Chapter 3

124 11 0
                                    

Walang gana akong tumingin sa mga taong nagsasayawan habang 'yung iba ay nag e-enjoy pa. Si mama at papa halatang nag e-enjoy eh. Ang sabihin nila kaya nila ako pinipilit na pumunta dito kasi gusto nila makapasok sa palasyo na 'to.

Kinuha ko ang wine sa waiter at ininom ito agad. Napapikit na lamang ako dahil sa pait na lasa nito. Tinignan ko ang glass at napanggiwi.

“Yuck.” Napailing na lamang ako at nilagay na sa lamesa ang baso at nagsimula ng maglakad.

Diba may female lead din dito? Pero hindi ko alam kung kailan siya lalabas. The story change eh, pero isa lang ang hindi magbabago.

Ang kamanyakan ng mga male lead sa storyang  ito.

“Mukhang hindi ka nag e-enjoy ah.”

White hair and white eyes. Sakto lang ang kaputian at masculine ang katawan niya halatang mas hot siya tignan kapag nakahubad—ayy charot!

Zeb Velasco 17 years old. Isang mukhang mature at mabait na lalaki but once you make him mad, hindi siya magdadalawang isip na patayin ka. Nagmana talaga siya sa tatay niya.

Paano ako mag e-enjoy? Eh pinapalibutan ako ng mga baliw na lalaki dito.

“Hindi talaga.” I gave him a fake smile. “Alam niyo bang pinagtitinginan na kami ng mga tao?!”

Napamewang ako habang masamang nakatingin sa kanya.

“Bakit naman?”

“Anong bakit?! Is it obvious?!” Nang marealize kong tumaas iyong boses ko ay bumuntong hininga muna ako para pakalmahin ang damdamin ko. “Lahat dito ay royalty lang ang iniimbitahan. Magtataka talaga sila kapag may unfamiliar na tao ang nakapasok dito!”

“Then what's the problem? Diba pangarap niyo naman 'to? Ang makita ang nasa loob ng palace at ma meet ang mga ibang royalties.” He looked at my parents with a smile on his face. “Hindi ka masaya? Na nag e-enjoy ang parents mo?”

Kaya lang naman ako pumunta dito ay para sumaya naman sila. Napailing na lamang ako.

“Bakit naman ako mag e-enjoy dito? I know that the most dangerous place in this world is the palace,” seryoso kong sabi sa kanya. Grabe nga mga babae dito eh halos wala ng power or rights ang mga babae dahil sa nasa lalaki na lahat. “Malay ko baka nakahandusay na ako sa sahig mamaya.”

Napabuntong hininga na lamang ako ng maisip ko iyon.

•••

“I know you will come.” Nakangiting lumapit sa akin ang prinsepe na para bang nag glo-glow siya kahit walang lights.

Ewan ko nalang talaga but I have this feeling eh na hinahanap niya ako simula pa nung party. I just rolled my eyes. Nagmana talaga siya sa tatay niya.

“Greetings, your majesty.” He just nod at me and he gave me a warm smile.

Beh kahit gwapo ka pa beh. Kahit mukha ka ng anghel jan and the way you smile na paparemind mo talaga sa akin ang mukha ni Cha eun woo, wala akong pake. Mahal ko ang buhay ko.

“Why are you here outside? It's cold out here. Bakit hindi ka pumasok sa loob. I'm sure marami kang makikitang magandang bagay sa loob ng palasyo na hindi mo aakalain na nag e-exist dito.”

Char, nag care iyan sa akin o sadyang nag pre-pretend lang beh? Wag mo nga akong pinagloloko pareho lang naman kayo ng tatay mo paasa. Kaya nasasaktan si Amaris noon eh.

“Ayaw ko.” Kumunot ang kanyang noo sa sagot ko pero hindi pa rin nawala ang nakakaloko niyang ngiti sa kanyang labi.

“You're so weird. Ikaw lang iyung taong ayaw sa palasyo na 'to.” Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at napaatras naman ako dahilan para hindi siya tuluyang lumapit sa'kin.

“Mas weird iyung female lead mo,” bulong ko sa sarili ko.

“Pardon?” I gave him a fake smile at umiling lang ako.

“Hindi ko naayos na humingi ng tawad sa'yo, your highness.” I bow my head a little bit. “I truly appologize for what i did. I commited a very unforgiven sin. But I just wanted you to know that wala akong masamang balak sa inyo, mahal na prinsepe. At ayaw kong mainvolve sa inyo.

“Anong gusto mong ipahiwatig?” Mukhang natutuwa pa ito na para bang in just one blink I can be one of his chosen puppet forever.

Seryoso lang akong nakatingin sa dalawang mata niya. I can't believe na mas dangerous pa sila kaysa sa tatay nila.

“I just wanted to tell you that na kahit anong mangyari. Hindi ko gustuhing mangialam o masama sa kung anong problema mo sa buhay. I will do anything para hindi ka rin makapasok sa buhay ko.” Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nakita ko naman na natigilan ito. “I know you don't like me and same here. Our feelings are mutual.”

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita pa at agad na umalis. Muntik pa talaga ako mapasigaw ng makita ko ang lalaking dahilan kung bakit ako nandito. Anak ng tinapa!

“Hi!”

“Hi mo mukha mo!” Inirapan ko siya at napatawa na lamang ito sa inasal ko. “Ano na naman bad news ang sasabihin mo sa akin?”

“Grabe naman. Bad news agad?”

Napa cross arm na lamang ako habang walang ganang tumingin sa kanya.

“Halos lahat naman ng sinabi mo sa akin ay bad news eh.” Umiling na lamang ako habang nag flashback na naman sa utak ko ang nangyari. Umiinit na ulo ko sa lalaking 'to. May pangiti-ngiti pa siya sa akin para siyang tanga.

“Nababasa ko isip mo, lods.” Walang gana lang siyang nakatingin sa akin.

“Ikaw talaga no ang hilig mo talagang ilagay ako sa life and death situation.” Napangiti lang ito ng nakakaloko ng marinig niya ang sinabi ko.

Sinasabi ko na nga ba eh. Challenging na naman ang mangyayari sa buhay ko. Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa inis na nararamdaman ko.

“Buti alam mo.” Aba't loko to ah! “You know the plot change hindi ba? May binago ako dito kasi alam ko naman na alam mo ang mangyayari. Kunti lang naman kasi may awa ako sa'yo.”

Napaikot nalang ako ng mata dahil sa sinabi niya. Marunong din pala itong maawa?

Twist of Fate 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon