CHAPTER 63

1.5K 89 4
                                    

H E R A





I stared at the ceiling, sleep evading me. I am aware that only a wall separates me from the man who has occupied my mind for the past months. I never thought he'd chase me after everything that happened let alone follow me here in the province. I knew Damon probably gave him my town's name but he doesn't know my specific address here.

Nabanggit ni Tatay sa akin na nakita niya si Enteng sa may bayan noong bumili siya ng uling na pang-ihaw namin. I don't know how much Enteng loves his car but to have sacks of charcoal and dried fish in there in this hot weather probably left his car with a very interesting smell. It's a small inconvenience compared to whatever he did to me.

I sighed.

I have fallen in love with you harder than I cared to admit.

I placed my hand over my chest. My heart thumped the familiar beat when Enteng was around. Turns out, love grows fast in your heart but takes its time to go away. Especially now that I am hearing the words out of his mouth...words I wanted to hear when I told him I love him.

I went out of my room with the intention to get water but my feet led me to the living room to watch TV. The television was muted and I let my mind drift away until I felt someone sit beside me.

"Nay." Sumandal ako sa balikat nito.

"Dalaga na ang anak ko ah." Hindi ko na kailangan lingunin ito para makitang nakangiti ito.

"Wala na sa kalendaryo ang edad ko, Nay." Sabi ko habang pinipigil ang tawa ko. "Matandang dalaga na ako. Ako na nga ang napapagod sa kakatanong nila tita kung kailan ako ikakasal."

Tumawa ito ng mahina. "Alam ko, anak. Alam mo ba na napakasaya ko noong una kong makita si Enteng? Kahit ba hindi mo pa sobyo noon. Naisip ko na hindi ka naman talaga umiiwas sa mga nanliligaw sa iyo. Namimili ka lang siguro. Alam mo ba kung bakit lagi kitang kinukulit kung may nobyo ka na?"

"Bakit nga ba Nay? Gusto mo na ba ng apo?"

Umiling ito at pinisil ang balikat ko. "Ayokong tumanda ka mag-isa, anak. Alam ko na kaya mo naman. Hindi ka naman mahinang babae. Alam namin na marami sa mga manliligaw mo ang nagdadalawang-isip na lapitan ka." Bumuntong-hininga ito. "Medyo natatakot ako anak. Na baka kaya hindi ka nakikipag-relasyon ay dahil sa mga nangyari sa atin noon sa mga kamay ng ama mo. Sinubukan kitang protektahan noon, anak. Ayokong mawala ang paniniwala mo sa pag-ibig dahil sa nangyari sa amin ng ama mo. Na hindi ka matutong magmahal dahil sa nangyari sa atin noon." Pinisil nito uli ang balikat ko. "Gusto ko para sa iyo anak na maranasan mo kung gaano kasarap magmahal at mahalin. Na mahanap mo ang taong magmamahal sa iyo at mamahalin mo."

"Nahanap ko naman siya, Nay. Masaya. Masaya pala ang ma-in love." Bumuntong hininga ako. "Pero akala ko...nahanap ko na siya. Akala ko siya na ang hinahanap ko. Ang unang pag-aalayan ng puso ko. Masakit 'Nay noong sabihin niya sa akin na hindi niya ako mahal at hindi niya ako mamahalin. Bakit ganoon? Paanong nararamdaman mong mahal ka niya pero hindi iyon ang sinasabi niya? Ayoko ng sumugal ulit. Ayoko ng sumugal sa kanya."

"Pero mahal mo pa rin siya?"

Hindi ako kumibo kaya hinaplos nito ang buhok ko.

"Noong sumubok ako sa Tatay Ferdie mo, natakot din ako lalo na at kasama kita. Paano kung mabait lang siya sa umpisa? Paano kung saktan niya rin ako pagkalipas ng ilang taon? Puro salita lang ang hawak ko noon, Heraclea. Mga pangako niya na hindi niya gagawin sa akin ang ginawa sa akin ng ama mo. Kinuha niya ang loob natin kahit hindi madali. Naghirap siya pero nakuha niya tayo. Tumibok ang puso ko sa kanya anak eh. Inalam niya kung anong magpapasaya sa atin." Nagpatuloy siyang suklayin ang buhok ko. "Hindi ko siya kayang mawala, anak. Ikaw ba, kaya mo ba siyang mawala sa buhay mo?"

Versailles Series Book 9: The Lawyer [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon