"EH DI LILIGAWAN KITA!"
PAIN'S POV
tatalikod na sana ako ng marinig kong sumigaw sya.
humarap ako sa kanya at tiningnan sya ng masama.
"ayoko."-sabay iwas ng tingin sa kanya.
"you like it or not ako parin ang masusunod"-aba't.
"bahala ka sa buhay mo!"-umalis na ako at pumunta sa room.
pero bago ko makarating sa room may nakaagaw ng atensyon ko.
nakita ko si eden at- at sino nga ba yun? nakatalikod yung lalaki eh. kaya lumapit ako sa kanila
.
"jummel naman! maawa ka naman sakin!"-paiyak na si eden.
jummel pala pangalan nya.
"mahal kita please pumayag ka na. ok lang naman sakin kahit secret relationship eh...."-sabi nung jummel. naintriga ako bigla kaya lumapit pa ako at nag tago ng todo para di makita.
"anong magagawa ng pag mamahal mo? kaya ba akong pag aralin ng pag mamahal mo?"-tumataas na yung boses ni eden. medyo nagagalit na rin sya.
"mag tatrabaho ako para makapag aral ka."
seryoso ba sila sa usapan nila?eh pang matanda na mga usapan nila eh. 4rth year high school lang kami tas ganun usapan nila.
"naririnig mo ba yang sinasabi mo?! kahit kelan hindi kita tatanggapin! at kahit anong gawin mo hinding hindi kita mamahalin dahil ayaw kong masira ang tiwala sakin ni maam jannet !"-nag tatakbo bigla si eden. palihim naman akong sumunod sa kanya.
natagpuan ko sya sa likod ng puno na umiiyak. nakayakap sya sa dalawa nyang tuhod. lumapit ako sa kanya at binigyan sya ng tubig. yun lang kasi ang kaya kong ioffer sa kanya. ayoko namang ibigay yung panyo at baka singahan nya lang. dun na lang sya sa palda nya mag punas.
"pain"-tumingin sya sakin at agad nag punas ng sipon sa palda nya.
"tanggapin mo na yung tubig para naman may maiiyak ka pa. "-tumawa naman sya bigla tas kinuha nya yung tubig.
"mahal mo naman , pero pinapahirapan mo sarili mo."-umupo ako sa tabi nya.
"di naman ganun kadali yun. bago ko pumunta dito nakipag deal ako kay maam jannet na bawal ako mag boyfriend kapalit ng pag papaaral nya sakin. hindi kami mayaman katulad nyo. simula ng umalis si mama at sumama sa ibang lalaki hindi na nakakapag trabaho ng maayos si papa kaya hindi nya na ko nagawang pag aralin. pinili ko to kahit ayaw ni papa na umalis ako. kaya kahit mahal ko si jummel kailangan kong pigilan ang sarili ko. kung kami talaga para sa isa't isa kahit anong gawin kong pag tatabuyan sa kanya darating parin yung time na magiging kami."-eden.
BINABASA MO ANG
"MY NAME IS PAIN!"
Teen FictionPaano kung yung mga taong mahal mo eh di ka pinaniniwalaan? at ang tingin sayo ay isang sinungaling? at ang pinakamalupit pa ipinatapon ka sa GALALAN?? WHAT THE HELL!!! mamatay na yata ako bago dun makarating!! at higit sa lahat sa dinamirami ng pan...