chapter-22

1.7K 38 2
                                    

PAIN’S POV       

 

 

 

Its been what?  Two months? . I think.  Tumingin ako sa calendar na nakasabit sa tabi ng kama ko. Two months na nga! Nanatali lang akong nakatingin sa calendar habang inaalala ko ang mga pangyayari.

“pain aalis na kami ha.”-sabi sakin ni apple. Sabay sakay sa van.

 

“ok. Sige, ingat kayo.”-nag wave ako sa kanila habang paplayo ang sasakyan. Nasa likuran ko nga pala si jonjon. Dumating kanina ang parents nya para sunduin sya.

“ayoko sanang iwan ka ditto hanggat hindi dumadating ang sundo mo eh.”-sabi nya sakin na may pag aalala.

“ ok lang ako dito.”-sabi ko sa kanya ng nakangiti. Ayoko kasing ipakita na nalulungkot ako.

 

 

Nalulungkot ako dahil mag isa na lang ako dito sa bahay. Kahit si maam jannet umalis na rin para mag christmass sa Manila.

 

 

“sure ka ba?”-tanong nya.

“oo nga. Dadating din naman yun sila.”-sabi ko.

may humintong sasakyan sa harap namin. Bumukas ang bintana nun at sumilip ang mama ni jonjon.”anak, tara na.”-sigaw ng mama nya.

“ikaw iha. Gusto mo bang sumabay ka na samin sa pag luwas?”-yaya ng mama nya sakin.

“hindi nap o. hihintayin ko na lang po ang parents ko.”-sabi ko ng nakangiti.

“o sige. Hihiramin ko muna ang anak ko sayo ha.”-sabi sakin ng mama nya. Pinakilala ako ni jonjon kahapon sa parents nya at ok naman ang pagtanggap nila sakin.

“sige po tita.”-tita daw kasi ang itawag ko sa kanya.

“Advance Merry Christmas.”-bulong sakin ni jonjon.

“Advance Merry Christmas din. Sige na. hinihintay ka na nila oh.”-pakiramdam ko namula ang buong mukha ko sa ginawa nyang pag halik sa noo ko.

 

Bago sya sumakay ngumiti muna sya sakin at saka nag wave ng kamay. Nakatingin lang ako sa sasakyan na papalayo.

 

 

 

I feel empty.

 

 

Alam ko.

 

 

 

 

Alam kong hindi nila ako susunduin dito.

 

 

 

 

"MY NAME IS PAIN!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon