumabingi. Before I leave sinabi ko kay Deos na malapit ng maluto ang cookies nito. Sumagot lang ito ng oo, at tinanong pa ako kung saan ako pupunta, sinabi ko na lang na sa kwarto may kukunin.
Pinili ko na may sariling kwarto kahit labag sa loob ni Deo. Temporary lang naman, hindi kasi ako sanay na katabi siya at baka malaman pa nito na may sakit ako.
--
"Babe?"
Napatingin ako sa pintuan dahil nandoon si Deo kumakatok. Tinago ko ang papeles tungkol sa sakit ko sa ilalim ng kama.
"Papasok ako ha" anito.
Napalunok ako, "O-Oo"
Nagbukas ang pintuan at napatulala pa ako sa anyo ni Zaldeo. Palagi na lang talaga itong fresh sa paningin ko. Palaging may pogi points.
"Done taking a bath babe, may gusto ka bang puntahan ngayon?" anito at lumapit sa akin. Niyakap ulit ako na ikinapikit ko at ikinasinghot sa mabango nitong katawan.
"Good boy," wika ko pa at narinig ko ang mahinang chuckle nito, "Baka ikaw may gusto ka bang puntahan?" ako kasi kung saan siya doon narin ako.
"Yeah," anito. Napatingala ako rito, nakayapos parin ang braso nito sa katawan ko. "Saan?" Tanong ko. "Somewhere where nobody knows" anito at ngumiti ng maliit pero bagay parin dito. Lahat naman nababagay kay Zaldeo.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Ceo Is A Mafia Boss [COMPLETED] ALPHA ONE
Ficción GeneralWARNING MATURED CONTENT‼️ Read. [UNEDITED]