Napansin niya yata nandito ako dahil tumingin siya sa kung saan direksyon ako nakatayo. He gave me a warm smile pero nag bow lang ako slight at aalis na sana pero bigla na naman siya nagsalita. Napapikit na lamang ako dahil sa inis na nararamdaman ko.
“Are you jealous?” he asked.
Kumunot ang aking noo sa kanyang tanong.
“Ako? Ako ba tinatanong mo niyan?” nagtataka kong tanong sa kanya.
He just gave me a warm smile dahilan para taasan ko siya ng isang kilay. Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to?
“Sino pa bang ibang tao dito kung hindi tayo lang dalawa.”
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. He's right.
“Magseselos?” nakataas kilay kong tanong. Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to? “Excuse me, kanino naman ako magseselos?”
“To them.” Tumingin siya ulit kay Cedrick at kay Desiree na seryosong nag uusap.
Ano kayang pinag uusapan nila— pero wait! Ako magseselos?!
“Excuse me? Ganun na ba talaga kababa ang tingin mo sa akin? At bakit naman ako magseselos?” Tinaas ko ang kilay ko.
“You like him, right?” Kahit hindi niya pa minention ang pangalan ni Cedrick alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.
“No, I don't like him,” walang gana kong sabi. Saan na naman niya nakuha ang ganyan? Did I give him a sign na nagkagusto ako sa basura na iyon? “Why did you even think that, gross.”
“Don't you know the rumor spreading? One of us is your crush,” he said habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.
Napangiwi nalang ako sa iniisip nila. That's gross my ghad! Iniimagine ko nalang na gusto ko sila nandidri na ako. Napailing na lamang ako sa naisip ko.
“Really? Nakakatakot naman niyan.”
Nag walk out na ako dahil baka masuka pa ako sa harap niya. Sino na naman ang nag spread ng rumor sa akin ng ganyan? Ibabad ko lang sa toilet namin.
Habang iniisip ko ang nangyari kanina nandidiri pa rin ako. Napailing nalang ako. Nakakadiri talaga kahit ano pabg isipin ko.
“Hey.” Hindi pa ako nakakapagsalita ay bigla nalang may umakbay sa akin.
Sinamaan ko naman siya ng tingin at agad lumayo sa kanya dahilan para mapakunot ang kanyang noo.
“Feeling close yarn,” mahina kong sabi.
Sa tuwing naiisip ko iyung chismis na iyon umiinit ulo ko eh. Kapal naman ng mukha na pag chismisan ako eh sila itong lumalapit sa akin eh. I just rolled my eyes at umiling na lamang.
Ako pa talaga nagka crush sa kanya?! Kapal naman ng mukha?! Never ako magkakacrush sa lalaking ito!
“Stay away from me, will you?” irita kong sabi sa kanya.
“Kung makatingin ka sa akin parang nandidiri ka ah,” natatawa niyang sabi sa akin.
Hindi talaga parang?!— nandidiri talaga ako.
“Tama ka talaga diyan, Cedrick. Do you know the rumor now?! Nakakaloka ka! Kaya pala ang sama ng tingin ng mga babae sa akin! Mabubully pa ako ng dahil sa'yo eh!” Napahilot na lamang ako sa sintido ko.
He just smiled playfully while acting like an innocent child. Hindi mo ako madadaan sa ganyan! Hayop ka! Ako pa tuloy nagmumukhang masama dito?!
“What rumor?” Halos sabunutan ko na sarili ko dahil sa inis na nararamdaman ko.
Kung pwede lang sana ilibing ito ng buhay ay ginawa ko na bwesit na lalaking 'to!
“Alam kong alam mo, Cedrick! Wag ka mag maang-maangan diyan!”
“Ah the rumored you mean?” He giggled. Mukhang kinilig talaga siya dahilan para mapangiwi ako. Hindi talaga bagay sa kanya. “Nabobother ka ba sa rumor na 'yon? Bakit totoo ba?”
Sarap talaga sapakin ng lalaking 'to. Napapikit nalang ako dahil sa inis na nararamdaman ko.
“Wag ka na lumapit sa akin kung ayaw mo masapak.”
Imbes dumistansya siya ay tumawa lang ito.
•••
Napahilot nalang ako sa sintido ko dahil sa inis na nararamdaman ko. Palagi nalang talaga ako naiinis. Jusko! Kailan ba ako kakalma at makakahanap ng peace sa nobelang 'to?!
“Bakit stress ang disney princess na iyan?” Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Grabe naman parusa ito. Napahilot na lamang ako ng sintido ko. He just looked at me innocently at lumapit sa akin at hinawakan ang ulo ko.
“Are you having a headache?” alala niyang tanong sa akin.
Bakit naman siya mag aaalala sa akin? Sinampal ko ang kamay niya at malamig lang nakatingin sa kanya. Minsan nalilimutan kong matanda pa ako kaysa sa kanila. Kung hindi lang ako immortal dito sa nobelang 'to. Magkasing edad na kami ng tatay nila pero nilalandi ako ng anak nila. Ang weird talaga ng takbo ng kwento.
“Ano bang pake mo?” I asked coldly.
Mukhang natauhan naman ito at agad na bumalik sa sarili niyang ekspresyon. Bumalik na naman ang tunay na Zeus.
“You should be greatful that I'm being nice to you, Verity. Baka magsisi ka kapag masama na ang trato ko sa'yo?” nakangiti niyang sabi sa akin.
Napalunok nalang ako ng laway. Nakalimutan kong baliw pala itong lalaki na 'to. Ang bata niya kasi tignan— kasi bata naman talaga siya. I heavily sighed. Ano ba 'tong iniisip ko? Ang random.
“I'm sorry if i offended you, your highness. What can I do for you?” walang gana kong tanong sa kanya.
Ngumiti na naman ito ng matamis. Masama talaga kutob ko sa tuwing ngumingiti ang lalaki na 'to pero mas nakakatakot siya tignan kapag hindi siya nakangiti kahit cute siya.
Ewan ko nalang talaga.
“It's time.”
“Time for what?” nagtataka kong tanong.
"Tutor.”
Para akong tinapunan ng bato sa ulo dahil sa narinig ko.
•••
Sinamaan ko lang siya ng tingin habang inosente siyang nakatingin sa akin. It's almost 3 hours at wala pa rin siyang nagegets kahit isa.
“Are you fucking kidding me?!” Irita konh sabi.
“I'm telling the truth, Verity. Hindi ko talaga gets. Is it because you're a bad tutor?” nakangiti niyang tanong sa akin.
Kapal ng mukha! Alam kong hindi ako kasing talino nila pero maayos naman ako magturo. Ako pa talaga sinisisi ng lalaking 'to!
“You're such a b—!”
“Nagugutom ka na ba may hinanda akong pagkain para sa'yo.”
Hindi pa ako nakapagsalita ay agad na siya umalis dahilan para mapabuga nalang ako ng hangin.
![](https://img.wattpad.com/cover/335503424-288-k300039.jpg)
BINABASA MO ANG
Twist of Fate 2
Romance(On Going) Verity Diaz ay isang babaeng nakabalik sa nobelang dati na niyang natakasan. Akala niya ay tapos na ang paghihirap niya dahil natakasan na niya ang mga baliw na lalaki na umaaligid sa kanya. Ngunit sa isang iglap nakabalik na naman siya...