Prologue

360 14 0
                                    

“Seryoso 'to?!” Napahilot ako sa sintido ko.

Tumango naman siya habang walang ganang nakatingin sa akin na para bang dapat ini-expect ko na mangyayari 'to.

“Their sons already fell in love with you.” Napangiwi nalang ako sa naisip ko.

Imagine may gusto sa akin ang anak ng nagkagusto sa akin noon? Para silang nagkagusto sa matanda—like eww!

“Teka, susuka lang ako. Saan nga cr dito?” Napailing nalang siya at bigla nalang siya nawala. “Hoy! Iiwan mo ako dito?! Hoy! Bumalik ka!”

Hayop na iyon! Hindi na bumalik. Natigilan ako ng makita siyang nakatingin sa akin habang nakangisi. Dahan-dahan akong napailing.

Agad ako napatakbo. Bakit ba kasi takbo ako ng takbo?! Akala ko pa naman tapos na ang mission ko dito sa buhay na 'to. Bakit ako bumalik sa novel na 'to?! I looked back at him while still running. He looks like a handsome boy who is out of his mind.

“Why are you running away, my queen? You're just wasting your time!” Agad niya hinila ang buhok ko dahilan para mapahiga ako sa sahig. Tumawa lang ito ng tumawa.

Hindi nga talaga ako naka learn! Shit! Ang sakit!

“Ano ba?! Bitawan mo ako?! Aray!” Hilang-hila niya ako gamit ang buhok ko.

Agad ako natilapon sa kama at sa isang iglap nakapusas na ang dalawang kamay ko na nasa likod.

“Please! Wag mo akong gahasain! Parang awa mo na!” Tumulo na ang luha ko.

Bakit nawala ang lalaki na 'yon? Wala talaga siyang puso, wala ba naman 'yon balak tulungan ako.

“Shhh! Don't cry! Hindi kita gagalawin.” Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa tenga ko dahilan para maramdaman ko ang malalim niyang paghinga. Naramdaman ko rin na mainit siya. Letse 'to! “Sabihin mo lang kung kailan ka handa. Mukha man akong sobrang obsessed with you pero may natitira pa akong respeto sa'yo.”

He's crazy! Just like his father! Pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya iyon. Mas lalo lang siya mababaliw kapag sinabi kong baliw siya.

Pinaupo niya ako at hindi ko talaga makeri iyung nakakaloko niyang tingin sa akin na para bang ginagahasa na niya ako sa imagination niya.

“You're amazing, Verity.” Tumawa ito ng nakakaloko dahilan para manindig ang balahibo ko. “Even my father is obsessed with you! Nakakaloka! I didn't expect na magiging karibal ko rin si papa ng dahil sa'yo!” Hinaplos niya ang mukha ko. “Nagalit pa ako sa first love niya. I didn't expect it was you all along.”

“H-how?”

“Tell me, Verity. Paano ka hindi tumatanda?” Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa akin  habang hinahaplos pa rin ang pisnge ko. Umiwas ako ng tingin ngunit hinawakan niya lang ang panga ko at pinaharap sa kanya. “Why are you still young?”

“Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko,” seryoso kong saad sa kanya.

“Then tell me! Am i inlove with the witch?!” inis niyang tanong sa akin.

Grabe naman 'to. Mukha ba akong mangkukulam? Wala lang akong ganang nakatingin sa kanya.

“As I said, I am not a witch.”

“Then what are you?!”

Tiningnan ko siya ng seryoso sa mata, Galing ako sa another another world, prince.”

Twist of Fate 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon