Chapter 9

186 6 1
                                    

Nakatingin lang ito sa akin at may ibang estudyante pa na nakapansin na nakatingin sa akin ang lalaking 'to.

Dahan-dahan ako lumingon sa kabila para iwasan ang kanyang tingin. Pwede bang lubayan niyo naman ako. Nakakapagod na!

Muntik pa talaga ako napasigaw ng sa isang iglap nasa likod ko na siya.

“What the fuck?!” Napatakip nalang ako ng bibig ko. Namura ko pa tuloy siya. Walang emosyon lang itong nakatingin sa akin. Tumikhim nalang ako para hindi naman ako mabulol sa pagsalita ko. “Yes, is there anything you want?”

Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang ito sa akin.

Ihahatid na kita.” Natigilan ako sa sinabi niya.

Hindi talaga nila ako tinatantanan. I heavily sighed dahil sa pagod na nararamdaman ko.

“It's so nice for you to offer but... Malapit lang ang bahay namin. No need na ihatid mo pa ako,” mahinahon kong sabi sa kanya.

Napangiti ito ng nakakaloko. Masama ang kutob ko dito. Sa tuwing ganyan na sila ngumiti eh may mangyayari talagang masama.

Sinasabi ko na nga ba eh. Leader sila ng kamalasan. Nasaan na ba kasi ang female lead? Dapat sa female lead sila mag focus at hindi sa akin.

“If that's what you want. I'm just worried about you dahil kanina ka pa sinusundan ng mga babae na iyon.”

Dahan-dahan akong napalingon sa tatlong babae na nakatingin sa akin na masama at parang nagbubulungan pa ang dalawa. Napalunok nalang ako ng laway. Bakit ba palagi nalang nasa peligro ang buhay ko?

•••

Walang gana akong napatingin sa bintana habang nilalasap ko ang masariwang hangin. No choice ako kundi sumama sa kanya.

“You should be more careful, Verity.” Napalingon ako sa kanya at alam niya naman na nakuha niya ang atensyon ko. “Many of them wants you dead.”

“Isa ka na rin ba do'n?” I asked.

Matagal-tagal bago siya makasagot. He smiled playfully dahilan para panliitan ko siya ng mata. Hindi kaya papatayin niya ako ngayon?

“What do you think, Verity? Am i going to kill you?” he asked playfully.

Anak ng tinapa! Ako iyong nagtanong dito tapos tinanong niya rin ako pabalik?! Ano bang ini-expect niya sa akin?! Akala niya ba manghuhula ako?!

“If you're asking for my opinion. I will answer yes. I am fully aware that many of you don't like me for who I am and I can't do anything with that.” It's not my fault so bakit ako mag e-effort para gustuhin niyo?

“You're really different from others ” Nawala ang kanyang ngiti pagkatapos niya sabihin iyon. “At dahil diyan kaya ka napepeligro. You're trying your best para hindi mapansin ng iba but that makes you shine more.”

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. What did he mean by that?

“What are you talking about?” Bakit gets niya lahat ng mga ginagalaw ko? How did he know na ginagawa ko ang lahat para hindi nila mapansin?

“You caught the attention of the devil.” I just blinked walang kaalam-alam sa kanyang sinasabi.

Huh? Hindi nalang ako nagtanong baka mabaliw lang ako. 

•••

I waved at him at nginitian niya lang ako bago umalis. Pagkatalikod ko. I saw my mom looking at me with a shock expression on her face. I know kahit hindi niya pa sinasabi sa akin. She misunderstood me?!

“That was one of the knight of the prince?! Bakit ka niya hinatid?!” Ito namang babae na 'to napaka chismosa talaga.

I just heavily sighed at umiling. Pumasok na ako sa bahay at sinundan niya talaga ako ni hindi man lang nawala ang kanyang tingin sa akin. Hinihintay ang sagot ko.

“Mom, it's not like that. He's just being nice.” Napatingin ako sa kanya na ngayon ay may nakakaasar na ngiti sa kanyang labi. “Mom!”

“Hindi mo naman kailangan mag pretend na wala kang jowa, Verity.” Hinawakan niya ang balikat ko at tinapik-tapik ito. “Tanggap ko naman kung sino ang jowa mo.”

“Ma! As I said wala akong jowa!” Napapout na lamang ako ng nginitian niya lang ako.

Mukhang hindi siya naniniwala sa akin. I just heavily sighed. Wala na akong magagawa kung iyan ang paniniwalaan niya.

•••

I heard some knock on my door dahilan para dahan-dahan kong buksan ang aking mata.

Sino na naman iyan?

“Verity! May naghahanap sa'yo?!” sigaw ni mama sa baba.

Napakamot nalang ako ng batok ko. Inayos ko na ang sarili ko bago bumaba ng kama. Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Desiree na nakatingin sa akin ng malamig habang nakaupo sa sofa.

“What are you doing here?” mahina kong tanong sa kanya.

She gave me a warm smile at lumapit sa akin habang niyakap niya ako.

“Good morning, Verity.”

“Hindi mo naman sinabi sa akin na may kaibigan ka na pala,” nakangiting sabi ni mama.

Kaibigan? Kailan ko ba naging kaibigan 'to? Dahan-dahan akong napalingon sa kanya.

“Are you here para sunduin ako?” nagtataka kongg tanong.

I didn't expect her na pumunta dito at mag waste ng time sa akin. Based on her expression last time she seems to hate me.

“Yes. Namiss kasi agad kiita.” May kakaiba sa kanyang tingin na para bang pinapahiwatig na hindi totoo ang sinabi niya sa akin.

I know kahit hindi pa niya sabihin sa akin. Alam kong sadya niya sa akin ay ang true identity ko. She wants to make sure na ako ang taong hinahanap niya but we're not the same background kay Verity na hinahanap niya. Mabuti naman at may nagawa rin na tama ang lalaki na nagdala sa akin dito.

“Okay.”

Pagkatapos ko kumain ay hindi ako nag aksaya ng oras at lumabas na ng bahay. Baka may makuha pa kasi siyang impormasyon tungkol sa akin? Si mama kasi kahit ano nalang ang sinasabi. Mukhang ayaw 'ata umalis ni Desiree kanina eh.

But she has no choice. Kung ayaw niyang magduda ako sa kanya dapat nakasunod siya sa akin.

“Your mother is really pretty,” nakangiti niyang sabi sa akin.

I just gave her a warm smile, “Thanks, my mother is always pretty.”

“Pero bakit hindi kayo magkamukha?”

Twist of Fate 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon