chapter-26(graduation/end)

2.3K 35 5
                                    

PAIN’S POV

 

Nanghihina akong tumayo ngayon, dahil sa nangyari kagabi. Wala namang nangyari na kung ano. Ang lungkot ko lang kasi hindi sya dumating sa party. Gusto ko pa naman sana na mag sayaw kami kasi wala pa akong first dance. Kaso wala naman sya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

“oh.”-inabutan ako ni airene ng mainit na kape. “walang lason yan. Promise.”-dahan-dahan ko naman yung kinuha sa kamay nya.

“ganyan din kami dati, hanggang sa tuluyan na kaming mag break.”-napatigil ang pag-inom ko sana ng kape.

“a-anong ibig mong sabihin?”-nalilito kong tanong sa kanya.

“alam mo ba? Simula ng maging kayo, nakita ko ang pag babago nya. Hindi na sya naging playboy.”-bigla akong nakaramdam ng PROUD GIRLFRIEND HERE. Kaso bigla yung nawala dahil sa sinabi nya.

“pero itong nangyayari ngayon sa inyo, ganito rin ang nangyari samin hanggang sa mag hiwalay na kami.”- hindi ko sya maintindihan. Anong nangyayari?

“ hindi ko maintindihan ang sinasabi mo.”-sabi ko sa kanya.

“hindi ka man mag kwento sakin, pero alam ko kung ano ang nangyayari sa relasyon nyo ngayon.”-tapos bigla syang umalis. Naalala ko na naman yung mga time na nasasaktan ako at nalulungkot dahil sa kanya.

Malapit na pala ang graduation. At hanggang ngayon hindi ko parin nakakausap ang parents ko.  Three weeks before graduation na namin. Nakaramdam na naman ako ng lungkot dahil mawawalan na naman ako ng kaibigan.

______

*GRADUATION DAY*

“hindi ba darating ang parents mo?”-tanong ni hazel. Alam kong naaawa sya ngayon sakin.

“hindi ko alam. Alam naman nila na graduation ngayon eh.”-nangingilid na rin yung luha ko.

Simula nung gabing yun, hindi na kami nakakapag usap ng maayos ni jonjon. Bihira narin kaming mag kasama. Nakakaramdam ako ng panlalamig sa kanya tuwing mag kasama kami. At mukhang ayaw nya rin ako kausapin. Minsan tinatanong ko sya kung may problema ba, pero ang lagi nya lang sagot sakin ‘wala’. Kaya minsan ako na lang ang lumalayo. Ngayon ngang araw ng graduation namin, hindi pa kami nakakapag usap kung ano na ang mangyayari sa relasyon namin. Bigla kong naalala yung sinabi ni airene.

"MY NAME IS PAIN!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon