What is he thinking?! Dinadamay pa talaga ako sa problema niya?! Tinignan ko siya ng what is he doing look?
“How dare you cheat on me?! I give you everything! You can't be with that ugly girl?! You're mine!” Napanganga pa talaga ako ng sabihin niya ako na ugly girl.
“Excuse me—”
“Verity is beautiful. At isa pa hindi kita jowa. Kailan pa ako pumayag na maging sa'yo? I was never yours in the first place.” Mukhang nawalan ito ng pag asa at walang ganang napatingin sa akin.
“Sana maranasan mo rin ang sakit na naranasan ko.” Pagkatapos niya sabihin iyun ay umalis na siya.
“Kailangan ko na ba magsuot ng evil eye?” walang gana kong tanong kay Cedrick.
Kumunot ang kanyang noo halatang hindi niya maintindihan ang ibig ko sabihin. I rolled my eyes at him. Puro nalang talaga problema ang dala sa akin ng mga anak ni demo—charot. Bad iyan.
Umalis na ako pero sinundan niya pa rin ako dahilan para mag init ang ulo ko. Kailan niya ba ako tatantanan?
“Did you just rolled your eyes at me?” Baklang 'to. Binibigdeal pa! Pati iyan!
“No, imagination mo lang iyan.” Kulang ka siguro ng kain kaya ganyan ka kabaliw.
“Are you not scared of me?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Huminto ako sa paglalakad and I looked at him seriously dahilan para matigilan siya. Hindi ako umiwas ng tingin at nakatingin lang diretsa sa kanyang dalawang mata.
“Hindi ako lalayo sa'yo Cedrick kung hindi ako takot sa'yo. All of this people are blind. They're blind because of your beauty but I am different... I know what you're capable of.” Hindi ko na siya hinintay pang magsalita.
At naglakad na palayo. I took a glance at him at wala lang itong emosyon na nakatingin sa akin. Mukhang na offend ko yata siya.
•••
Nang matapos ako magsulat agad ako napa stretching. Gosh! Nakakapagod. Finally I can rest. Hiniga ko ang aking ulo sa desk at pinikit ang aking dalawang mata.
Mga ilang segundo ang lumipas. I open my eyes dahil may naramdaman akong nakatingin sa akin. I looked at him at agad ako napaaatras dahil sa gulat.
“What the hell?! You scared me?!” gulat kong sabi sa kanya.
Napahawak ako sa dibdib ko, parang aatakihin na ako sa puso. He just gave me a warm smile.
“Ang cute mo talaga kahit saan anggulo ko tignan,” nakangiting sabi ni Zeus sa akin.
Tumikhim ako at bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili ko. Sa tuwing nakikita ko ang bata na 'to nauubos pasensya ko eh. I'm already 20 plus and yet bata pa rin ang gumugulo sa buhay ko.
“What are you doing here, prince Zeus?” walang gana kong tanong sa kanya.
He just giggled kahit wala pa siyang sinasabi sa akin alam kong may gagawin siyang masama. Long lost son 'ata to ni Satanas.
“Baka nakakalimutan mong ikaw ang tutor ko?” nakangiti niyag ani sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at nakaramdama ako ng takot dahil sa mga titig niya.
Oh right. Wala naman kasi akong magagawa kung hindi ako pumayag. I'm sure pipilitin lang niya ako.
“Yeah right. Sa library ba tayo mag stu-study?” walang gana kong tanong sa kanya.
Ngumiti ito ng nakakaloko dahilan para makaramdam ako ng kaba. Ayaw ko talagang ngumingiti sila, may mangyayari kasing hindi maganda. Gwapo nga sila, nagdadala nga lang ng malas. Kampon sila ng kadiliman eh.
Kapag naman nagalit sila, mas nakakatakot din.
“Gusto ko sa bahay ko or should I say sa palasyo namin.” Napalunok na lamang ako ng laway dahil sa sinabi niya.
Nabingi 'ata ko.
•••
“Then you will multiply the 6...” Natigilan ako ng mapansin kong kanina pa siya nakatingin sa akin at hindi sa libro. Napabuga na lamang ako ng hangin. “Nakikinig ka ba sa akin?”
“Of course, my attention is all yours.” Pinitik ko ang ulo niya dahilan para mapahawak siya sa ulo niya at mapa 'aray'.
“Naka focus ka nga sa akin, hindi naman sa sinasabi ko. Alam mo bang nag research pa ako sa youtube para lang ma explain 'to sa'yo?!” Nakangiti lang ito sa akin at para bang wala siyang naririnig.
Hindi mo talaga ako madadaan sa pacute-cute mo, Zeus. Ewan ko nalang talaga sa'yo.
“I appreciate your effort, Verity. But it seems hindi ko pa naintindihan ang lahat ng sinasabi mo.” He just gave me a warm smile. “Mukhang hindi ka marunong magturo, Verity.”
Napatampal nalang ako ng noo.
•••
Lumabas na ako ng kwarto ni Zeus at napalingon ako sa kanya. He wave his hand habang nakangiti ng matamis. I just rolled my eyes at umalis. Napa stretching nalang ako. Ang sakit ng likod at ulo ko.
Napahinto ako sa paglalakad ng may nahagip ako sa bintana. Si Zeb na nagtrai-training. He's holding a sword habang tinutorture ang puno.
Napatingin siya sa akin dahilan para matigilan ako. He just smiled playfully. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya pero umiling lang ako.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya no choice akong pumunta doon. Nagtingin-tingin pa ako sa paligid para hindi ako makita ng tatay nila.
“Nandito ka ba dahil kay Zeus?” he asked.
I just rolled my eyes at napa cross arm nang maalala ko ang nangyari. Hindi man lang siya nakikinig sa akin. Nakatingin lang siya sa pagmumukha ko.
“Sinabi mo pa. Ayaw nga makinig ng lalaki na iyon eh. Ewan ko ba kung may nalalaman siya.” Dahan-dahan akong napalingon sa katawan niyang may 8 packs abs. Napalunok ako ng laway at umiwas ng tingin.
Ang hot naman! Woo! Need ko ng ice! I heard him chuckled dahilan para samaan ko siya ng tingin.
“Do you like the view?” he playfully asked.
“Anong view-view ka diyan?! Aalis na ako!” Akmang aalis na sana ako pero nagulat ako ng agad niya hawakan ang wrist ko.
Nandyan pa rin ang nakakaloko niyang ngiti. Namula na ako dahil sa hiya na nararamdaman ko.
“Don't go. You can look at me whenever you want, my queen.”
BINABASA MO ANG
Twist of Fate 2
Romantik(On Going) Verity Diaz ay isang babaeng nakabalik sa nobelang dati na niyang natakasan. Akala niya ay tapos na ang paghihirap niya dahil natakasan na niya ang mga baliw na lalaki na umaaligid sa kanya. Ngunit sa isang iglap nakabalik na naman siya...