PAIN’S POV
Week end na naman. At wala na naman si maam jannet.
“bakit hindi ka sasama?”-napalingon ako kay hazel.
“sinong hindi sasama?”-tanong ko.
“si apple.”-sagot ni eden.
“bakit?”-tanong ko kay apple.
“tinatamad ako.”-sagot nya sakin.
“ano ka ba! Sayang yung pagkakataon na makapunta tayo sa birthday ni jobert no?”-sabi ko.
“basta ayoko.”-pilit na pagtanggi nya.
“bahala ka nga kung ayaw mo.”-sabi ko.
“tara na.”-yaya ni eden. Nauna na rin syang lumabas.
Nalulungkot ako para sa kanya, dahil simula ng umalis si jummel hindi ko na sya nakita pang ngumiti. Lagi lang syang tahimik o di kaya naman lagging subsob sa pag aaral.
Pagkarating namin sa bahay ng may birthday , sinalubong nya agad kami.
“buti nakarating kayo.”-kaibigan sya ni jonjon. Hindi ko nga pala nasabi kay jonjon na pupunta kami.
“oo kasi wala si maam jannet.”-sagot ni hazel.
‘happy birthday nga pala.”-sabi ko. Niyaya nya kami sa bacant na table at pinaupo dun.
“andun nga pala yung mga pag kain. Self service na lang ha.”-sabi nya.
“sige lang.”-sagot ko.
“o sige maiwan ko muna kayo. Enjoy the party ha.”-sabi nya bago sya tuluyang umalis.
“hazel! Dahan-dahan nga sa pagkain!”-saway sa kanya ni Roselyn.
Pano ba naman kasi , parang ngayon lang sya nakatikim ng masarap na pag kain.
“ ano ka ba! Ngayon na lang ulit ‘to naulit no! puro tayo gulay.”- sabi ni hazel na punong-puno ang bibig. Puro nga naman gulay ang kinakain namin kila maam jannet. Purgang-purga na nga ako eh. Pero minsan nag kakarne naman kami, kaso minsan lang yun. Mas madalas gulay at isda.
“mababali na yang leeg mo.”-sabi sakin ni hazel. Akala ko sa pag kain lang sya nakatingin.
“tse.kumain ka na lang dyan.”-saway ko sa kanya. Kanina pa kasi ako may hinahanap. Kaso hindi ko Makita.
“si jemar oh!”-turo ni Roselyn sa may entrance. Kaya lumingon agad ako. Akala ko kasama si jonjon. Di naman pala. Si Jason lang ang kasama.
Kinawayan ito ni hazel kaya lumapit agad samin.
“hello! Girls.”-kiniss nya naman sa face si hazel.
“mga PDA kayo.”-sabi ni Roselyn.
“halikan mo nga rin ‘pre.”-sabi ni jemar kay Jason. Namula naman bigla si Roselyn. Si Jason naman nakangiti lang.
“nasaan nga pala si jonjon?”-biglang tanong ni eden. Ako dapat ang mag tatanong nun eh. Kaso naunahan ako.
“ha? Bakit? Wala ba dito? Nauna saming umalis yun ah.”-kakamot kamot na sabi ni jemar saka lumingon lingon sa paligid nya. Kaya lahat kami lumingon-lingon din at baka sakaling Makita namin. Kaso wala eh.
Natapos ang party na walang jonjon na dumating. Iniisip ko na baka mag kasama sila ni jenifer , kaso bigla ko naman itong nakita habang umiinom ng juice. Mali pala ang hinala ko.
Kung ganun? Nasaan ang boyfriend ko?
BINABASA MO ANG
"MY NAME IS PAIN!"
Teen FictionPaano kung yung mga taong mahal mo eh di ka pinaniniwalaan? at ang tingin sayo ay isang sinungaling? at ang pinakamalupit pa ipinatapon ka sa GALALAN?? WHAT THE HELL!!! mamatay na yata ako bago dun makarating!! at higit sa lahat sa dinamirami ng pan...