Chapter 2

297 15 0
                                        

Hingal na hingal ako habang tumatakbo. Nag set naman kasi ako ng alarm clock eh! Pero hindi naman nag work. Pinaglalaruan lang talaga ako ng panahon eh no!

“Letse! Tabi!” Mukhang hindi naman niya narinig ito.

Agad ko siya tinulak dahilan para mapaupo siya sa sahig. Hindi na ako nag abala pang lumingon sa kanya at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.

Nang makarating na ako sa school ay napaupo ako sa sahig habang hinahabol ang hininga ko. Nakaabot na rin ako sa classroom.

•••

Tapos na rin ang klase. Nakonsesya tuloy ako sa lalaking nabanggga ko kanina. Kasalanan din naman niya eh.

“Verity Diaz! Come to the principal office immediately! I repeat Verity Diaz! Come to my office now!” Kahit hindi ko man nakikita ang mukha ng kalbo naming principal alam kong galit siya sa akin ngayon.

Ano na naman ba ang kasalanan ko? Oh please! Kakabalik ko lang dito sa nobelang 'to! Hindi na naman ako pahihingahin. Gusto ko nalang talaga maging hotdog. Kahit hindi ko pa tignan lahat ng mga kaklase ko. Alam kong nakatingin sila lahat sa akin. May iba pa nga na nagbubulungan pa, akala mo naman hindi ko naririnig.

Tumayo na lamang ako at walang emosyon na lumabas sa classroom, parang female lead lang ang peg.

Lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Eto naman para naman ang laki ng kasalanan ko. Kung makatingin sa akin ay para bang nakapatay ako ng tao. Tanggalin ko kaya ang mata niyo?!

Eh hindi ko nga alam kung anong kasalanan ko?! Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Napacross arm ako ng makita ko ang kalbo naming principal. Mabuti pa sa ibang nobela, gwapo pa principal nila. Siguro kung pogi lang 'tong nasa harapan ko. Ako pa talaga mag so-sorry sa mga kasalanan na hindi ko naman alam kung ano.

“Pinapatawag niyo—”

“Say sorry to prince Castro! Now!” Napalingon ako sa lalaking nasa harapan ko.

He just gave me a warm smile pero alam kong peke lang ito. Nagmana talaga siya sa tatay niya. Masama ang ugali.

“Ayaw ko,” walang gana kong sabi. I just rolled my eyes at umiwas ng tingin habang naka cross arm. “Hindi ko naman iyan kilala at isa pa. Wala akong kasalanan ginawa.”

“Do you even know what you're saying! That is prince Castro you idiot!” Nang mapagtanto niya ang kanyang sinabi ay agad niya tinakpan ang bibig niya at humingi ng sorry sa prinsepe.

“Hala! Rinig mo 'yon sinabihan ba naman ako ng idiot! Hoy kalbo! Akala ko ba nagturo kayo dito ng magandang asal! Bakit pati ikaw wala kang asal?! Ikaw ha! Porket mahirap lang kami gaganituhin mo lang kami!” Napakagat nalang ito ng labi at umiwas ng tingin na para bang nahihiya siya sa sinabi niya. Tinignan ko naman ang lalaki and he just looked at me innocently and gave me a warm smile. “Umm. Hindi naman sa mamasamain but... Ano bang kasalanan ko sa'yo? Mukhang hindi nga kita nakita eh—ngayon lang.”

“Ako 'yong nabangga mo kanina.” Natigilan ako sa kanyang sinabi.

I blinked two times. Baka namamalikmata lang ako na isang prinsepe ang nabangga ko. Napalunok ako ng laway at tinuro siya.

“I-ikaw—I mean.. Huh? Wala akong matandaan. Baka ibang babae iyung nakabangga sa iyo. Tapos ano... Akala mo lang ako... Haha... Tama! Namamalikmata ka lang!” Shit! Magsisinungaling na nga lang, masyado pang halata. Dahan-dahan siiyang lumapit sa akin at wala na talaga akong ibang naririnig kundi ang lakas ng tibok ng puso ko ng dahil lang sa kaba.

Pinakita niya ang i'd ko dahilan para mapapikit ako dahil sa frustration.

“Now ano pang explanation mo?” Nakangiti pa rin ito pero alam kong peke.

Napabuga nalang ako ng hangin. Lumalapit na nga talaga si kamatayan sa akin.

“I'm sorry, prince Castro. It just nagmamadali kasi ako. Ayaw kasi kami papasukin ng guard kapag nalate kami. I'm really sorry.” Nakayuko lang ako dahil ayaw kong makita ang mukha niya. Wala lang ayaw ko lang talaga makita.

“You should confess your sin in the first place.” Dahan-dahan akong tumingin sa kanya and nagulat ako ng he patted my head. Akala ko susuntukin niya ako. “I already forgive you.”

Nang pagkatapos niya ibigkas ang iyon ay umalis na siya.

Iyun lang pinapunta niya dito dahil gusto niya humingi ako ng sorry sa kanya.

“Nakakalokang prinsepe 'to. Kaya hindi ko kayo type eh.”  Napailing na lamang ako. Tumalikod ako at natigilan ako ng makita ko ang bodyguard ng prinsepe na sinamaan ako ng tingin.

Nagpeke ako ng ngiti at nag peacesign. Feeling ko talaga malapit na ang kamatayan ko dahil sa ugali ko eh.

“Hehe peace,.. Iyung narinig mo sa akin. nagbibiro lang po ako nun hindi po ako seryoso.”

Hindi ko na siya hintay magsalita pa at agad umalis.

•••

Napahiga ako sa kama ko habang napabuga ako ng hangin. Makakapagpahinga na talaga ako finally.

Napahinto ako ng bigla nalang may kumatok sa pintuan. Feeling ko talaga ma stre-stress na naman ako nito. She open the door at kahit hindi pa siya nagsasalita at nakita ko lang ang mukha niya ay kinakabahan na ako.

“Yes ma?” Umupo ako at hinintay siyang makalapit ng tuluyan sa akin.

Umupo siya sa harapan ko at binigyan ako ng matamis na ngiti at hinawakan ang aking kamay na para bang may ginawa akong ikaka-proud nila.

“Anak, I don't know kung anong ginawa mo but I'm so proud of you.” What? Ano bang pinagsasabi ng matandang 'to. Mukhang napansin niyang naguguluhan ako pero binigyan niya lang ako ng matamis na ngiti. “We're invited to the royal palace.” Halos malaglag ang panga ko dahil sa nalaman ko. No way?! This can't be happening?! Hindi maaari! “Can't you believe it?! Ang isang simpleng pamilya na kagaya natin ay iniimbatahan sa selebrasyon ng royal palace?!”

“Kayo nalang pumunta. Wala akong gana.” Hindi ko na siya hinintay pang magsalita pa at agad nagtuklob ng kumot.

“Pero kailangan ka do'n, anak. The son of the king Castro wants to see you.”

Sinasabi ko na nga ba eh.

Twist of Fate 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon