“D-don't worry, It's not your fault, Verity. Actually wala lang 'to.” He gave me a warm smile pero hindi pa rin ako naniniwala. Mas worst pa ba dito ang nangyari sa kanya nuon? Nagulat na lamang ako ng hinila niya ako at niyakap. “Sobrang namiss kita, Verity. Don't ever try to leave me again. Malulungkot ako.”
Hindi nalang ako nagsalita at napabuga na lamang ng hangin. Kahit siguro mamatay pa ito ay ako pa rin ang iniisip niya.
“Diba kinamumuhian mo ako, Zeus?” He seems confused when I ask him that. “Kasi kamukha ko iyung taong sumira sa pamilya niyo?”
“N-no!” Mukhang nagpanic pa ito dahil sa tanong ko. No need naman magpanic kasi wala naman akong pake kung kinamumuhian niyo ako, because I don't like you too either. “Who the fuck said that to you?!”
“Calm down, kahit naman hindi mo sabihin ay alam ko naman na kinamumuhian mo ako,” ani ko.
“Ano ba iyang nasa isip mo, Verity?” Pumunta ako sa banyo niya at iniwan ko lang siya na hindi sinasagot ang tanong niya.
Kumuha ako ng towel at binasa ko ito ng maligamgam na tubig bago bumalik sa kanya. I heavily sighed ng hindi man lang ito natulog at hinintay talaga ako makabalik.
“Magpagaling ka na, Zeus. At please...” Napapikit na lamang ako dahil sa sakit na nararamdaman ng ulo ko. Sakit kasi ng ulo ng mga lalaking ito. “Wag na matigas ang ulo para hindi ka na masaktan.”
“Kapag gumaling ba ako ay iiwan mo na ako?”
Bata nga talaga ang lalaki na 'to. Napailing na lamang ako. Binigyan ko siya ng pekeng ngiti. Bakit ba kasi sobrang bait ko?!
“Magiging masaya ako kapag gumaling ka, Zeus.” Hinaplos ko ang kanyang buhok. “I would be proud of you if you're going to be okay. Take a rest so you can go to school again.”
“Miss mo na ba ako?” Palihim akong napangiwi dahil sa tanong niya sa akin.
Baliw nga talaga 'tong lalaki na 'to. Hindi ko nga alam bakit pa naawa ako sa kanya. Binigyan ko siya ng pekeng ngiti at tinakpan siya ng kumot.
“Basta makinig ka sa akin okay?”
•••
“Are you having fun playing someone's feeling?” Napalingon ako kay Zeb at napakunot ang noo ko.
Grabe naman universe! Wala na ba talagang ibang mga topic ang mga nandito kundi ako lang? Ako nalang palaging mali kahit wala naman akong ginagawa. Nakakalokang nobela 'to. I just rolled my eyes at umiling.
“Ano na naman ba narinig mo sa akin, Zeb?” walang gana kong sabi sa kanya.
Himarap siya sa akin at hindi naman ako takot na humarap sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Wag lang talaga ako inisin ng lalaking 'to. Ang dami ko ng problema.
“May gusto ka ba talaga kay Zeus?” Halos hindi ako makagalaw dahil sa tanong niya. Baliw ba siya?! Zeus just a kid?! How can I love him?! Mukha ko na siyang bunsong kapatid?!
“Can i ask a question?” I gave him a fake smile at sinamaan ng tingin. “Are you out of your mind?!”
Tumawa lang ito. Mukhang natawa pa ito sa inasta ko. Naiinis na talaga ako dito tapos siya patawa-tawa lang. He patted my head and gave me a warm smile.
“I see, so it's not true?” Huh? Baliw ba 'tong lalaki na 'to? Bakit ba ako nagtataka eh baliw naman talaga siya.
“Do you think papatol ako sa bata? Kahit ganito ako maayos utak ko na nasa sariling katinuan ako!” irita kong sabi sa kanya.
Napailing na lamang ako at napabuga ng hangin. Hinilot ko ang sintido at umiwas na lamang ng tingin sa kanya. Kung makaasta parang selosong boyfriend.
“Good. Hindi ka niya deserve.” Tinaasan ko siya ng isang kilay and I chuckled.
Kung makaasta 'to parang sinong malinis at maayos ang pag iisip ah. Napatawa na lamang ako sa naisip ko. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya habang nakangiti ng nakakaloko.
“So sino ba ang deserving na maging boyfriend ko? Ikaw?” Napangiti na lamang siya sa tanong ko. Ay iba rin itong lalaki na 'to.
“Matalino ka naman pala.” Napangiwi na lamang ako at umiling.
Talaga ba? Inaasar mo lang ako eh.
“Sus ikaw pala itong hindi matalino eh.” Siya na naman ang nagtaas ng kilay sa akin.
Wag kang ganyan beh. Baka lilipad kilay mo at sasakin ako, charot lang. Umiwas na lamang ako ng tingin dahil ang sama talaga ng tingin niya sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang ako naman ay paatras ng paatras. Ayan ka kasi! Hindi mo kasi mapigilan ang bibig mo! Mamamatay ka tuloy ngayon! Napapikit na lamang ako.
“Why are you scared of me, honey?” Hinaplos niya ang aking buhok dahilan para tignan ko siya.
Tumawa lamang ako at napaatras. Ayan na naman nawala na naman ang kanyang ngiti sa labi niya.
“Ako? Takot? Bakit naman ako matatakot sa pinakagwapong lalaki na nakilala ko?” mahinahon kong sabi sa kanya.
“Don't flatter me, alam kong binibiro mo lang ako.” Nawala ang aking ngiti.
Akala ko pa naman makakasurvive na ako. Iyun pala hindi pa? Diba mahal niya naman ako baka pwedeng next time nalang niya ako patayin, pwedeng delay muna ngayon.
“Hehe joke lang. Ang ibig ko sabihin kanina. Bakit ka papatol sa babaeng katulad ko, diba? Like... look at you! You're a famous knight and I am just a nobody.” I gave him a fake smile at mukhang hindi siya nasayahan sa sinabi ko.
Ano pa bang kulang lods? Bilhan nalang kita ng ice cream? Gusto ko lang naman umuwi sa amin na hindi ko pa madadatnan na nilibing na ang totoong katawan ko.
“Who said that to you?” seryoso niyang tanong.
Nagtaka naman ako dahil hindi ko gets ang kanyang ibig sabihin. Tinaasan ko siya ng isang kilay pero agad ko rin binago ang aking eskpresyon.
“Wala lang. Ako lang. Totoo naman kasi.” Sa totoo lang, ang dami nang nagsabi niyan hindi lang ako.
Like mga haters ko.
“Kapag nalaman kong nagsisinungaling ka. Alam ko na ang mangyayari.”
BINABASA MO ANG
Twist of Fate 2
Romance(On Going) Verity Diaz ay isang babaeng nakabalik sa nobelang dati na niyang natakasan. Akala niya ay tapos na ang paghihirap niya dahil natakasan na niya ang mga baliw na lalaki na umaaligid sa kanya. Ngunit sa isang iglap nakabalik na naman siya...