PAIN’S POV
Inutusan kami ni maam jannet na puntahan yung lote nya. At bilangin daw naman yung mga kalamansing tanim dun. Kaya ito kami ngayon nag lalakad papunta dun sa lote. Kasama naming sila jonjon, jemar at Jason.
“dun nga kayo sa likurang dalawa.”-iritang sabi ni apple kay hazel at jemar. Kaya nilampasan nya ito.
“inggit ka lang.”-sabi ni hazel.
Kagabi nga pala yung Valentines Party. Hindi naman kami nakapunta dahil ayaw kaming payagan. Two months na rin pala akong hindi pinapagalitan ni maam jannet. Hindi ko alam kung bakit. Mahinahon na din sya makipag usap sakin. At saka isa pa, buti na lang at hindi nya pa nalalaman ang tungkol samin ni jonjon.
“asa ka naman!”-pansin ko lang ha. Kanina pa mainit ang ulo ng apple na to. Si eden naman tahimik lang na nakasunod samin. Si Roselyn kausap ni Jason. Naku pumapag-ibig ang bruha.
Nandito kami ngayon sa prayer mountain este Date mountain pala. Valentines ngayon pero hindi nya ko binabati. Pumasok kami sa loob ng date mountain at umakyat sa taas. Ang sarap ng simoy ng hangin. Kanya- kanya kaming pwesto habang nakasilip sa bintana.
“bakit ang tahimik mo?”-tanong ko sa boyfriend ko na walang iba kundi si jonjon.
“h-ha? Hindi ah.”-tanggi nya.
“talaga? Hindi ka tahimik? Simula ng magkasama tayo kanina hindi ka nag sasalita. Ngayon lang.”-sabi ko sa kanya.
“o-oo nga no.”-may problema kaya sya?
“may problema ka ba?”-tanong ko.
“h-ha? Wala ah.”-pero parang meron talaga eh.
“kumusta ang party kagabi?”-bigla syang natigilan. Ilang Segundo bago sya nakasagot.
May nangyari ba na hindi maganda kagabi? Kakaiba kasi ang mga kilos nya eh.
“a-ah. Pain may sasabihin ako sayo. Pero wag kang magagalit ah.”-hinawakan nya ang kamay ko. Bigla akong kinabahan at bigla ring nanlamig ang mga kamay ko, kaya hinila ko sa kanya.
“sige. Ano yun?”-hindi ako tumingin sa kanya. Mula kasi dito sa taas, tanaw na tanaw ang buong galalan.
“alam kong ayaw mo ng nagsisinungaling kaya, ayaw ko ding mag sinungaling sayo.”-lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko masasaktan ako sa sasabihin nya.
BINABASA MO ANG
"MY NAME IS PAIN!"
Teen FictionPaano kung yung mga taong mahal mo eh di ka pinaniniwalaan? at ang tingin sayo ay isang sinungaling? at ang pinakamalupit pa ipinatapon ka sa GALALAN?? WHAT THE HELL!!! mamatay na yata ako bago dun makarating!! at higit sa lahat sa dinamirami ng pan...