chapter-9 over the window

2.1K 55 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

"ba't ba di ka mapakali jan?"-iritadong tanong ni jason.

"tsss! bakit ba?! wag ka ngang magulo jan!"-sagot ni jon-jon.

kanina nya pa kasi hinahanap si pain pero di nya makita. pumunta na rin sya sa bahay nila maam jannet pero nakasarado naman at mukhang walang tao.

nag lalakad sya ngayon sa corridor ng may marinig syang usapan.

"kawawa naman si pain."-malungkot na sabi ni eden.

"kaya nga! di pa yun nag breakfast."-sabi naman ni apple.

"at tanghali na."

lalapit sana si jon-jon kila apple ng-

"kung makakapasok lang sana tayo sa bahay ng walang susi eh di sana mabibigyan natin sya ng pagkain."

tumakbo agad sya at pumunta ng canteen.

"oh? pare san mo dadalhin yang pagkain bakit ang dami naman ata?"-tanong ni melvin pero di nya pinansin at umalis agad sya.

pagdating nya sa bahay ni maam jannet umikot agad sya sa likod ng bahay at nag hanap ng bintanang pwedeng pasukan.

si PAIN naman nakatulala lang sa isang tabi. wala ng luhang lumabas sa kanya kahit gusto gusto nyang umiyak. kanina pa syang umaga umiiyak.  pakiramdam nya mas malaki na yung mata nya sa pisngi nya dahil sa pamumugto.

may narinig syang mga kaluskos kaya tumayo agad sya sa pag kakaupo nya. iniisip nyang daga yun. at dahil nga walang ilaw di nya makikita.  maya-maya lang nasilaw sya sa liwanag kaya agad nyang tinakpan ang mata nya.

"pain?"-nag aalalang boses ni jonjon.

"si-sino ka?"nakatakip parin sya sa mata nya.

"hey! "-dahan dahang inalis ni jonjon ang kamay ni pain. pero nakapikit naman si pain.

"look at me? its me jon jon."- dahan-dahan naman nyang iminulat ang mata nya.

"jo-jon-jon? a-anong ginagawa mo dito?"-nag tatakang tanong ni amy.

instead of answering her question lumapit sya sa bintana para bukasan at nag liwanag ang buong bodega.

"kumain ka na."-inilapag ni jonjon ang pagkain sa harapan ni pain. pero nanatili itong nakatayo.

"bakit?"-tanong ni pain.

"bakit?"-kunot noong tanong ni jonjon.

"bakit ka pumunta dito? at pano ka nakapasok?"-tanong ni pain.

"dahil ayaw ko ng may isang taong nagugutom.. kaya kumain ka na."-agad namang umupo sa sahig si pain at inumpisahan nya ng kumain.

"pano ka nakapasok?"-tanong ni pain.

"tsss. wag mo ng itanong. ang mahalaga nakapasok ako. kaya kumain ka na lang dyan."-tuloy-tuloy lang ang subo ni pain. nakatitig lang naman sa kanya si jon-jon.

"bakit ka ikinulong dito?"-napatigil naman sa pag subo si pain.

"sumabog yung electric stove. pinag luluto kasi ako ni maam jannet pero di naman ako marunong mag luto eh."-malungkot na sabi ni pain.

naikuyom naman ni jon-jon ang kamay nya. naisip nyang sobra naman ang ginagawa kay pain. gusto nya itong yakapin pero pinipigilan nya lang ang sarili nya. nakakaramdam sya ng awa para dito.

"bakit ang bait mo sakin?"-tanong ni pain pag katapos ng mahabang katahimikan.

"ewan."-naguguluhang sagot ni jon-jon. kahit sya sa sarili nya di nya alam kung bakit nga ba sya mabait kay pain.






"MY NAME IS PAIN!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon