Ngumiti naman siya pero nakakatakot ang kanyang ngiti na halatang peke ito. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. Ano bang kasalanan ko sa lalaking 'to?
“Nag enjoy ba kayong dalawa?” he asked habang nakangiti ng matamis sa akin.
Nag isip naman ako sa pangyayari. We did nothing wrong but eat many delicious food.
“Nag enjoy naman ako.” Ewan ko lang sa kanya.
Nakangiti pa rin si Zeus pero parang nakakatakot na ang aura niya. Bigla nalang ako napalunok ng laway kahit hindi ko alam kung bakit ako natatakot?
“Wala talagang silbi ang utak mo, Verity. Hindi ka marunog mag isip,” nakangiti niyang sabi.
“Sakit niyan ha.” Niyakap ko ang sarili ko at pinanliitan siya ng mata.
Ano bang kasalanan ko sa lalaking 'to? Bakit parang galit na galit siya sa akin?
“Umalis lang ako saglit, nakahanap ka na ng iba?” Kung makapagsalita naman 'to parang jowa ko naman siya.
Nakaka-scary naman ang lalaking 'to.
“Anong iba pinagsasabi mo diyan?” naguguluhan kong tanong sa kanya. I just rolled my eyes at umiling na lamang.
“Don't act like you don't get it, Verity.”Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking buhok dahilan para manindig ang balahibo ko. “I know you know that I don't like it. From the moment you said yes, you're mine.”
“Hoy! Nakakagulat ka naman!”Grabe din 'tong lalaki na 'to. Ilang araw lang ako hindi siya nakasama bigla nalang niya ako inaangkin.
“You really don't know huh?” Mukhang naiirita pa itong lalaki na 'to na hindi ko alam. “Akala ko matalino ka. How disappointing.”
Napailing-iling pa ito dahilan para mas lalong nagtaas ang aking kilay.
“Excuse me?! Hindi mo ako pagmamay ari, Zeus! Pumayag lang ako maging tutor mo pero hindi mo ako pagmamay ari,” mataray kong sabi sa kanya.
Siya na naman iyung nagtaas ng kilay.
“What the fuck did you say?” Mas lalo siya lumapit sa akin at halos manindig lahat ng balahibo ko at napaatras sa aura na pinapakita niya. “Repeat what you said to me.”
Napalunok nalang ako ng laway at umiling. Sinasabi ko na nga ba eh sana hindi nalang ako nag.
“Wala. Sabi ko nga eh sa'yo lang ako.”
Napangiti naman ito at napa cross arm. Minsan talaga nakakalimutan kong nagmana ito sa tatay niya. Baka ito pa ang dahilan ng ikamatay ko.
“Mag sorry ka sa akin.” Napanganga nalang ako.
I can't believe this?! Ngayon pinipilit niya ako mag sorry sa hindi ko naman alam kung ano ang kasalanan ko. Napahawak nalang ako sa dibdib ko. Nakakagulat naman ang lalaki na 'to. Kapag nagkaroon ito ng jowa, kawawa talaga girlfriend niyan pag nagkataon.
“Sorry na po mahal na prinsepe.” Napangiwi nalang ako ng palihim dahil sa hindi ko kinaya ang pangyayari.

BINABASA MO ANG
Twist of Fate 2
Romance(Completed) Verity Diaz ay isang babaeng nakabalik sa nobelang dati na niyang natakasan. Akala niya ay tapos na ang paghihirap niya dahil natakasan na niya ang mga baliw na lalaki na umaaligid sa kanya. Ngunit sa isang iglap nakabalik na naman siy...