Chapter 7
YLLEZSTACY POV.
Mahirap maging mahirap. Wala nga akong maalala kung anong ginawa ko noong five years old ako, kahit pilitin kong maka-alala ay wala talagang pumapasok sa utak ko.
Napaka-swerte ng ibang mga bata. Mayaman at may mga magulang. Ang iba naman ay may magulang nga pero malayo naman ang loob, pero lucky them dahil kilala parin nila ang mga magulang nila at nakikita ang mukha ng mga ito.
Sa kabilang banda naman ay kung mayaman ka iyong iba ay kulang sa atensyon ng mga magulang, pero mayaman.
Kung mahirap mas pipiliin ang yumaman. Kapag mayaman mas pipiliin pang maging mahirap. Alam mo kung bakit? Dahil nakakapagod maging mahirap. Alam mo kung bakit? Dahil gusto ng mga mayayaman ang kalinga ng isang magulang na hindi nila naibigay sa mga ito.
Hindi ko sa nilalahat. Pero buti pa sila. Nakikilala, nakikita ang mga sariling kadugo. Paano naman ako? Siguro kung aabot man sa punto na mawawala ako sa mundo ay hindi ko parin siguro nakikilala ang mga ito.
Yung hinang-hina ka na pero sa nabasa ko sa Bible, "GOD IS WITH US AND HE IS OUR STRENGTH."
But so many what if's on my mind.
What if I don't get the life I want?
What if I don't become successful in the future?
Palagi akong nakangiti pero panakip ko lang iyon sa nakakapagod na mundo. Sa napapagod kong katawan, physically and emotionally.
Naglalakad ako ngayon sa gilid ng daan, hapon na at nagsihulugan ang mga layang dahon at mga bagong silang na bulaklak sa madaraanan ko.
Nakapamulsa akong naglakad at inayos pa ang salamin na soot ko, hindi na mainit ang sinag ng araw dahil sa maghahapon na. Napatingin ako sa nagtataasang street lights at buildings, mga billboard. Napadaan ako sa waiting shed, ayokong sumakay ngayon dahil nakaramdam ako ng kalma sa katawan ko.
Maraming dumadaan na mga kotse, motor, trysickle, jeepney, bike at iba pa. Pero nasa gilid lang ako, may naglakad sa unahan sa akin.
"Gágo ka Jeroff!"
"Mas gaga ka Khloe! Sabi sayo na may boyfie na yun pinatulan mo pa HAHAHAHAHHA—accckkk!"
"Shut up!"
"WAHAHAHAHAHA!"
Tipid akong napangiti nang ang ingay ng dalawang iyon, mas matanda siguro sila sa akin, nakita ko pa ang pagpasok nila sa isang flowershops.
Some of us never found time to be happy because we were too busy trying to be strong.
I'm not living life anymore. I'm simply waiting for each day to pass and just trying to make it tomorrow.
Papaliko na sana ako nang may nakita akong babae na kaharap ang isang ale, mukhang pinagalitan nito ang isang... nanlilimos na ale.
Nakasoot ito ng pang-donya style na damit, nakashades at napaka-pula ng labi nito. Mataas na takong at mga alahas na nasa katawan. Mayaman.
Magpapatuloy na sana ako pero nakita ko na hinawakan ng mga bodyguard nito ang mamang ale kaya kahit ayokong madamay ay hindi ko naman hahayaan na bugbugin nila si manong.
"Huy!" Malakas kong sigaw sa kanila, na ikinalingon ng mga ito sa akin. Napalingon din ang babae pero hindi ko maaninag ang mga mata dahil naka-shades nga ito.
"Paki-elamira!" usal ng babae. Pati boses nito ay nasa tonong mayaman.
"Anong gagawin niyo kay Manong?' matapang kong wika. "Bitawan niyo siya." Seryuso kong wika dahil nakikita ko na butot balat na sa manong at nakikilala ko ito sa mukha dahil minsan ay binibigyan ko ito ng mga sentimos na meron ako. Nasa gilid lang sa kalye ito nakatira.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Ceo Is A Mafia Boss [COMPLETED] ALPHA ONE
Ficção GeralWARNING MATURED CONTENT‼️ Read. [UNEDITED]