chapter 5.2

2.5K 68 1
                                    

late na akong pumasok ngayon dahil umiyak muna ako ng umiyak, pero syempre hindi ko yun ginawa sa bahay ni ma'am jannet, kasi kahit naman umiyak ako hindi naman ako nun paniniwalaan. isang napakalaking sinungaling ang tingin nun sakin. sa park ako umiyak. wala namang tao dun kapag maaga eh, dahil lahat ng estudyante nasa school.

"pain/?? san ka ba nanggaling?! alam mo bang kanina ka pa hinahanap ng guidance??"-sabi sakin ni apple na naka abang sa loob ng gate.

hindi ako umimik, nag lakad lang ako papuntang guidance. lahat ng estudyante naka tingin sakin. nakasunod naman sakin si apple. nang makita kami nila hazel, eden at roselyn lumapit sila samin, pero hindi nag sasalita. nakasunod lang sila samin ni apple. para ko tuloy silang mga alalay.

............................................

nang makarating ako sa guidance office hindi na ako nag abala pang kumatok, pumasok nalang ako. nakasunod parin sila apple sakin hanggang sa loob ng office.

"mabuti naman at dumating ka na."- hindi ko sya pinansin. umupo lang ako sa harap ng table nya.

"totoo bang ikaw ang naiwan sa classroom nyo kahapon?"-tanong sakin ng head ng guidance. tiningnan ko muna yung name na nakalagay sa table nya bago ako nagsalita.

"yes. ma'am latag."-sagot ko sa kanya.

"so ikaw din ang may kasalanan kung bakit basag-basag ang salamin ng classroom nyo?!"- so yun pala? yun pala ang dahilan kung bat ako pinapatawag.

"hindi po."-sagot ko.

"ang sabi mo kanina, ikaw ang naiwan sa classroom nyo?? tapos ngayon itinatanggi mo na ikaw ang may kasalanan kung bakit basag-basag ang salamin ng room nyo?!"

"yes ma'am inaamin ko po na ako ang naiwan sa room na yun dahil nag linis po ako, pero hindi po ako ang may kasalanan sa nangyari sa room namin."-sagot ko sa kanya.

"so.. sinasabi mong ako ang nag sisinungaling at ikaw ang nag sasabi ng totoo."-my god!! guidance ba sya??! ang kitid ng utak nya! sarap patayin.!

"kayo po ba ma'am gagawa kayo ng isang bagay na makakasira sa inyo kung alam nilang lahat na nandun ka?!"-napataas na yung boses ko. natahimik naman sya at mukhang nag isip. "kayo po ang guidance, kaya dapat po hindi nyo pinagbibintangan ang mga eatudyante."

"MY NAME IS PAIN!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon