“Aminin mo nalang kasi, Zeb. Gusto mo ako no?” Natigilan siya sa sinabi ko. “Charot lang.”
“Oo, gusto kita.” Ako na naman ang natigilan.
“Ha? Hakdog.” Walang gana lang siyang napatingin sa akin at ginulo ang buhok ko dahilan para samaan ko siya ng tingin.
“I like you because of your face.”
Grabe namang redflag 'to. Ginusto lang ako dahil sa mukha ko at hindi dahil sa kung ano ako.
“Alam ko naman na panget ang personality ko pero wag naman ganyan. Nakakahurt ka eh.” Napahawak pa ako sa dibdib ko habang nag a-act na nasasaktan.
He just giggled.
“Ayaw mo nun? Kinompliment ko mukha mo. It means maganda ka.”
“Tsk ang redflag mo talaga.” Pinitik ko ang kanyang noo at kumunot naman ito.
Halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
“Redflag? What's that?”
Binigyan ko lang siya ng pekeng ngiti at umalis na lang. Maglalakad na ako ngayon para naman maka exercise ako.
•••
Walang gana akong napatingin sa ulap. Ang araw na tumatama sa balat ko at ang init ng aking nararamdaman parang gusto ko nalang talaga tumalon sa swimming pool.
“Hey!” Napalingon ako sa kanya at masama lang siyang nakatingin sa akin. “Tinawag kita ng ilang beses na! Bakit parang wala kang naririnig?!”
Ano bang kasalanan ko? Bakit sa lahat ng mga tao siya pa talaga ang maging kapartner ko sa P.E.
“Storm... Just shut up.”
“And why do you want me to shut up? Hindi mo naman ako pinansin. Kanina ka pa,” naiirita niyang sabi.
“Kasalanan ko bang nag volunteer ka na maging ka partner ko?!” Napamewang nalang ako.
“Kasalanan ko rin ba na wala kang kaibigan?!”
“Ayaw ko.” Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Baka saksakin lang ako sa likod dahil sa inggit?!”
“Grabeng overthink naman niyan,” natatawa niyang ani.
“Storm, sa panahon ngayon you can't trust anyone so easily. Akala mo gusto ka nila maging kaibigan pero may balak na pala kang patayin.” He smiled warmly pero alam ko sa sarili ko na peke ang ngiti na iyon.
Hindi mo ako maloloko. Graduate na ako diyan.
“Pinariringgan mo ba ako?” nakangiti niyang tanong.
Natigilan ako at namilog ang aking mata na nakatingin sa kanya. What if lumalapit lang iyung mga anak ng mga male lead noon dahil may balak sila na patayin ako.
BINABASA MO ANG
Twist of Fate 2
Romance(On Going) Verity Diaz ay isang babaeng nakabalik sa nobelang dati na niyang natakasan. Akala niya ay tapos na ang paghihirap niya dahil natakasan na niya ang mga baliw na lalaki na umaaligid sa kanya. Ngunit sa isang iglap nakabalik na naman siya...