PAIN
"apple? anong problema mo? bakit ka nakasimangot?"-simula kasi kahapon nakasimangot na sya eh.
"naiinis kasi ako sa melvin na yun eh."-apple.
"yung prince charming mo?"-tanong ko.
"duh? anong prince charming? baka frog prince."-sabay taas ng kilay.
"eh kung sya si frog prince ikaw naman yung princess nya.tas hahalikan mo sya at magiging tao na ulit sya."-sinamaan nya ko ng tingin.
lumapit naman samin si eden at hazel. nakasimangot si hazel.
ano na naman kaya ang problema ng babaeng to?
si eden naman tahimik.
"si roselyn oh?"-turo ko sa kanila. papalapit samin habang nakangiti.
"anong nginingiti ngiti mo dyan ha?"-tanong ni apple. parang ang maldita nya mag tanong.
"bakit? masama na bang ngumiti? mga nakasimangot kasi kayo eh. oo nga pala hazel yung jemar mo nakita ko dun sa gym nakikipaglandian sa mga player ng balleyball."-sabi ni roselyn na lalo namang ikinasimangot ni hazel.
"uh.hu. kaya naman pala nakasimangot."-sabi ko.
"pain?"-napalingon kaming lahat sa tumawag sakin.
"jon-jon?"-sabay-sabay naming sabi. tumingin sila sakin at tinaasan ako ng kilay.
"tara."-bigla nyang hinawakan ang wrist ko.
"huh? saan?"-papalit palit ang tingin ko sa kanya pati sa mga kasama ko.
"dun sa sinasabi ko sayo."-sabi nya.
"eh pero may klase pa tayo."-tanggi ko.
"may meeting daw at mamaya pa yun matatapos. tara na."-hihilahin nya na sana ako.
"kayo ha..."-pang asar ni roselyn.
"i forgot. hiramin ko muna si pain sa inyo ha."-tapos ayon tumakbo na kami.
sa kabilang sulok ng mata ko nakita ko si airene na nakatingin samin.
"napapagod na ko."-hinila ko yung kamay ko kay jonjon.
"pahinga muna tayo."-tumigil muna kami. saka ko lang na pansin na pataas pala yung nilalakad namin. at sa taas ng bundok merong isang maliit na kubo, bahay, whatever basta para kasing syang bahay. o baka naman chapel yun na gawa lang sa kahoy. ang bobo ko. prayer mountain nga pala ang pupuntahan namin. syempre bundok talaga yun.
"tara na."-yaya nya sakin.
"napapagod pa ko."-napapagod talaga ko. bawal ako mapagod ng todo kasi meron akong asthma at ngayon nga naninikip na yung dibdib ko.
lumuhod si jonjon sa harapan ko pero nakatalikod sya sakin.
"sakay."-tinuro nya likod nya.
"huh? pe-pero kasi."-shit isipin ko palang na baba ako sa likod nya parang nag iinit na katawan ko. ewan. nahihiya ako. pakiramdam ko rin namumula na yung mukha ko.
BINABASA MO ANG
"MY NAME IS PAIN!"
Novela JuvenilPaano kung yung mga taong mahal mo eh di ka pinaniniwalaan? at ang tingin sayo ay isang sinungaling? at ang pinakamalupit pa ipinatapon ka sa GALALAN?? WHAT THE HELL!!! mamatay na yata ako bago dun makarating!! at higit sa lahat sa dinamirami ng pan...