chapter-21

1.6K 42 0
                                    

MA'AM JANNET'S POV

MULA dito kitang kita ko ang mga ginagawa ni pain. mag katapat lang ang dalawang school. school ng Elementary at high school.

alam ko lahat ng kilos nya dahil sinabi sakin ng ama nya na bantayan ko ang anak nya, pero hindi lang pagbabantay ang ginawa ko sa kanya ng malaman kong apo sya ni MAXIMO DELA CRUZ.

ang lalaking una kong minahal.

ang lalaking nagpasaya sakin.

at ang lalaking unang naging kabiguan ko.

Ang sabi nya nun babalik sya at babalikan nya ako. Ang oras naging araw. Ang araw naging linggo. Ang linggo naging buwan at ang buwan naging taon at ang taon naging decada.

Dahil sa kakahintay ko sa kanya tumanda akong dalaga. Umasa ako nun na isang araw darating sya, pero sa araw na yun walang Maximo ang nagpakita o nagparamdam manlang sakin.

At ngayon malalaman ko na meron na pala syang apo....

Masakit.

Sobrang sakit, kasi ako naghihintay pala sa wala at siya naman nandun at nag papakasaya kasama ang pamilya nya!

Pero ang pinakamasakit sa lahat, ang isipin na yun na pala ang huli naming pag kikita ng maghiwalay kami.

ok lang sana eh! masakit lang na may mahal na syang iba! pero mas masakit malaman na ang taong mahal mo hinding hindi mo na makikita pa kahit kelan.

"maam."-tawag sakin ni marlon . co teacher ko. you know isa syang gay.

"what?"-iritado kong tanong.

"nag dedaydream ka na naman!"-sabi nya sakin.

"may binabantayan lang ako."-lumapit sya sa tabi ko at sumilip sa bintana para makita ang nakikita ko.

"si pain. mukhang ang sweet nila ni jon-jon ah."-sabi nya. "ano na namang plano? ano na namang parusa ang gagawin mo? baka naman kapag pinatulog mo yan sa basement, lumabas yan at pumunta kay jon-jon. mabuntis pa yan ng wala sa oras."- sinamaan ko sya ng tingin.

"hindi nya yun magagawa."-depensa ko, kahit alam ko naman na posibleng mangyari.

Minsan kasi sa sobrang strict natin sa mga kabataan nagiging rebelde sila.

"hindi mo alam kung ano ang takbo ng utak nya. lalo na ngayon na halos wala syang matakbuhan."

"tumunog na ang bell may klase ka na."-sabi ko sa kanya.

sinundan ko na lang g tingin si marlon habang palabas ng office ko.at napaisip ako sa sinabi nya.

Parusa?

siguro .. tama na... naranasan ko rin ang masaktan at mawalay sa taong mahal.

at sobrang sakit nun. Masyado pang bata si pain para marnasan ng bagay na yun.. kahit na lagi syang nasasaktan at umiiyak iba parin yung sakit kapag naghiwalay kayo ng taong mahal mo.

"MY NAME IS PAIN!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon