Chapter 21
YLLEZSTACY POV.
Pinipigilan ko ang luha ko habang papatungo sa dagat kung nasaan parin sila Zaldeo at Deos. Nasa tent na ang dalawa, kumakain si Deos habang seryusong nakatingin si Zaldeo sa dagat, pero mukhang napansin ako ng dalawa kaya sabay ang mga itong napatingin sa gawi ko.
Ngumiti ako sa kanila pero seryuso lamang na nakatingin ang dalawa sa akin. Magkamukha talaga ang dalawa.
"What took you so long?" tanong ni Zaldeo.
"Natagalan kasi ang pagdating ng driver ni Kendall," sagot ko.
"Mom, I want to swim again,"
"No Deos" wika ni Zaldeo kay Deos na ikinalungkot ng reaksyon ng bata.
"Tama na muna baby okay, magagabi na," usal ko na ikinatango na lang ni Deos.
--
Nakaupo ako ngayon dito sa gilid ng dalampasigan, nakatulog na si Deos at Zaldeo pero gusto kong maupo rito, para kumalma ako.
Kanina pa ako binabagabag ng isipan ko. Malalim ang iniisip sa naging engkwentro namin ng totoo kong nanay kanina.
Naalala ko na naman ang pag-uusap namin kanina ni Mrs. Anastasia. Napakagat ako ng labi para pigilan ang luha ko. Napapikit ako para damhin ang bawat maririnig na alon, mga hangin at ingay sa unahan.
Pinakalma ko ang sarili ko. Nagsisisi ba ako sa sinabi ko kanina? Yan ang tanong na paulit-ulit na tumatatak sa isipan ko.
I wish I could have cried in my mother's arms.
Nakakapagod magpanggap pero ito na eh. Ito na ang kuwentong ibinigay sa akin. Wala akong magagawa kundi ipagpatuloy dahil gusto ko pang mabuhay.
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Zaldeo roon na nakapamulsang nakatayo sa likuran ko. Magulo ang buhok nito pero hindi iyon dahilan para hindi ko makita ang napakagwapo at lalaking lalaki nitong mukha.
"Hindi ako makatulog, bakit gising ka pa?" Tanong ko rito. Tumabi ito sa akin, umupo ito sa sarong na inilagay ko sa sand, kakasya pa naman siya.
"Likewise," tipid na sagot nito. Namayani ang katahimikan.
"Magulo parin ba ang organisasyon niyo?" pag open up ko sa topic dahil wala na akong napapansin na may panganib na nangyayari sa kanya.
"Yeah, kaya sinusulit ko na," anito na hindi ko rin maintindihan.
Napatingin ako sa kanya, "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko pa.
He smirked then shrugged, "Nevermind Yllezstacy," malamig na wika nito.
Kahit gustuhin ko man na itanong ay mukhang hindi ko magawa dahil naging seryuso ang awra nito.
"It's been years when I bestow my rank," anito.
"Bakit?"
Hindi ito sumagot at nakatingin lang sa malayo. Hindi ko talaga maintindihan ang ugaling meron itong si Zaldeo minsan.
"I'm sorry," he said randomly. Napakunot ang noo ko dahil sa iniulat nito. "I'm sorry for everything I've done in the past. But I'm not sorry for loving you sincerely because that's the best part of my life," seryusong wika nito.
"Titigil na ba ako Yllezstacy? Gusto mo na bang tigilan ko na ang pangungulit ko sayo?" anito na ikinabigla ko.
Hindi ko alam ang isasagot. Natatakot ako sa magiging sagot ko. Alam kong nagugustuhan ko ang presenya nito.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Ceo Is A Mafia Boss [COMPLETED] ALPHA ONE
Ficción GeneralWARNING MATURED CONTENT‼️ Read. [UNEDITED]