This is NOT the End

3.7K 60 7
                                    

SMILEY'S POV

 

"HAPPY BIRTHDAY SMILEY!"

Yan agad ang bumungad sakin pag pasok ko ng bahay. Unti-unting naglandas ang mga luha sa mukha ko. Lahat sila nandito. Lahat ng taong naging parte ng pagkatao ko. 

Ang Saya-Saya. Patuloy lang ako sa pag iyak. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, ang saying nararamdaman ko. Ito yung gusto ko. Ito yung gustong gusto kong maranasan kapag nag bibirthday ako. And now! Here I am.


Isa-isa nila akong binati, at nag bigay ng regalo sakin, at ang pinakahuli ang dalawang taong naging dahilan kung bakit ako nun nasaktan ng sobra-sobra.

“Pain ay smiley pala. Happy birthday.”-may iniabot sya saking manipis na box. Hindi ko alam kung anong laman nun dahil nakabalot.”I wish you all the best.”-saka nya ko niyakap.

“thanks apple.”-at gumanti din ako ng yakap sa kanya.

“smiley. Ang ganda na ng pangalan mo ngayon ah.”-sabi sakin ni jon-jon na nakangiti at gumanti din ako ng ngiti sa kanya. “smiley.”-mukhang tuwang tuwa syang bigkasin ang pangalan ko ah, kaya natawa na lang ako. “happy birthday. At sorry din sa lahat ng kasalanan ko sayo.”-sincere nyang sabi.

“ok lang. you know part yun ng teenage life natin. At isa pa, past is past”-saka ko lang napansin na may batang titig na titig sakin.

“Anak nga pala namin. si Aljay.”-lumapit sakin yung bata.

“happy birthday po.Lagi ko po kayong nakikita.”-napakunot naman ang nuo ko. Ngayon ko nga lang sya nakita eh. “lagi po kasi ni mama tinitingnan yung album nyo. Dun ko po kayo  nakikita. Maganda po kayo dun, pero mas maganda po kayo ngayon at sexy pa.”

“bolero ka ha. Kanino ka nag mana? “

“kay papa po.”-lahat kami nag tawanan. Well,  nakikinig pala sila sa usapan namin. Pasaway na bata to. Siguro 9 years old na tong batang to. Oh well its been 10 years, kaya malamang 9 years old na to.

Pag katapos kong makipag usap sa kanilang lahat, sa mga kaibigan  hazel, eden at roselyn, umakyat ako sa terrace. Hanggang dito naririnig ko pa din ang ingay sa baba. Masaya ako sobra. At hindi ko alam kung saan ilalagay ang sayang nararamdaman ko.. pero sa kabila ng kasayahang yun, pakiramdam ko may kulang pa  din. Saka ko lang napansin na hawak-hawak ko pa din pala yung gift na ibinigay sakin ni apple. Dahan-dahan ko yun binuksan at tumambad sakin ang isang album. Album namin, nung high school pa kami, nung mag kakasama pa kami sa bahay ni maam jannet. Napangiti ako. Siguro nasakatan din sya nung nasaktan nila ko. Sabagay , wala naman ako magagawa nun eh. Mahal nila ang isat isa  at isa pa , mag kakababy na sila. Masarap isipin na, hanggang ngayon sila pa din, kahit bata pa lang nag karon na sila ng anak.

“birthday girl.”

“anong ginagawa mo dito?”-taas kilay kong tanong.

“oh well.”-tumabi sya sakin. “ganyan mo ba kausapin ang boss mo? Hindi ba dapat mag thank ka sakin dahil pumunta ako sa birthday mo?”-inirapan ko sya.

“hindi ka invited.”

“I didn’t know na may ganyan ka palang ugali ha.”-sabay smirk. “kapag nasa office ka para kang babasaging cristal. Mabuti na lang pala at pumunta ako dito, nalaman ko ang other side ng secretary ko.”-sabi nya habang  nakangiti ng nakakaloko.

Ang lalaking to sarap sapakin. Matagal na akong may gusto sa kanya, pero tahimik lang ako, dahil boss ko sya. Ngayon alam ko na kung ano ang Kulang kung bakit sa kabila ng kasayahan ko, may kulang pa din.

Yun ay ang BOSS ko.

"MY NAME IS PAIN!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon