PAIN'S POV
"waaaahhh. male-late na ko.!"-bumangon agad ako para maligo. 12:30 pm na and I have 30 minutes to prepare. 1 pm ang class ko. pagkatapos ko maligo magbihis at mag suklay gora na agad ako.
nakalabas na ako ng gate ng maalala ko na wala pa nga pala akong bangon. bumalik ako sa kwarto ko para hanapin yung baon ko.
hanap
hanap
bat wala?? hindi ba ako iniwanan ni mommy ng baon??. nakakainis naman.! pumunta ako sa kwarto nila mommy. lahat na ata ng drawer na bukas ko eh!! pero ni singkong duling wala akong nakita. iniangat ko yung kama nila mommy, yung loob ng cabinet, pero wala pa din. haizzt. kaliligo ko lang pawis na pawis na ako. umupo muna ako sa kama at nag isip ng pwedeng gawin.
aha... alam ko na!!
hinila ko yung table at idinikit ko sa cabinet. ang talino ko talaga. umakyat ako sa table at tiningnan yung taas ng cabinet.
"ano to???"
"box???
"ang alikabok naman ng box na to!"- dahil curious ako sa laman ng box binuksan ko.
"notebook??"-ano ba naman tong mga natatangpuan ko?? ang layo sa hinahanap ko.. dahil curious ulit ako sa kung anong nakasulat sa notebook na to?? tiningnan ko.
"diary ni mommy??"- nag dadiary pala si mommy. mabasa nga.
"june 01, 1994"
"dear diary"
"yes im pregnant! and im sure matutuwa si hanz."
ano ba yan!! ang konti naman ng nakasulat sa diary ni mommy. pinagpatuloy ko lang yung pagbabasa. ay wait lang pala kung june 01, 1994 buntis si mommy ibig sabihin sakin sya buntis.
"dear diary"
"ang saya saya ko ngayon dahil nasabi ko na kay hanz na buntis ako at pati rin sya ang saya-saya nya. kaya nag shopping kami para sa second baby namin."
"dear diary"
"pupunta kami sa Gen. hospital dahil ngayon naka schedule yung ultrasound ko. medyo kinakabahan nga ako eh dahil ngayon ko malalaman kung girl or boy yung baby namin."
"dear diary,"
"hanggang ngayon hindi parin ako kinakausap ni hanz dahil hindi nya matanggap na girl ang anak namin. matagal nya nang gusto mag karon ng baby boy pero hindi ko sa kanya maibigay."
"dear diary,"
"sinubukan kong ipa abort ang baby pero hindi na daw pwede dahil malaki na ang tummy ko."
hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa table. ako yun eh!! ako yung gustong ipa abort ni mommy... at kahit nanlalabo yung mata dahil sa mga luha ipinagpatuloy ko parin yung pagbabasa.
"dear diary,"
" tuwing umuuwi si hanz lagi nalang lasing at hindi ako kinakausap. pakiramdam ko wala akong kwentang babae!"
BINABASA MO ANG
"MY NAME IS PAIN!"
Teen FictionPaano kung yung mga taong mahal mo eh di ka pinaniniwalaan? at ang tingin sayo ay isang sinungaling? at ang pinakamalupit pa ipinatapon ka sa GALALAN?? WHAT THE HELL!!! mamatay na yata ako bago dun makarating!! at higit sa lahat sa dinamirami ng pan...